BMDN Chapter 58

115K 2.5K 232
                                    

"Di kita abay ni punch mo si Daddy ko" ani Scarlet kay Daniel saka umakyat sa second floor. Napailing ako, eto ang isa sa dahilan kung kaya nainis ako kay Daniel kanina dahil makikita ng mga bata.




"Kisza, sundan mo muna ang kapatid mo" baling ko kay Kisza, nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko ng makita ang lungkot sa mata ng panganay ko.






"Hindi mo ba talaga mapigilan yang kamao mo at kailangan sa harap pa ng mga bata? Tignan mo nangyari? Nag tatampo sila sayo"  Inis na sabi ko kay Daniel, hindi pa rin sya kumakalma hanggang ngayon.




"Bakit kayo mag kakasama?!" Tanong nya imbis na intindihin ang sinabi ko.





"Sa bahay nya kami nakatira" sabi ko saka nag iwas ng tingin, kita ko ang pag dilim ng ekspresyon nya. Kung dati ay totoy si Daniel sa paningin ko, ngayon ay hindi ko na makita yon. Mas nadepina ang katawan nya ngayon kahit na sixteen years old palang sya dahil siguro sa impluwensya ni Kuya Scott kaya lagi syang nasa gym, mas tumangkad din sya ngayon. At ang buhok nya ay hanggang balikat,  kung matured ang ugali nya noon  mas matured pa ngayon.





"Ate naman!" Frustated na bulalas nya.






"Daniel, iyon ang gusto ng mga bata kaya kami don tumira" ani ko, umiling sya saka hinawi ang buhok nya pataas.





"Baka naman gusto mo rin! Ate huwag mo sanang kalimutan ang ginawa nya noon. Pinakaladkad ka nya sa mga guard paalis ng bahay nya! Pinaalis tayo sa bahay na pinatira nya satin! Tinawag ka nyang puta! Tapos ano? Wala pang isang linggo may karelasyon na agad!" Aniya saka nag lakad papunta sa stair at umakyat sa second floor ng bahay. Hinayaan kong bumagsak ako sa sofa saka pumukit ng mariin.




"Ate"

Napatingin ako kay James ng tawagin nya ako, lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. Ngumiti ako at ginulo ang buhok nya.



"Kamusta ang sila Kuya Scott?" Tanong ko at pilit pinapagaan ang atmosphere.


"Ate pasensya na kay Kuya Daniel, baka pagod lang sya sa byahe" aniya, tumango ako bilang sagot. Hindi katulad ni Daniel si James ay hindi vocal sa impresyon nya kay Spencer pagkatapos ng mga nangyari.




"Galit kaba kay Kuya Spencer mo?" Hindi ko alam kung para saan ang tanong na iyon.






"Hindi ako galit pero hindi ko rin masasabi na gusto ko sya. Pero Ate kung san ka masaya susuportahan kita, mahal kita eh" aniya saka ako niyakap. Si James ang hindi nag bago sa lahat, sweet pa rin sya katulad mg dati.








***







"Scarlet, galit ka pa ba kay Tito Daniel?" Tanong ko kay Scarlet, humiga ako sa tabi nya.





"I'm not mad, di ko lang sya bati" aniya. Huminga ako ng malalim, napatingin pa ako kay Scarlet ng bigla syang umupo mula sa pag kakabiga sa tabi ko.




"Mom, can we call Dad?" Aniya, nakangiti sya habang nakatingin sakin. Tumango ako saka inabot ang cell phone ko at hinanap ang pangalan ni Spencer. Sa ika tatlong ring ay doon sumagot ang kabilang linya.





"Nina" gulat na tanong nya. Agad kong ibinigay ang phone kay Scarlet.




"Dad" ani Scarlet.



"Dad, are you okay?" Malungkot na sabi ni Scarlet. Nakatingin lang ako sa kanya habang kausap ang Daddy nya., hindi katulad kanina na malungkot ngayon ay masaya na syang nakikipag usap kay Spencer.



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon