BMDN Chapter 4

113K 3K 183
                                    

Mag iisang linggo ko ng pinipigilan ang sarili ko na huwag pumunta sa school ni Kisza. At sa loob ng isang linggong iyon ay lagi kong iniisip yung masaya nyang mukha. Masasabi kong mata ko ang nakuha nya sakin, at ang iba ay siguro sa ama nya. Ang totoo hindi ko alam kung sino ang ama ni Kisza, ang alam ko lang ay may tattoo sya sa likod na umabot hanggang sa balikat nya. Madilim noon kaya hindi ko alam ang itsura ng lalaki. At isa pa wala akong pakialam noon sa ginagawa nya dahil ang gusto ko lang noon ay matapos na ang lahat at makuha ko ang pera na ipinangako nya.

Pagkayari ng one night stand ay hindi na ako bumalik ng bar. At ilang linggo mula noon ay nalaman ko na buntis ako, wala akong balak hanapin ang ama nya dahil unang-una hindi ko sya kilala at pangalawa bayad ako.

Kaya lang talagang hindi ko kayang buhayin si Kisza, pero alam kong mahal ko sya kahit bunga sya ng pag kakamali. Ipinamigay ko sya hindi dahil ayoko sakanya, kung hindi dahil mahal ko sya. Ayokong makita na pati sya nag hihirap, na walang makain at hindi mabili ang gusto. Walang magandang damit at hindi makakain ng masarap katulad ng tinatamasa nya ngayon.

Kung tatanungin ako kung gusto ko bang mag pakilala sakanya bilang ina nya ang sagot ko ay ayoko. Ayoko dahil alam kong magagalit sya at kamumuhian nya ako. Maliit pa sya at hindi nya pa maiintindihan ang lahat.

"Nina!"

Napatingin ako sa amo ko ng tawagin nya ako.

"Kuhanan mo ng order yung bagong dating, ayun yung nasa dulo tabi ng glass wall" sabi ni Mr Richee yung manager ng restaurant na pinag tatrabahuhan ko.

Inilabas ko ang papel at ballpen ko saka kinuha ang mga menu. Lumapit ako sakanila at iniabot sakanila ang menu.

Mga mukhang bussiness man ang mga ito dahil lahat sila ay naka suit.

Sinabi nila ng mga oorderin nila.

"Ikaw Spencer?" Sabi ng isang medyo may edad na na lalaki sa kaharap nya. Tumingin ako sa kausap nya at lumakas ang kabog ng dibdib ko ng nasalubong ko ang mata nya na tagos kung makatingin na parang nababasa nya ang nasa utak mo. At ilong nya na napakatangos na talagang kakaingitan ng mga pango. At ang labi nya na natural ang pagka pula at parang ang sarap halikan.

Ang Daddy ni Kisza.

"Yung best seller nalang" sabi nya pero hindi tinatanggal ang tingin sakin. Kaya kahit nginginig ang kamay ay nagawa kong isunulat ang order nya.

"Pakihintay nalang po" sabi ko saka umalis sa pwesto nila.

Pagkadating ko kitchen ay nakahinga ako ng malalim. Ibinigay ko kay Shan ang order.

Pagkahanda ng mga order nila ay pinilit kong maging natural. Hindi ko pinahalata ang panginginig ng kamay ko habang nilalapag ang mga pagkain nila. Laking pasasalamat ko ng maayos naman at walang naging aberya sa serbisyo ko.

9:25pm na at 10:00 ang uwi ko at bago umuwi ay may papasukan pa ako sa isang malaking karenderya bilang tagahugas ng plato malapit lang iyon sa ospital na pinag du-duty-han ko bilang waitress. Kailangan kasi nila ng tagahugas ng plato dahil 24/7 iyong bukas dahil nga karamihan sakanila kumakain dahil ayaw nila ang pagkain sa ospital at wala silang makitang gustong pumasok ng panggabi. Kaya kinausap ko ang may ari na ako nalang ang kuhanin. Pumayag naman sya at isa pa kilala naman nya ako.

Noong isang linggo pa ako nag umpisang pumasok doon, at araw-araw tatlo hanggang apat na oras lang ang tulog ko. Buti nalang malakas ang risestenysa kung hindi baka nag hihingalo na ako. Saka okay narin siguro iyon para mawala sa isip ko ang malungkot na mukha ni Kisza.

