BMDN Chapter 56

121K 2.5K 90
                                    

Nakatingin lang ako kay Styler at Spencer na  nasa dagat, si Kisza at Scarlet naman ay nag lalaro ng buhangin kasama si Daenerys.




"Mommy!"


Napatingin ako kay Styler na nakasakay sa balikat ng Daddy nya habang nasa dagat, ngumiti ako at kumaway upang gantihan sya.


Masaya ako na mag kasundo ang dalawa, natakot ako ng sabihin sakin ni Styler na ayaw nya kay Spencer noong ipinakilala ko sila sa Daddy nila. Ayoko namang mangyari iyon, ayokong magalit ang mga anak ko kay Spencer dahil lang sa nangyari noon. Nag lakad ako papunta kila Kisza na nakaupo sa puting buhanginan at nag bubuo ng castle gamit ang mga buhangin.


"Mommy look oh" ani Scarlet at itinuro ang ginagawa nila. Tumabi ako sa kanila at tumulong para may magawa at hindi sumagi sa isip ko ang ginawa ni Spencer kanina. Napatingin ako sa likod ko ng maramdaman ko na may tao doon, at nakita ko si Spencer na nakatayo sa likod ko at makatingin sa ginagawa ko katabi nya ang basang si Styler. Mabilis na tumabi si Styler sakin at nakisali sa ginagawa namin.



"Mommy, 'di ikaw maliligo dun?" Tanong ni Styler saka itinuro ang kulay asul na dagat.



"Later baby" sagot ko saka ngumiti at inayos ang basang buhok nya na tumatabing sa mata nya.




Naramdaman ko ang pag tabi sakin ni Spencer, at naramdaman ko ang basa nyang braso sa braso ko.


"Umusog ka don, nababasa ako" sabi ko sakanya, nginisihan nya lang ako at hinawi pataas ng buhok nya.



"Yun nga ang gusto ko. Ang mabasa ka" aniya, sinamaan ko sya ng tingin at ako na ang umusog para hindi kami mag kalapit. Nakitulong din sya sa mga bata, ako naman ay tumayo na at pumunta sa dagat para maligo. Ayoko kasing dalawa kami ni Spencer na nasa dagat dahil baka biglang lumusong ang mga bata sa dagat at hindi namin sila mapansin, lalo na si Scarlet at Daenerys na sobra ang likot.

Sumisid ako sa dagat ng ilang minuto saka muling lumutang, halos malaglag ang puso ko ng makita sa harapan ko si Spencer. Napatingin ako sa pampang at ang mga bata na lang ang nandoon.



"Bakit mo sila iniwan 'don? Baka mag sitakbuhan yun  papunta sa dagat" sabi ko saka, hindi naman sa ayokong maligo ang mga bata sa dagat kaya lang ay baka maaliw sila at pumunta sa malayo o mapunta sa malalim.


"Kisza and Artemis are there" aniya, umiling ako at nag umpisang lumangoy papunta sa pampang. Pero nagulat ako ng hatakin nya ako sa bewang papalapit sa katawan nya.



"Naalala mo? Dito kita unang hinalikan. At noon ko nalaman nagusto kita." bulong nya, bigla akong kinalibutan ng tumama sa balat ko ang mainit nyang hininga na natatalo ang lamig ng tubig ng dagat.




"Nina, handa akong hintayin ka. Handa kong harapin ang galit ng mga kapatid mo, handa kong sagutin ang mga katanungan mo. Basta bumalik ka lang sakin, kayo ng mga anak ko. Nakatira kayo sa bahay ko pero pakiramdam ko ang layo nyo pa rin. Gusto ko kayong makasama habang buhay" aniya saka pinakawalan ang bewang ko at sumisid sa ilalim ng tubig. Lumangoy ako papunta sa pampang at ng lumingon ako ay wala pa rin si Spencer, bigla akong nakaramdam ng kaba. Ilang minuto na sya sa ilalim.




Mabilis akong sumisid  sa ilalim ng tubig at lumangoy para hanapin sya pero lalo lang nadagdagan ang kaba ko ng hindi ko sya makita. Lumutang ako saka kumuha ng hangin, tinignan ko ang paligid pero wala pa rin sya.



"Gotcha"


Anang pamilyar na tinig sa likod saka ako hinatak palubos sa tubig. At doon ay inangkin nya ang labi ko, katulad noong una. Katulad noong akala ko ay mamamatay na ako dahil hinagis nya ako sa malalim na parte ng dagat pero binigyan nya ako ng hangin sa pamamagitan ng halik nya. Nag tagal kaming ilang minuto sa ilalim at ng umahon ang mga ulo namin ay pareho kaming hinihingal. Hindi ko alam kung dahil sa halik iyon o dahil sa pag kabila dahil sa pag hatak nya. Tinulak ko sya palayo sakin saka lumangoy papunta ng pampang, ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa takot na akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya kanina.







Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon