BMDN Chapter 1

151K 3.6K 102
                                    

Bago pumasok sa trabaho bilang janitres sa isang ospital ay naisipan ko munang dumaan sa school nya. Sakto naman na pababa sya sa isang magarang sasakya. Nakaipit ng mataas ang wavy nyang buhok at may hello kitty na salamin, napaka ganda nya. Ang kinis kinis din ng balat nya at may natural na kulay pulang pisngi. Pag nakikita ko sya na ganito ay napatunayan ko na tama ang naging desisyon ko.

Sinundan ko sya ng tingin ng pumasok na sya sa gate ng private school na pinapasukan nya. Sinundan ko rin ng tingin ang papaalis na kotse kung saan sya nakasakay kanina.

Umalis na ako sa school at pumunta sa ospital na pag tatrabahuhan ko. Sa umaga ay janitres ako at kapag hapon ay tagahugas ng plato sa carinderia, ganoon naman talaga ang mga hindi nakapag aral walang makukuhang magandang trabaho.

"Morning po" bati ko sa guard pagkadating ko sa ospital.

"Morning" bati din nya. Pumasok na ako sa loob at pumunta sa maintenance at kinuha ang mga gamit na gagamitin ko sa pag lilinis. Binasa ko ang basahan at binuhusan ng fabric conditioner para bumango naman saka ako dumiretsyo sa lobby at doon nag umpisang maglinis. Ganito nalang araw-araw, nakakasawa pero wala naman akong magagawa. Paano pa kaya kung nasa akin ang anak ko?

Natapos ang duty ko sa ospital bilang janitress saka dumiretsyo sa carinderia'. Papasok palang ako ng sinalubong ako ng may ari at inabot sakin ang isang sobre.

"Ayan na ang sweldo mo nitong buwan. May kapalit ka na kaya hindi mo na kailangang pumasok dito" sabi ni Ka Baby yung may ari Saka ako tinalikuran.

Huminga ako ng malalim saka umalis doon, ayoko naman na rin mag trabaho doon sa totoo lang. Masyadong malupit ang matandang iyon, na akala mo ay napakalaki ng ipinasusweldo sakin. Wala lang talaga akong ibang mapasukan dahil sa wala nga akong pinag aralan. Kaya mag hahanap na naman ako ng panibagong trabaho neto.

Napadaan ako sa isang boutique at may nakita akong cute na stuffed toys. Bigla ko syang naalala, magugustuhan nya kaya iyon? Pumasok ako sa shop at tinignan ang kulay pink na My Melody stuffed toys. P350.00 ang presyo.

"Ano po Ma'am?" Tanong ng nagbabantay sa shop.

"Wala na ba itong tawad?" Tanong ko sa babae. Nakita ko ang pag tawa nya

"Ma'am hindi po ito tyange, at saka magaganda po ang mga tinda namin dito" sabi nya. Muli kong tinignan ang cute na stuffed toys.

"Sige bibilin ko, pakilagay narin paper bag ah" sabi ko.

Kinuha ko ang sweldo na ibinigay ni Ka Baby. Naka sobre pa ito na kulay brown, binuksan ko at halos manlumo ako, isang libo sa loob ng isang buwan? Napaka tuso talaga ng matandang iyon, noong pumasok ako doon ang isapan 2500 ang sweldo. At higit isang buwan na ako sakanya tapos isang libo lang ang ibibigay nyang sweldo?

"Ma'am eto na po"

Binigay ko sakanya ang pera at hinintay nalang ang sukli. Dumaan ako sa palengke para bumili ng makakain namin mag kakapatid. Bumili ako ng bigas, delata at sabon na gagamitin namin. Sa P600 na pera na hawak ko dahil may bayad din pala ang paper bag kaya 69 pesos ang natira. Kulang pa ito sa baon ng dalawa kong kapatid.

Dumaan ako sa school bago umuwi ng bahay. Nag uuwian na ang mag estudyante. Hinanap ko ang pamilyar na mukha, nangalay na ang leeg ko pero wala hindi ko parin sya makita. Lumapit ako sa gate para sumilip, nakita ko sya na kausap ang guard ng school.

"Wala pa nga ang sundo mo" rinig kong sabi ng guard

"Sige na po manong guard, sa labas ko nalang po sya hihintayin" rinig kong sabi ng batang hinahanap ko

"Hindi pwede, dito mo nalang hintayin ang sundo mo. Hindi ka pwede sa labas mag hintay baka mamaya may mangyaring masama sayo sa labas ako ang mapapagalitan" sabi ng guard. Ngumuso ang napakagandang bata saka napatingin sa gawi ko saka ako tinuro sa guard

"Ayon na po ang sundo ko" sabi nya sa guard.

Napatingin sakin ang guard at saka sabay silang naglakad papunta sa gate kung nasaan ako.

"Kayo po ba ang sundo ni Kizsa?" Tanong ng guard. Napatingin ako sa batang babae at sinenyasan akong tumango. Napangiti ako saka tumingin sa guard at tumango.

"Ako nga po. " sabi ko.

Tinignan naman akong mabuti ng guard na para bang tinitignan kung mag sasabi ako ng totoo.

"Padaan na po manong guard" sabi mg batang babae saka kumapit sa braso ko saka ako hinatak paalis ng gate.

Huminto kami sa isang park saka umupo sa isang bench ma nakakalat sa buong park.

"Thank you ate ganda ah. Gustong gusto ko talagang pumunta dito kaso ayaw  ni Daddy" sabi nya saka hinubad ang bag na makasabit sa balikat nya.

Nananakit na ang lalamunan ko sa kakapigil ng emosyong gustong kumawala mula sa akin.  Ang katotohanang Andito sa tabi ko ang anak ko. Ang anak ko na ipinamigay ko anim na taon na ang nakakalipas. Gusto ko syang yakapin at halikan pero hindi ko magawa, dahil alam ko wala na akang karapatan sa kanya.
At isa pa baka matakot sya pag ginawa ko 'yon, kaya makukuntento nalang akong tignan sya.

"Okay kalang ate? Bakit ka umiiyak?" Sabi nya saka ko naramdaman ang kamay nya na nasa pisngi ko. Lalo kong gustong humagulgol sa ginawa nya'

"Wala may naalala lang ako" sabi ko saka pinunasan ang pisngi ko.

"Ang ganda mo Ate" sabi nya na nakapag pangiti sakin. Ang sarap pakinggan na ang anak mo mismo ang mag sasabi sayo na maganda ka. Iba ang feeling para kang naawardan sa pagiging best Mommy.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko kahit na alam ko naman ang pangalang ibinigay sa kanya ni Raquel. hinaplos ang pisngi nya, hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko ngayong abot kamay ko na sya.

"Kizsa Alexandria po. Ikaw?" Tanong nya.

"Nina" sagot ko. At hindi binibitawan ang titig sa kanya.

"Nina lang? Wala kang Second name?" Tanong nya. Napatitig ako sa bilugan nyang mga  mata na kaparehas na kaparehas ng saakin na may makapal na mga pilik mata.

"Wala eh, tinamad mag isip ang nanay ko kaya Nina nalang daw" nakangiting sabi ko sakanya. Naalala ko ang stuffed toys.

"Ito sayo nalang" sabi ko sabay abot ng paper bag.

"Akin nalang po?" Inosenteng tanong nya tumango  ako bilang sagot saka ngumiti. Ngiti na ngayon ko lang ata nagawa simula nang ipamigay ko sya.

"Bakit mo ako binigyan ng gift? Hindi ko naman po birthday. Sa November pa po ang birthday ko" Sabi nya habang na katingin sa paper ba.

"Wala lang ang ganda mo kasi eh." nakangiting sabi ko.

Sinunod pala nila ang totoong birthday nya na nakasulat sa papel noong iniwanan ko sya.

Kinuha nya ang paper bag saka binuksan. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nya ng makita nya ang laman ng paper bag.

"Si My Melody!" masayang sabi nya.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko tumango sya ng sunod sunod. Kinagulat ko ang biglang pagyakap nya sakin.

"Thank you po" sabi nya habang nakayakap parin sakin.

Ganito pala ang feeling, pag nakita mong masaya ang anak mo. Sana pala hindi ko sya ipinamigay. Sana matagal nang naramdan ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon, pero andon pa rin yung boses na nag sasabi na tama lang ang ginawa ko.

"Kizsa!" Sigaw ng lalaking papalapit sa kinaroroonan namin ng anak ko.

"Daddy!"


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon