BMDN Chapter 48

116K 3.1K 208
                                    

"Mom? Where are we going?"
Tanong ni Styler nang binibihisan ko sila.


"To your lola and lolo" nakangiting sabi ko.



"Really? Yeheey!!" ani Scarlet saka sumampa ng kama at sya naman ang binihisan ko.



Tinawagan ko si Mam Gracia kagabi, Sinabi ko sa kanya na handa na akong kausapin si Kisza, alam kong yun din ang gusto nya at hinihintay nya lang akong mag sabi. Kagabi ay hindi ako makatulog, iniisip ko kung ano ang mangyayari mamaya pag nagkita kami ni Kisza. At isa pang dahila kung bakit hindi ako nakatulog ay dahil kay Spencer, nakita ko sya pero hindi ko sigurado kung nakilala nya ako.


Ganoon ba kaliit ang mundo para saming dalawa? Pinili kong manirahan malayo sa bahay nila para maiwasan na magkita kami agad pero kahapon lang nakita ko na sya. Huminga ako ng malalim, aminin ko man o hindi alam kong mahal ko pa rin sya, hindi naman nawala iyon dahil kahit ng nasa ibang bansa ako sya lang ang minahal ko. Pero ayokong pag tuunan ng pansin ang nararamdaman ko para sa kanya, nandito ako para kay Kisza.





Sinilid ko ang ibang damit at iba pang kailangan ng kambal sa bag na dadalhin namin para sa pag punta sa bahay nila Mam Gracia. Kinakabahan agad ako sa tuwing iniisip ko na mag kikita kami ni Kisza.



Dumaan muna kami sa Kisza Bakeshop para kumuha ng cake na dadalhin sa lolo't lola nila Scarlet at Styler, tinawagan ko rin ang ibang manager ng iba pang branch para kamustahin ang shop. Hindi ko kasi nabibisita lahat ng branches ng Kisza bakeshop dahil busy ako sa dalawa kong anak, pero baka bukas ay puntahan ko para icheck ang pamamalakad nila don at para ma check ang mga cakes na ibinebenta. Kung pwede sana ay gusto kong isama si Kisza para sa pag bisita ko sa ibang branches ng Kisza Bakeshop.







Nang makarating sa malaking bahay nila Mam Gracia ay bumalik ang kaba ko. Malakas ang aircon sa loob ng kotse pero pinag papawisan ako. Huminga ako ng malalim bago bumaba ng kotse at pag buksan ng pinto ang dalawa, kinuha ko rin ang cake na dala ko. Mabilis na tumakbo ang dalawa papasok sa loob at sumigaw ng 'Lola, Lolo', napailing nalang ako panigurado kukulitin nanaman nila ang lolo't lola nila.



Nang makapasok sa loob ay sinalubong agad ako ng kasambahay ng dalawang matanda, ibinigay ko sa kanya ang cake na dala ko at nginitian sya.
Nakita ko si Scarlet na buhat ng Lolo nya habang si Styler naman ay yakap ni Mam Gracia.



"Hija" nakangiting bati Mam Gracia ng makita ko, ngumiti ako at lumapit sa kanya at bumeso.


"Kumain na ba kayo? Halika at nag pahanda ako" aniya saka kami inaya sa kusina. Maraming ngang pag kain ang nakahanda sa dimning table pero ayokong kumain dahil pakiramda ko ay maisusuka ko iyon dahil sa kabang nararamdaman ko.


Umupo ang dalawang matanda sa upuan, si Scarlet ay hindi humiwalay sa Lolo nya habang si Styler naman ay sinusubuan ng Lola nya.



"Hija, kumain ka" anang Lolo ni Scarlet.


Kaya kahit walang gana ay pinilit kong kumain kahit na kaunti, si Scarlet ay walang sawang mag kwento ng nag kwento sa dalawang matanda. Nakangiti namang nakikinig ang dalawa at paminsan minsan ay tumatawa pag may nakakatawang sinasabi si Scarlet. Nakangiti lang akong nakikinig sa kanila.



Nang matapos kumain ay bumalik kami sa sala, may pasok sa school si Kisza at dito sya dederetsyo pag kagaling sa school. Ang sabi ni Mam Gracia ay madalas si Kisza dito simula noong nakaraang taon dahil laging wala ang Daddy nya dahil sa business trip. Habang papalapit ang oras ay palakas ng palakas ang kaba ko. Paano kumg hanggang ngayon ay galit sakin si Kisza?



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon