Forty one

438 19 2
                                    

Ark •Pov•

Masaya akong nakatingin sa aking uniporme habang paikot-ikot dito sa harap ng salamin sa aking kwarto. Ito ang unang araw ko ulit na papasok sa ZU dahil mahigit isang linggo na akong hindi pumapasok este magtatatlong buwan na pala at sabi naman ng mga guro at principal na naiintindihan nila ang kalagayan ko.

"Ano ba Ark bilisan mo na diyan! Nagka-amnesia ka na nga ikaw naman itong late!" Narinig ko ang pagsigaw ni Lemi sa labas ng aking kwarto kaya natawa nalang ako bago pinulot ang bag ko sa na nakalapag sa higaan ko bago ako lumabas at saktong pagbukas ko ng pinto nakita ko si Lemi na nakapameywang pa habang nakatingin sa akin.


"Tara na!" Sambit ko sakanya at agad siyang hinila palabas dahil parang wala siyang balak umalis.


Ilang minuto lang tinagal ng byahe namin ni Lemi at narating rin namin ang ZU at kahit alam kong matagal na akong nag-aaral dito hindi ko maiwasang mamangha at maamaze dahil sa nakikita ko.


"Hu!" Kunot noo akong nakatingin sa mga estudyanteng sa tuwing dumadapo ang tingin ko sa bawat isa sakanila sa akin naman sila nakatingin ngunit puno ng panghuhusga. "Problema ng mga ito?" Sambit ko habang nakakunot ang noong nakatingin sakanila habang naglalakad.



"Naku wag mo nalang silang pansinin 'di magtatagal masasanay ka din sa mga taong 'yan." Sambit ni Lemi at agad hinawakan ang kanang kamay ko at agad hinila pero hindi pa kami tuluyang nakakalayo sa mga estudyanteng mapanghusga ang tingin ng may narinig akong hindi kaaya-aya sa pandinig ko tila nagpantig ang tenga sa narinig at gusto ko silang sugudin ngunit tuluyan na akong nahila ni Lemi.


"May gana pa pala siyang pumasok pagkatapos ng ginawa niya sa grupo nina Tarra!"



"Right, tsaka bakit hindi nila ata kasama yung isa pang babae na matangkad at maputi pero hindi naman kagandahan dahil mas maganda pa tayo."



Yan ang mga narinig ko mula sa dalawang estudyante kanina ng tuluyan namin silang malagpasan.



"Lemi! Sino yung tinutukoy nila?" Tanong ko dahil alam ko naman na narinig niya ang sinabi ng dalawang estudyante kanina.

"Si Raven ang tinutukoy nila kanina." Sagot nito kaya napatango nalang ako dahil naalala kong siya yung babaeng naka video call namin nu'ng nakaraan na umiiyak habang nag-uusap kami sa cellphone. Nagtaka nga ako kung bakit siya umiiyak yun pala gaya ni Lemi na dahil hindi ko sila maalala pero hindi lang yun sinabi din niya na madalas din daw siyang umiyak dahil sa pregnant hormone kumbaga buntis siya kaya ganun nalang siya kung umiyak.

"Sayang lang kung sana maalala ko na ang lahat!" Nanghihinayang kong sambit dahil aaminin kong nu'ng pumasok kami kanina parang pakiramdam ko may namiss akong tao na gusto kong makita ngunit hindi ko maalala. Ang malala pa kahit ni isang alala wala akong maalala maging ang pamilya ko pero alam ko naman na ang pangalan ng mama ko sinabi lang sa akin ni Lemi iyon at kahit man hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang siya nakitang dumalaw sa akin naiintindihan naman iyon.


Sabay kaming pumasok ni Lemi sa isang room at alam kong ito ang room namin nu'ng hindi pa ako nagka-amnesia. Lahat ng mga mata nila sa amin nakatuon ng makita nila kaming pumasok. Agad tumabi si Lemi sa boyfriend niya kaya ako naman ang tumabi sa kanan niya kumbaga si Kyler sa kaliwa malapit sa may bintana at si Lemi sa gitna bago ako tapos sa harap may tatlong bakante na upuan. Alam kong bakante dahil wala namang naka-upo tsaka parang lahat naman ata ng mga kaklase ko nandito na.

"Good morning class." Agad kaming napatayo at agad bumati sa gurong pumasok. Agad naman siyang umupo at ganun din kami. Magsisimula na sanang magsalita si ma'am ng biglang bumukas ang pintuan ng classroom at mula doon pumasok ang isang lalake. Matangkad siya maputi at maganda ang pangangatawan idagdag mo pa na good looking siya kahit na messy hair siya. Mababakas ang lungkot sa mga mata niya habang naglalakad palapit sa amin at agad umupo sa may harap ni Kyler kung nasaan ang tatlong bakanteng upuan. Gusto kong tanungin si Lemi tungkol sa lalakeng itong nasa harapan namin pero sakto naman ang pagsisimula ni ma'am kaya hindi ko nalang itinuloy sa susunod nalang.

The True Heiress [Completed]Where stories live. Discover now