Nang sumapit ang 10 ay nag paalam na ako. Kanina pa umalis ang Daddy ni Kisza kasama yung mga naka suit na kasama nya sa lamesa kanina. Sino kaya ang nag babantay kay Kisza?

Naglakad nalang ako dahil hindi kasama sa budget ko ang pamasahe. Masyado akong maraming gastusin at isa pa kaya ko namang lakarin.

Kalahating oras ang nilakad ko para makarating sa karenderya na papasukan ko.

Binati ko ang may ari na si Kuya Elmer at dumiretsyo na sa kusina. Inipit ko agad ang buhok ko at inumpisahan na ang trabaho ko. Tatlong oras lang tuwing gabi ang pasok ko dahil kailangan ko rin namang matulog at saka wala ng masyadong kumakain dahil hatinggabi na, hihintayin ko ang kapalit ko bago umuwi.

1am na ng dumating ang kapalit ko, inabot sakin ni Kuya Elmer ang 150 pesos saka ako nag paalam na uuwi na. Medyo malayo dito ang uuwian ko, kaya iniisip ko kung sasakay naba ako ng jeep o mag lalakad. Pag sumakay ako ng jeep 20 pesos ang pamasahe, pang baon na iyon ng kapatid ko bukas. At katulad ng lagi kong ginagawa nilakad ko nalang para makatipid sa bahay nalang din ako kakain.

Nag lakad ako gaya ng ginagawa ko ng mga nakalipas na araw. Natigil ang ako ng biglang umikot ang paligid ko. Pumikit pikit ako nag babakasakali na maging maayos ang pakiramdam ko, ramdam ko ang butil ng pawis na tumulo sa sintido ko. Ang lamig ng pawis ko, Napahawak ako sa poste bilang suporta, sunod sunod ang paghinga ko. Pinipilit kong dumilat kahit kusang bumabagsak ang talukap ng mata ko.

***

Nakatingin si Spencer sa babaeng nag lalakad. Mabagal nyang pinapaandar ang sasakyan nya para hindi ito makahalata na may sumusunod dito. Pasado ala una na ng madaling araw ng tumingin sya sa kanyang relo. Hindi din nya alam kung bakit nya ito sinusundan, basta nakita nalang mang nya ang sarili na sinusundan ito pagkalabas ng dalaga sa restaurant kung saan sya may ka dinner meeting, at hinihintay ito sa labas ng karendiryang pinasukan nito. Nang una na curious din sya kung bakit tinangihan nito ang gusto ng anak nya na maging Nanny ito.

Mukhang attached na attached dito ang anak nya. Dahil lagi sinasabi sa kanya ang anak nya kung gaano nito kagustong maging Nanny si Nina. Kita nya sa mata ng anak nya ang panghihinayang at lungkot pag sinasabi nito ang pangalan ng babae. Ayaw niyang makitang malungkot ang anak pero wala rin syang magagawa dahil tumanggi na ang babae.

Itinigil nya ang sasakyan nya ng nakita nya itong huminto sa pag lalakd at napahawak sa poste.

Nakatingin lang sya dito. Bigla syang kinabahan ng biglang bumuhal ang babae at napahiga sa daan. Wala ng tao sa kalsada dahil ala una na ng madaling araw.

Mabilis syang bumaba sa sasakyan at nilapitan ang nakahigang babae. Pawisan ito at namumutal habang walang malay.

Dalidali nya itong binuhat at ipinasok sa kotse nya, mabilis syang umikot sa driver seat saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan papunta sa ospital.

***

"Over Fatigue at pag palipas ng gutom ang cause ng pagkahimatay niya. Anemic din sya. Sa ngayon i coconfine muna natin sya para mabantayan mabuti" sabi ni Dra. Mendez kay Spencer.

Tumango nalang sya at nagpasalamat sa Dra.

Pagkatapos masuri ay ipinalipat nya sa private room ang dalaga. Tinitigan nya ang maputlang mukha ng dalaga, ang payat nito na parang ilang araw na hindi nakakakain.

Hinawakan nya ang mukha nito. Nang matauhan ay mabilis nyang tinanggal ang kamay nya sa mukha ng dalaga saka lumabas ng kwarto.

***


Become My Daughter's NannyWhere stories live. Discover now