BMDN Chapter 20

115K 3.1K 421
                                    

Nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na daplis lang sa braso ang nangyari sa kapatid ko. Halata naman ang saya sa mukha nya ng makita ko.


"Mukang walang nangyari ah" nakangiting sabi ko ng hindi sya tumigil sa kakakwento ng nangyari sakanya nitong mga nakaraang araw.



"Hindi man nga masakit" mayabang na sabi nya. Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko kanina ng malaman ko na natamaan sya ng ligaw na bala, si aling Marina naman kasi kung makabalita nanlalaki pa ang mata akala ko tuloy malubha na ang lagay  ng kapatid ko.



"Ano gusto mong pagkain?" Tanong ko saka umupo sa tabi nya sa hospital bed at hinaplos ang buhok nya.




"May pera kana te?" Tanong nya. Tumango ako bilang sagot.



"Kahit ano?" Tanong nya napatingin pa sya kay Daniel na nasa kabilang gilid nya.


"Kahit ano" natatawang sabi ko.



"Jollibee!" Masayang sabi nya. Tumango ako saka sya hinalika  sa noo, kailan ba ang huling beses na nabilha ko sila ng pag kain sa Jollibee? Apat na taon na ata ang nakakalipas.




Pwede ng ilabas si James bukas dahil hindi naman ganoong kalalim ang sugat na natamo nya. Pinag iisipan ko rin kung ililipat ko sila ng bahay kasi delikado sa tinutuluyan namin. Ang kwento ni Daniel nag wala daw ang kapitbahay namin at nag paputok ng baril. Nahuli naman agad sya ng mga pulis.




"James, Daniel alis muna si Ate bibili lang ako ng pag kain nyo" paalam ko sa dalawa. "Cc huwag mo muna silang iwanan  dito" baling ko kay Cc na nakatitig ngayon sa isang lalaking nurse.






"Aray naman!" Daing nya ng hampasin ko ang braso nya. "Oo na eto naman, hindi ako aalis dito lalo na't nakita ko na ang destiny ko" malanding sabi nya. Natatawa nalang ang dalawa kong kapatid sa kalandian nitong si Cc.







Umalis ako ng ospital at dumiretsyo sa bahay nila Spencer, five pa lang ng hapon kaya malamang wala pa siya dyan. Bumaba ako sa labas ng subdivision dahil hindi naman basta-basta makakapasok dito dahil sobrang higpit. Naalala ko noong bago lang ako dito ay hindi talaga ako pinapasok ng guard tumawag pa sya sa bahay nila Spencer para siguraduhin na katulong ako doon.



"Nag lalakad ka nanaman Hija" puna ng guard sakin ng makita ako "Opo nag papapayat po ako eh" natatawang sabi ko, nag paalam na ako sakanila at nag tuloy maglakad hanggang sa makarating sa tapat ng pamilyar na malaking gate.




Agad naman akong pinapasok ng guard na nag babatay sa bahay nila Spencer. Pag pasok ko sa bahay ay sumalubong agad sakin ang mukha ni Spencer na nakaupo sa sofa na nasa sala ng bahay.


"Bakit ngayon ka lang?" Salubong ang kilay na tanong nya. Nakapambahay na sya at mukhang kanina pa sya na kauwi.



"Kailangan ko ng pera" deretsyang sabi ko, sa ganitong sitwasyon hindi na uso ang hiya. Mga kapatid ko ang nangangailangan ngayon. Nag taka naman ako ng bigla syang ngumisi.




"Mag kano?" Aniya saka ako tinitigang mabuti.



"Kalahati ng sweldo ko" sagot ko, tumango lang sya saka sumenyas na sumunod ako ng naglakad sya papunta sa second floor.


Huminto kami sa tapat ng kwato na masa dulo ng pasilyo. Yung kwarto na tingin ko ay opisina nya sa bahay nya. Dito nya ako unang pinapunta noon para insultuhin. Pumasok sya sa loob kaya sumunod ako.


Umupo sya sa tapat ng lamesa nya, ako naman ay nanatiling nakatayo. Lumapit ako sa mga book shelf, ang daming mga libro na hindi mga pamilyar sakin. Malilinis din ang mga libro at parang may regular na tagalinis. Biglang naalala ko ang sinabi ni Mam Gracia, gusto nya akong pag aralin pero ayoko namang iwan ang anak ko... At isa pa nangako ako sa sarili ko natutulungan ko si Spencer.





Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon