BMDN Chapter 35

100K 2.7K 80
                                    

Carmelita Villalobos. Ang Mama ni Raquel, kapatid sya ni Mama pero hindi sila malapit sa isa't- isa. Madaming naging asawa si Tita, at anak sa unang asawa si Raquel. Minsan na nyang inuwi si Raquel kila Lolo noong siyam na taon ako, si Raquel noon ay labing dalawang taon. Naging kalaro ko sya at noon pa man alam kong ibang-iba ang ugali nya sa Nanay nya, mabait si Raquel at laging nakangiti. Nag iisang anak lang sya sa unang asawa ni Tita, ang alam ko pa noon ay mayaman ang ama ni Raquel pero hindi nagawang panagutan si Tita ng mabuntis. Ilang buwan lang sila kila lolo at muling umalis, nang bumalik dalawang taon ang lumipas ay si Raphael naman ang bitbit nya. Anak nya ito sa pangalawang asawa, katulad noong una ay nag tagal lang sya nang ilang buwan pagkatapos ay muling umalis pero iniwan nya si Raphael kila lolo.

Ilang taon ang lumipas ay hindi na muling bumalik si Tita hangga sa mamatay si Raphael dahil sa sakit sa bato, Kapos kami noon kaya hindi sya nagawang ipagamot sa mamahaling ospital. At maski anino ni Tita ay hindi nakita noon, hanggang sa malibing ang anak nya. Nabalitaan nalang namin na sumama pala sya sa karelasyon nyang lalaki na pamilyado.
Galit na galit si lolo noon at sinabing puro sariling kaligayahan nalang nito ang iniisip, at hindi inisip ang anak. Makasarili iyon ang tawag sakanya ni Lolo, makasarili sya dahil gusto nyang makaalis sa kahirapan ng sya lang, na hindi kasama ang mga anak nya.



Nalaman ko rin kay Raquel noong nagkita kami para makita ang anak ko, na pinakasalan ng tunay nyang ama si Tita dahil sakanya. Dahil sinabing ilalayo sya pag hindi ito pinakasalan, mayaman ang angkan ng ama ni Raquel at iyon ang gusto ni Tita ang mayaman. Kaya hiniwalayan ni Tiya ang lalaking pamilyadong sinamahan nya ng malamang pumayag ang ama ni Raquel sa gusto nya.

Kaya nang bumalik sya kila lolo ay lalong lumaki ang ulo nya. Pinamalita nya na mayaman nag napangasawa nya, at masyadong tumaas ang tingin nya sa sarili nya. 'Pera lang kasi ang nag papatakbo sa mundo nya' iyon ang sabi ni lolo. Pero kahit na yumaman sya hindi nya nagawang bigyan sila lolo, at kaya lang pala sya bumalik ay para ipakita sa lahat kung nasaan sya ngayon.

Pati ang pamumuhay namin noon ay nagawa nyang insultuhin. Na hindi daw kasi nangarap ng mataas si Mama, pero panay ang turo sakin ni Mama na hindi lang pera ang nag papasaya sa isang tao. Minsan mas okay na na wala kang pera basta may pamilya kang uuwian.

Ang sabi rin sakin noon ni Raquel ay walang alam si Tita tungkol kay Kisza, lagi kasing wala ito sa bansa at nag liliwaliw kasama ang pera ng ama nya. Hindi na nya ito pinansin at pinabayaan nalang dahil masaya na sya sa pamilya nya, masaya na sya kay Spencer at Kisza. Alam naman nya na kaya lang sya pinalaki ng Nanay nya ay dahil sa pera ng ama nya, pinabayaan nya ito sa mga gusto nitong gawin sa pera ng ama nya dahil sa Nanay naman nya ito. At may utang na loob sya dito dahil sa pag papalaki sakanya.


"Nina, sigurado ka bang okay ka lang?"



Napatingin ako kay Venus saka tumango at bahagyang ngumiti. Kinuha ko ang iniaabot nyang tubig at uminon doon, ramdam ko pa ang init sa pisngi ko dahil sa pag kakasampal ni Tita Carmelita. Napahinga ako ng malalim, at nag pasalamat na hindi nya ako nakilala. Sa bagay noon pa man ay hindi nya ako tinitignan, yung bang tingin ng isang tita sa pamangkin. Papansinin nya lang ako pag papagalitan dahil sa maliit na bagay.



"Masama talaga ang ugaling matandang iyon" sabi ni Venus at umupo sa tabi ko.


"Alam ko" wala sa sariling bulong ko.



"Oo, ibang-iba sa ugali ng anak" aniya.





"Maglinis na tayo?" Aya ko, saka tumayo.



"Ako nalang mag pahinga ka na" aniya. Umiling ako saka hinarak sya para matulungan sa pag lilinis ng bahay. Sinabihan ko rin si Mang Mandy na sya nalang ang sumundo kay Kisza sa school.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon