BMDN Chapter 38

99K 2.3K 103
                                    

"Nina"

Napatingin ako kay Venus ng tawagin nya ako, medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Mabigat ang katawan ko ng bumangon ako kanina, pakiramdam ko hindi na kinaya ng utak ko ang pag dadala ng mga problema kaya ang katawan ko ang nag dadala ngayon. Pinilit ko lang ang sarili ko na ipakita kay Spencer na okay ako dahil ayokong mag alala sya.



"Ayos ka lang?" Tanong nya, ngumiti ako saka bahagyang tumango. Napakunot ang noo ko ng may maamoy ako na hindi ko gusto, pakiramdam ko masusuka ako.



"Ano yon?" Tanong ko saka tumayo


"Ang alen?" Ani Venus, hindi ko na sya nagawang sagutin dahil pumunta ako ng banyo para isuka lahat ng laman ng tyan ko.




"Nina may sakit kaba? Ang putla mo tapos nasusuka kapa? Baka naman may flu ka" dinig ko sabi ni Venus, naduduwal pa rin ako pero wala naman ng lumalabas sa bibig ko. Hinitay ko munang maging okay ako bago ako lumabas ng banyo.



"Okay lang ako, baka masobrahan nanaman lang sa gatas na ininum ko kagabi" sabi ko saka umupo at hinintay na umayos ang pakiramdam ko.



"Baka naman buntis ka?"



Napatingin ako sakanya, nanlamig ako dahil sa sinabi nya. Inalala ko kung kailan ako huling dinatnan, delay na ako ng dalawang linggo. Pero normal lang iyon dahil minsan ay delay talaga ang period ko.



"H-hindi" sabi ko, pero parang hindi rin ako sigurado sa sagot ko. Hindi nga ba? E ano ang ibig sabihin ng mag ca-crave ko sa mga puting pag kain nitong mga nakaraang araw? Ang pagiging antukin ko at pagiging emosyonal ko na kahit na ang pag kain ni Spencer sa puto na pinabili ko ay iniyakan ko. Normal na yon?

Agad akong tumayo at lumabas ng bahay, rinig ko pa ang pag tawag sakin ni Venus pero hindi ko sya pinansin. Ang alam ko ay mayroong drug store sa labas ng subdivision, ayokong ipag walang bahala nanaman ang kutob ko.

Bumili ako ng dalawang Pregnancy Kit saka umuwi, agad akong dumiretsyo sa kwarto ko at nag kulong sa banyo. Ginamit ko ang isa at hinintay ang resulta, habang nasa loob ng banyo ay hindi ako mapakali paikot ikot ako sa loob, kinakabahan ako. Nanginginig na hinawakan ko ang kit at hindi ko mapigilan ang sari-saring emosyon na lumabas sakin, dalawang kulay pulang linya. Muli kong sinubukan gamit ang isa pang kit dahil ang alam ko ay nag kakamali rin ang ganitong PT pero dalawang linya talaga ang lumalabas. Buntis ako.

Masaya ako pero mas tumindi ang takot ko ngayon. Takot para sakin at para sa magiging anak ko.

Nag hilamos ako saka lumabas ng banyo, nang hihinang nahiga ako sa kama. Napahawak ako sa maliit kong tiyan, may buhay na sa loob nito kaya lalo kong kailangang mag pakatatag. Napangiti ako ng maalala ang sinabi ni Kisza, ang bait talaga ng Dyos dahil dininig nya agad ang dasal ng anak ko.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Spencer pag nalaman nya na magiging Daddy na sya? At si Kisza anong masasabi nyayon natupad na ang hinihiling nyang kapatid. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang makatingin sa masayang mukha ng mag ama ko.

Napapikit ako dahil parang ang bigat ng talukap ng mga mata ko.











***













"Sir, si Mrs. Mercado po ay nasa labas. Gusto ka daw makausap"


Mapahilot sa sintido si Spencer pag katapos marinig ang sinabi ng sektetarya. Madami syang trabaho at wala na syang oras para pakinggan ang paninisi nito sa nangyari isang taon na ang nakakaraan. Pero ayaw nyang maging bastos sa dating byanan, ina ito ng dati nyang asawa. At alam nyang hindi magugustuhan ni Raquel kung hindi nya kakausapin ang byanan. At isa pa hindi naman siguro ito pupunta sa opisina nya para lang sisihin sya sa pag kamatay ng anak nito.
Huminga sya ng malalim.




Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon