BMDN Chapter 57

116K 2.6K 176
                                    

Naging masaya ang party ng anak ni Kallen at Pierre, sayang nga lang at hindi nakapunta si Mam Gracia at ang asawa nito. Hindi nya tuloy nakita ang ayos ng mga apo nya, masaya ang mga bata buong mag hapon dahil maraming games na inihanda para sa kanila. Kaya sa pagod buong maghapon ay nakatulog sila ng maaga.



"Mommy"

Inaantok na tawag ni Styler  na nakahiga sa tabi ko umusog sya papalapit sakin at isiniksik ang mukha nya sa leeg ko saka ko naramdaman ang maliit nya kamay na yumakap sakin. Pumikit ako ng marinig ang pag bukas ng pinto, alam kong si Spencer iyon base sa pabangong naamoy ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng malaman ko ang dahilan kung bakit sya na punta sa bar kung saan ako pumasok noon. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin ni Raquel iyon, pero hindi ko sya kilala. Nag uusap kami oo pero hindi basehan iyon para malaman ko ang totoong ugali ni Raquel. Pero sa mga pag kikita naming iyon ay nakikita ko namahal nya ang anak ko, siguro nga kapalit ng pag kupkop nila kay Kisza noon ay ang pag kakayos nila pero nakikita ko na inaalagaan nila si Kisza. Kaya nga naging panatag ako noon na ipag katiwala sakanya ang anak ko.


Pinilit kong huwag gumalaw ng maramdaman ko ang pag upo ni Spencer sa kama sa likod ko, ramdam ko nag titig nya na nakakapag pailang sakin pero pinilit ko na huwag dumilat. Narinig ko ang pag hinga nya ng malalim bago ko maramdaman ang labi nya na hinagkan ang gilid ng ulo ko, nag tagal 'yon ng ilang segundo bago ko marinig ang yabag nya paalis sa hinihigaan namin. Nang nilingon ko sya at nakita kong pilit nyang ipinag kakasya ang kanyang sarili sa couch na nasa tabi ng bintana.

Huminga ako ng malalim at muling pumikit, ayokong mag madali kami. Gusto ko pang linawin ang mga issues noon bago ako mag desisyon.


Gusto ko rin maging maayos muna sila ng mga kapatid ko bago ako bumalik sa kanya. Dahil katulad ng  Gusto nya, gusto ko rin naman syang makasama, yung para kaming isang pamilya pero mahirap pa sa ngayon iyon. Marami pang hindi nasasagot na mga katanungan, ayokong madaliin. Gusto ko ay mag simula muli kami, sisimulan namin kung ano ang mga nilaktawan namin noon. Masyado kaming mag madali noon, kaya naging madali rin ang lahat. Ayoko ng maulit iyon lalo na ngayon na may tatlo na kaming anak,


Alam kong pareho kaming may natutunan sa nangyari at gusto kong a-apply namin iyon ngayon.







***








"Bye po" ani Kisza kila Kallen bago sumakay ng kotse, nandon na rin ang dalawa sa loob ng kotse. Ngayon ang uwi namin sa syudad, ang sabi nila Kallen ay maayang gabi pa sila uuwi kaya mauuna na kami.




"Daan ka sa shop ah" sabi ko.


"Oo, bibisita ako" aniya saka ngumiti lumapit sya sakin at Nagulat ako ng kayapin nya ko.


"Bigyan mo ng pag kakataon ang sarili mo. Alam mo bang pinagdaanan ko rin yan? Pero tignan mo ako ngayon, masaya kasama ang mag aama ko at dahil iyon sa pag bibigay ng 2nd chance. Ang pag bibigay ng second chance ay hindi lang para sa isang tao, kung hindi para sayo din. Nasakta ka, pero kasama iyon sa pag mamahal. Dahil pag nasaktan ka ibig sabihin non totoo kang nag mamahal." aniya. tumango ako at bahagyang ngumiti bago tuluyang nagpaalam sa kanya.



Inisip ko ang sinabi nyang iyon habang nasa byahe kami papunta sa syudad. Ang pag bibigay ng isa pang pag kakataon ay hindi lang para sa iisang tao kung hindi para sakin din, tama sya may mga bagay akong gustong gawin at gustong sabihin kay Spencer na hindi ko nagawa noon dahil sa nalaman na nya ang sekreto ko at kinain sya ng galit. At alam kong hindi ko magagawa ang mga iyon ngayon dahil wala kaming relasyon, nakatira ako sa bahay nya dahil iyon ang gusto ng mga bata.


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon