BMDN Chapter 39

95.5K 2.5K 266
                                    

Nanggagalaiting itinapon ni Spencer ang mga papel at gamit na nakalapag sakanya mesa pag kaalis ni Scott sa kanya opisina. Pumunta ang binata para sabihin sakanya ang lahat ng natuklasan kay Nina. Mabilis ang hiningang lumabas sya kanyang opisina.




"Sir, may mee--"



"Just fucking Cancel that fucking meeting!" Bulayaw nya sa kanyang sekretarya ng habulin sya nito. Kita sa mukha mg babae ang takot dahil sa pag bulyaw nya. Mabilis ang mga hakbang lumabas sya ng building at mabilis na sumakay sakanyang kotse.



Habang sakay ng kanyang sasakyan at inalala nya ang sinabi ni Scott kanina. Madami itong sinabi pero dalawa lang ang natandaam nya at iyon ay Pinsan ni Raquel si Nina. At anak ni Nina si Kisza, kaya ba ganoon nalang pahalagahan ng dalaga si Kisza? Dahil anak nito ang bata. Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang maramdamam, ang gusto nya lang ngayon ay ang umuwi at kontrontahin ito.


Hindi lang iisang beses nyang nakikita si Nina na umiiyak habang nakatingin sa natutulog na si Kisza habang nasa kwarto nito. Ang akala nya ay nag susumbong ito sa bata dahil sa pag trato nya dito. Pero may mas malaki palang dahilan sa likod nito. Kaya pala iba ang tingin nito kay Kisza, kita ang pag mamahal sa mata ng dalaga habang nakatingin kay Kisza.

Pakiramdam nya ay nalako sya, at ang nang loko sakanya ay ang babaeng mahal nya.



Mabalis syang bumaba ng kotse, hindi na nga nya naparada ng maayos ang kanyang sasakyan. Mabigat ang hininga na pumasok sya sa bahay, naabutan nya si Nina na nag lilinis ng bahay. Malaki ang ngiti nito ng makita sya pero hindi nya magawang suklian iyon.





"Study room" malamig na sabi nya at naglakad paakyat ng second floor.














***







"Study room" malamig na sabi ni Spencer saka ako iniwanan. Ni hindi sya lumingon ng hindi ako sumunod sakanya.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Pinilig ko  ang ulo ko at pumunta sa kusina para dalhan sya ng meryeda, nag tataka ako dahil ang aga nyang umuwi pero siguro ay wala na itong gagawin sa opisina, nakakapanibago dahil bago ito umuwi ay tatawagan nya muna ako at itatanong kung may gusto akong ipabili, pero maaari ring nakalimutan nya. Dala ang tray na may lamamang sandwich at juice ay pumanhik ako sa second floor, kinakabahan ako pero siguro ay dahil iyon sa excitement na sabihin sakanya na buntis ako. Napangiti ako habang iniimagine ko ang itsura nya pag nalaman nyang mag kakababy na kami. Kumatok ako pero walang sumagot kaya binaba ko muna ang tray na hawak ko saka binuksan ang pinto ng study room. Nakita ko sya na nakaupo sa couch, pumasok ako sa kwarto at ibinaba sa maliit na lamesa sa pagitan ng dalawang couch ang dala ko saka ako umupo isang couch na katapat ng kinauupuan nya.


"Mag meryenda ka muna, tas may sasabihin ako sayo na ikatutuwa mo" masayang sabi ko. Napahawak ako sa tyan ko saka napangiti, noong pinag bubuntis ko si Kisza ay wala si Spencer sa tabi ko para saksihan ang paglabas ng anak namin. Pero napawi ang ngiti ko ng hindi ko makita ang saya sa mukha nya pag makikita ako, imbis ay
Walang gana syang tumingin sakin.

"Tumigil kana" malamig na sabi nya, bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Tumigil saan? Bakit pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda?



"M-may problema ba?" Kinakabahang tanong ko, ngumisi sya saka umiling na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko pero ramdam ko ang pag kainis doon. Iba ang aura nya ngayon, hindi ko maikita ang Spencer na nakasama ko nitong mga nakaraang araw. Dapat na ba akong kabahan?

May hinagis syang pera sa lamesa sa tapat ko kumalat iyon dahil sa pag kakahagis nya. Pakiramdam ko nangyari na ito noon, yung presensya nya at ang malalim ng mata nya.



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon