BMDN Chapter 59

124K 2.4K 109
                                    

Mabilis kong kinuha ang cell phone ko ng tumunog ito, napangiti ako ng nag appear ang mukha ni Spencer kasama ang tatlo naming anak sa screen.

"Hi" nakangiting bati ko sa kabilang linya. Para akong teenager na ngayon lang nakaramdam ng kilig, simula ang maging ayos kami ni Spencer simpleng salita o galaw lang nya nakakapag pasaya sakin.



Ilang araw na rin ang dumaan simula ng dumating sila Daniel at simula ng mag kaayos kami ni Spencer. Tuwing gabi ay pumupunta sya sa bahay at dadaan sa bintana para makapunta sa kwarto ko, at tuwing gabi ay hinihintay sya ng mga bata. Hindi ko alam kung anong plano nya lalo na sa mga kapatid ko.

Sa naging desisyon ko ay wala akong nakakapa na pag sisisi, dahil alam ko na tama lang iyon. Tama lang na humingi ng tawad at mag patawad, at isa pa hindi lang para saming dalawa iyon dahilhigit na saya ang hatid non sa mga anak namin. Martyr, tanga o ano pa man hindi ko na iniisip iyon dahil ang nararamdamang saya ng mga anak ko ang mas mahalaga sakin. Minsan kasi yung sakit na naranasan mo noon o mararanasan mo  palang hindi mo na iisipin basta makita mo lang ang mga anak mo na masaya sa naging desisyon mo.

Ayokong ipagkait sa mga anak ko pamilyang nararapat sa kanila. At isa pa umaasa ako na maiintindihan din ako ni Kuya Scott kalaunan lalo na at asawa at ama na sya ngayon. Si Daniel hindi ako umaasa na mauunawaan nya agad ako sa naging desisyon ko dahil bata pa sya, hindi nya pa alam kung paano maging magulang.






"Hey, how's your day?" Tanong nya sa kabilang linya, nasa Kisza' s ako at ang mga bata kasa rin namin sila Daniel at James.



"Ayos naman, medyo marami lang trabaho sa shop. And tomorrow kailangan kong bisitahin ang ibang branches ang Kisza's para icheck" ani ko, sa susunod na araw ang uwi mi Kuya Scott iyon ang sabi ni Daniel. Hindi pa kami nag kakausap dahil naging busy ako nitong mga nakaraang araw.





"Don't stress yourself Nina" aniya, napangiti ako. Ang sabi ko ay mag uumpisa kami sa oras na maging maayos ang lahat, iyon ang gusto ko. Gusto ko na walang may galit sakin o may galit sa kanya sa oras na mag simula kami kasama ang mga anak namin. Hindi pa namin na pag uusapan ang mga nangyari sakanya o sakin nang magdaang tatlong taon o yung tungkol sa babaeng nakita ko sa kwarto nya, dahil sa tuwing pumupuslit sya sa kwarto ko ay hindi sya pinapakawalan ng mga bata. Kahit nga sa pag punta sa banyo ay sumasama si Styler sa Daddy nya.

Hindi rin alam ng mga kapatid ko na pumupunta si Spencer sa bahay na lubos kong pinag papasalamat. Ewan para kaming mag boyfriend-girlfriend na pinag hihiwalay gayong may mga anak na kami.



"Do you want me to come with you tomorrow?" Aniya sa kabilang linya.



"Hindi kaba busy?" Tanong ko saka isa-isang iniligpit ang mga gamit na nasa table ko.



"Nope, I'm always free pag dating sa inyo ng mga bata" aniya.

"Pero hindi ko kasama ang mga bata bukas dahil baka mainip sila at matagalan ako doon" sabi ko, ayokong isama ang mga bata dahil noong minsang isinama ko sila ay nag aya agad silang umuwi naiinip.
At isa pa nandoon naman sila Daniel para mag bantay.




"It's okay, sasamahan kita bukas" aniya, ang usap pa kami ng ilang minuto bago ako nag paalam dahil uuwi na kami.

Itinabi ko ang mga gamit bago lumabas mg opisina, naabutan ko ang mga anak ko na naka upo sa mga bean bag na nakakalat sa shop kasama ang mga tito nila. Hinanap ko so Carmi at nang makita ko ay nilapitan ko saka sinabing hindi ako makakadaan sa Kisza's dahil bibisitahin ko ang ibang branches. Isa si Carmi sa pinag kakatiwalaan ko pag dating sa negosyo, kaya panatag ako sa kanya.





Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon