BMDN Chapter 14

108K 3K 370
                                    

Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa paligid at ako nalang ang nasa kwarto ni Kisza. Nakahawi rin ang kulay pink na kurtina sa kwarto ni Kisza kaya pumapasok ang liwanag.

Ngayon lang ako tinanghali ng gising nauna pang nagising sakin ang anak ko. At siguro sya din ang naghawi mg kurtina na lagi kong ginagawa bago sya gisingin.
Napasarap masyado ang tulog ko, parang sobrang naging komportable na ako na katabi ang anak ko. Bumaba na ako at nasa gitna na ako ng stair ng marinig ko ang halakhak ni Kisza.

"You like her na?" Rinig kong sabi  ni Kisza.

"No"

Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang boses na iyon. Nakauwi na pala sya? Nakita nya kaya ako sa kwarto ni Kisza?

"But I saw you." masayang sabi ni Kisza.

Hindi ko alam kung tutuloy pa ako o babalik sa kwarto ni Kisza at mag papanggap na natutulog. Pero andito na ako ang kailangan ko lang ay umakto ng normal.

Napatingin sakin si Sir Spencer kaya yumuko ako at mag tuloy sa pag baba. Ngayon ko nakita ang mali sa pag kakaroon ko ng kwarto sa tabi ng kwarto ng anak ko. Iyon ay pag bumaba ka ay kita ka ng lahat, kung nandito lang si Leslie malamang iisipin non nag pi-feeling amo ako ngayon. Sino ba naman ang Nanny na nauna pang magising ang alaga nya kaysa sakanya.

"Good morning Ate Nina" masayang sabi ni Kisza saka umakyat at sinalubong ako stair saka yumakap sa bewang ko.

"Good morning. Breakfast kana?" Sabi ko saka hinaplos ang mukha nya. Nakasanayan ko ng haplusin ang mukha nya lalo na pag nag lalambing sya sakin.

"Pag luto mo po ulit ako" sabi nya saka humawak sa kamay ko at tuluyan na kaming bumaba.

"Sige ano ba gusto mo?" Tanong ko sakanya. Bumaling ako kay Sir na hanggang ngayon ay nakatingin parin sakin, naiilang ako at naninibago sakanya.

"Good morning Sir"  bati ko para naman hindi ako lalong mag mukhang bastos. Tinanguan nya lang ako saka ibinalik sa malaking TV sa sala amg atensyon.

"Tara na Ate Nina" sabi ni Kisza saka ako hinatak papunta sa Kitchen.

Hinanda ko ang gustong almusal ni Kisza dinagdagan ko narin dahil baka kumain si Sir Spencer. Nagtimpla na rin ako ng kape para sakanya.

"Kisza, anong oras dumating si Daddy mo?" Tanong ko ng inihahanda ko na sa dining table ang plato at baso.

"Hindi ko po alam ate Nina. Nakita ko lang sya sa room ko kanina nakaya-"

"Kisza" biglang sulpot ni Sir Spencer sa kusina. Nakita ko namang ngumiti ng malaki ang anak ko habang nakatingin kay Spencer na parang pinapaalam dito na may alam sya.

Gusto kong malaman ang gustong sabihin ni Kisza kaya lang ay mas pinili ko nalang na huwag kumibo, baka mamaya ay pagalitan nanama ako ni Sir. Mamaya ko nalang tatanungin si Kisza.

Biglang nalala ko ang mga kapatid ko. Tutal nandito naman na sya pwede kaya akong mag day off?

Umupo so Sir Spencer sa tabi ni Kisza, nagsandok ako ng kanin at yung ham at hotdog na niluto ko saka inilapag sa harapan nilang mag ama. Nilapag ko din ang tinimpla kong kape sa gilid ng plato sya, naramdama ko ang titig nya sakin pero nagpanggap ako na hindi ko alam iyon. Naiilang ako lalo na sa presensya nya, sa pag kakatanda ko ayaw nya na nasa malapit ako pero parang iba yata ang nangyayari.

Binigyan ko ng kanin at ulam ang plati ni Kisza. Hindi ako makatingin sa lalaking katabi nya.

"Ate Nina, si Daddy din" sabi ni Kisza. Nakatitig lang ako sa mukha ng anak ko na parang mandarin ang sinabi nya at hindi ko maintindihan.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon