BMDN Chapter 19

113K 2.6K 148
                                    

Tinitigan ko ko ang mukha ni Kisza habang natutulog sya. 8 ng gabi ng makauwi kami sa bahay ni Spencer kaya agad tulog si Kisza dahil sa tatlong oras na byahe, at habang bumabyahe kami kwento sya ng kwento kaya ng mahiga sya sa kama nya knock out agad. Inayos ko ang kumot nya at saka sya hinalikan sa noo saka lumabas.

"Bakit pinatagal mo pa?!"

Napatingin ako kay Spencer habang may kausap sa cellphone nya nakasalubong ang kanyang kilay. Dumaan sya sa harap ko pero hindi nya ako tinignan tuloy tuloy lang syang galit na nakikipag usap sa cellphone. Saka pumasok sa kwarto nya na katabi ng kwarto ni Kisza saka ito sinarado ng malakas, halatang galit sa kausap. Hindi ko na pinansin iyon at  nag tuloy sa kwarto ko, simula ng dumating kami sa bahay nya naging malamig na ulit ang trato nya sakin. Ni hindi na nga nya ako tinitignan at parang hangin lang ulit ako sakanya ngayon. Hindi ko alam kung anong mas gusto ko yung ganito o yung bigla na lamang nya akong susunggaban ng halik. Pero mas okay na siguro ang ganito para hindi na madagdagan pa ang kasalanan ko.

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Kallen kanina. Ang pag kamatay ni Raquel at ang epekto noon kay Spencer. Alam kong hindi lang guilt ang nararamdaman ni Spencer sa mga nangyari kung hindi dahil mahal nya ang asawa nya at masakit sakanya ang nangyari. Kaya ano ang sumagi sa isip ko at naisip ko na maaaring sya ang lalaking naka tabi ko ng isang gabi?

Pumasok ako sa kwarto ko at naligo saka nag palit ng pambahay. Pinatuyo ko lang ang buhok ko saka ako humiga para matulog. Isang nakakapagod na araw ang nangyari.

***

Pagkapatay ng tawag mula sakanyang sekretarya ay tinawagan nya ang kanyang Mama. At tumayo sa harap ng glass wall ng kanyang kwarto.

"Hello son, napatawag ka? Nakauwi naba kayo?"

"Anong sinabi nyo kay Nina?" Tanong nya imbis na sagutin ang tanong ng ina. Masyado syang napapaisip sa nag usapan ng dalawa, lalo na noong nasa byahe sila at tahimik na nakatingin si Nina sa kawalan na halatang ang lalim ng iniisip.

"Marami akong sinabi sakanya anak" sagot ng ina. Lalo syang naiinis dahil ang mukhang nag eenjoy sa usapan ang kanyang ina.

"Ano ang sinabi nyo sakanya bago kayo umalis?"

"Oh iyon ba? Gusto ko lang syang tulungan. Nalaman ko kasi na hindi pala sya nakapag aral. At dahil nanghihinayang ako sakanya, kaya sinabi ko sakanya na gusto ko syang pag aralin. Sayang naman ang ganda nya kung mananatili lang syang Nanny ni Kisza diba?" Magiliw na sabi ng kanyang Mama, naiinis sya sa tono ng kanyang ina halatang may alam ito na hindi nya alam.

"Pero don't worry hindi pa naman sya sumasagot sa offer ko. Pero malaki ang chance na pumayag sya dahil noong binangit ko na gusto ko syang pag aralin ay  halata ang saya sa mukha nya." Sabi ng ina. Sunod-sunod ang naging pag hinga nya. Alam nyang may chance ma iwanan sila ni Nina para lang tanggapin ang inaalok ng kanyang ina. Ewan nya pero ang isiping muling aalis si Nina ay parang nakaramdam sya ng inis. Kaya nga nang ayaw nitong bumalik bilang Nanny ni Kisza ay tinakot nya ito. Masama na kung masama basta manatili sa bahay nya si Nina.

"May sasabihin ka paba anak?" Tanong ng ina pagkatapos ng maikling katahimikan.

"I'll take down your offer. Ako ang mag papaaral kay Nina, ako ang gagastos kay Nina at mananatili sa bahay ko si Nina"   madiing sabi nya. Narinig nya pa ang pag tawa ng kanyang ina sa kabilang linya.

"You can't take down my offer son. At the first place hindi ko sayo inooffer, at kung gusto mong ikaw ang mag paaral at gumastos kay Nina sabihin mo ng maaga sakanya para naman makapamili sya kung kaninong offer ang kukuhanin nya. Kung sakin sya lilipat at iiwanan kayo o mananatili sya sa bahay mo kasama ka. As far as I know hindi naging maganda ang trato mo sakanya. Kaya good luck anak" magiliw na sabi ng kanyang ina saka binabaan sya sa phone.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon