BMDN Chapter 21

115K 3.1K 368
                                    

"Mommy, sabi ni Daddy sya daw po yung susundo satin" sabi ni Kisza habang nakaupo kami sa isang bench sa school nila. Tumango ako bilang sagot, naging busy na ulit si Kisza sa kakatingin ng kwintas sya na ibinigay ni Elijah. Iginala ko ang paningin ko ng malala ko ang ibinigay sakin ni Jiro, gusto ko sanang mag thank you sa chocolates, cookies at cute na cup cakes na ibinigay nya kahapon. Kanina ko lang naalala yon ng umuwi ako kila Kisza. Hindi ako mahilig sa matamis pero yung binigay ni Jiro ay magustuhan ko, ang cu-cute pa ng design napaka creative ng pag kakagawa nakakapang hinayang ngang kainin, ang dami pa naman.

"Ang tagal.."

Napatingin ako kay Kisza dahil sa pag bulong nya. Napangiti ako dahil mukang may hinihintay ang anak ko. Na tawa ako ng biglang umayos ng upo si Kisza pag kakita kay Elijah. Napatingin pa sya sakin saka namula ng makita akong nakatingin sakanya.


"Hindi naman po masamang mag ka crush di po ba?" Nahihiyang tanong nya, kahit na alam kong may pag hanaga sya kay Elijah ay nakakagulat parin ang tanong nya sakin. Ang bata nya pa dyos ko!

"Kisza!"

Napatingin kami ni Kissa kay Elijah nang tawagin sya nito, tumatakbo sya papunta samin habang si Jiro naman ay nasa likod nya.


"Hello po tito Jiro" bati ni Kisza kay Jiro bago bumaling sa katabi na si Elijah.

"Kamusta?" Tanong ni Jiro saka umupo sa tabi ko.

"Ayos lang, thank you ulit sa pasalubong ah" sabi ko saka umayos ng pag kakaupo.

"Baka hindi ka nga nakatulog dahil sa binigay ko eh" rinig kong sabi ni Elijah, narinig ko pa ang pag tawa ni Jiro sa tabi ko. Sumimangot si Kisza habang nakatingin kay Elijah.


"Hindi ako nakatulog kasi wala sa tabi ko si Mommy Nina, kasi binantayan nya si Kuya James sa hospital. Hindi yun dahil sa gift mo" nakasimangot na sabi ni Kisza.


"Sinong James?" Tanong ni Jiro. Napatingin ako sakanya at nakita ko na mukhang nag aabang sya ng sagot ko.


"Kapatid ko" sagot ko saka inayos ang bag ni Kisza na nasa kandungan ko.

"Anong nangyari?" Tanong nya, saka umayos ng pag kakaupo paharap sakin.


"May nag amok kasi sa lugar namin at nag paputok ng baril, nadaplisan ang kapatid ko sa braso. Pero okay naman na sya mailalabas ko na sya mamaya pag kahatid ko kay Kisza" sabi ko saka ngumiti sakanya.

"Mabuti pala kung ganon. Pero hindi ba parang ang delekado naman sa lugar nyo?" Aniya

Totoo ang sabi nya, pakiramdam ko hindi na safe ang mga kapatid ko sa lugar namin. Pero alam kong ayaw din nilang umalis doon, sa lugar na iyon lang kami nag stay ng matagal.


"Hindi naman siguro" wala sa loob na sabi ko. Ang totoo natatakot ako dahil hindi ako nakakasigurado sa kaligtasan ng mga kapatid ko sa lugar namin. Alam ko naman na mababait ang mga kapitbahay namin pero mukhang hindi na rin ako nakakasigurado ngayon.


"Hindi na kita bati sige" napatingin nanaman ako kay Kisza ng mag salita sya, busangot pa rin ang mukha nya.

"Sige na nga hindi na kita iinisin" sabi naman ni Elijah. "Tapos pag pumunta uli kami ng Korea bibilhan kita ng bracelet yung katulad kay Sandara" dagdag pa nya. Bigla namang nag liwanag ang mukha ni Kisza sa sinabi ni Elijah.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon