BMDN Chapter 36

101K 2.6K 314
                                    

"Ate okay kalang? Nag away ba kayo ni Kuya Spencer?" Tanong ni Daniel, kanina pa sya sa kwarto ko at ngayon lang nya naisipang mag tanong.

Umuwi ako sa mga kapatid ko ng makatulog si Kisza. Wala si Spencer at hindi pa umuuwi simula ng umalis kanina, hanggang ngayon ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nangyari kanina. Umalis ako sa bahay nya dahil natatakot ako sa pag balik nya, natatakot ako sa mga itatanong nya.



"May kongting pag tatalo lang" sabi ko saka tipid na ngumiti sakanya.



"Ate diba birthday na ni Kisza sa Byernes? Anong plano mo?" Tanong nya saka humiga sa tabi ko. Umiling ako sa tanong nya dahil hindi ko talaga alam kung ano ang plano ko. Lalo na ngayon, na hindi ako sigurado sa takbo ng utak ni Spencer.






"Tulog kana may pasok ka pa bukas" sabi ko saka ginulo ang buhok nya. Tumango sya saka lumabas ng kwarto ko.


Nang mapag isa ako ay naramdaman ko muli ang kaba sa dibdib ko, isipin ko palang ang galit na mukha ni Spencer ay kinakabahan na nya ako. Sana lang sapat ang pag mamahal nya para sakin para maunawaan ang ang mga nagawa kong kasalanan.

Huminga ako ng malalim saka lumabas ng kwarto, anong oras na at hindi parin ako makatulog. Pumunta ako sa kusina at nag salin ng gatas sa baso, ang daming mga fresh milk na pinag bibilin ni Spencer pero nasa ref lang lahat dahil hindi naman umiinom ang mga kapatid ko ng gatas, mas gusto pa nila ang milo. Napakagat ako ng labi ng maalala ko si Spencer, kung sanang hindi ko na sinabi ang mga sinabi ko kanina baka hindi pa kami nag away. Pero kasi naiinis ako, sana kasi inisip muna nya ang nararamdaman ni Tita bago nya sabihin ang plano nyang pag papakasal. Kita ko ang sakit at galit kanina ni Tita ng makita nya ang singsing na nasa daliri ko, alam kong nasaktan sya dahil parang ang dali lang kalimutan ni Spencer ang anak nya. Napatingin ako sa daliri ko kung saan nakalagay ang singsing na ibinigay ni Spencer. Namimiss ko sya, kung ganitong ilang oras ko palang syang hindi nakikita ay sobrang namimiss ko na sya paano pa kaya kapag tuluyan na syang lumayo sakin?





Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang isang kahon ng fresh milk. Huminga ako ng malalim saka hinugasan ang baso na ginamit ko at pumasok sa kwarto ko. Parang sobrang close namin ng kama ko ngayon dahil pag kahiga ko palang ay nakatulog na 'ko.



Naalimpungatan ako ng naramdaman kong may humapit sa bewang ko, naalarma ako doon dahil wala namang ibang tao sa kwarto ko kanina. Pero kumalma rin ako ng maamoy ko ang pamilyar na amoy ni Spencer.


"S-spencer" bulong ko, lalo nya akong hinapit papunta sa kanya at sinubsob ang mukha nya sa leeg ko. Naamoy ko rin ang pinag halong amoy alak at sigarilyo sa hininga nya, nag taasan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit na hininga nya.


"I'm sorry" bulong nya gamit ang paos na boses. Huminga ako ng malalim at humarap sakanya.




"Paano ka nakapasok sa bahay?" Tanong ko, tumingin ako sa wallclock at pasado alas tres na ng madaling araw.


"I have a key" simpleng sagot nya, napapikit ako ng haplusin nya ang mukha ko.


"I'm sorry, sorry sa nangyari kanina" aniya, tumamgo ako saka bahagyang ngumiti.

"Matulog na tayo" sabi ko, muli akong napapikit ng halikan nya ang noo ko at muling hinapit papunta sakanya. Nakasubsob ako sa dibdib nya habang sya ay ang higpit ng yakap sakin. Nawala lahat ng pangamba na nararamdaman ko kanina, dahil nandito ulit sya sa tabi ko. Sana lang huwag matapos agad ito.








"Good morning"


Napangiti ako ng bumungad agas sakin ang mukha ni Spencer. Hinaplos ko ang mukha nya at pinisil ang ilong nya, ngumiti lang sya at hinawakan ang kamay ko saka ito hinalikan. Napangiwi ako ng maramdaman ang pangangasim ng sikmura ko paakyat sa lalamunan ko, agad akong tumayo upang pumunta ng banyo saka umupo sa tapat ng toilet upang itinapon lahat ng gustong lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko ang kamay nya na humahagod sa likod ko.



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon