BMDN Chapter 51

123K 2.8K 214
                                    

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin kay Spencer na ngayon ay nakatingin lang kila Styler at Scarlet. Bigla akong nanlambot at parang babagsak ako anoang oras, anong gimagawa nya dito? Pinahanap nya ba ko? Tumayo si Scarlet at lumapit sakin.



"Mommy, do you know him? He saw me when I lost in the mall" ani Scarlet saka tumingin sakin. Hindi ko alam parang wala akong maintindihan  sa sinasabi ni Scarlet.  Ang tanging rumehistro lang sakin ay nandito si Spencer sa shop at ngayon ay nakatingin ng malalim sakin.





"Mommy, are you okay?" Tanong ni Styler saka lumapit sakin, tinignan ko sya saka ngumiti ng tipid. Ang sabi ko sasabihin ko sakanya ang tungkol sa mga anak namin pero bakit parang ang bilis nan? hindi pa ako handa! Hindi pa nga ako nakaka get over sa pag kikita namin kagabi pagkatapos ng tatlong taon pero eto sya at nakaharap na sa mga anak namin.





"Hey Mister, dusto nyo po bang mag buy ng mga cakes na nititida ng Mommy ko? Nibibigyan ko po kayo ng discount" ani Scarlet saka lumapit kay Spencer saka ito hinatak papunta sa mga cake at cup cakes na naka display..



"Mommy?" Napatingin ako kay Styler na nanatiling nasa tabi ko at  nakatingin sakin.






Huminga ako ng malalim, andito na ito baka eto na ang pag kakataon. Dahil baka sa susunod ay mawalan na ako ng lakas ng loob, hinatak ko si Styler at umupo kami sa isa sa mga upuan sa loob  ng shop. Tumingin ako kila Spencer at nakita kong nakikinig sya sa lahat ng sinasabi ni Scarlet, ang lakas ng tibok ng puso ko pakiramdam ko ay tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa kabang nararamdaman ko. Paano kung magalit sya dahil hindi ki sinabi ang tungkol sa mga anak namin? Pero may kasalanan naman din sya hindi ba? Kung hinayaan nya akong mag paliwanag baka hindi sana ganito, baka masaya kaming namumuhay ngayon. Sa nangyari noon tatlong taon na ang makakraan hindi lang naman ako ang may kasalana  hindi ba?







"Styler, diba tinatanong mo kung sino ang Daddy mo?" Tanong ko, tinignan nya lang ako na parang iniintinding mabuti ang tanong ko. Tumango sya bilang sagot.




"Anak kasi yung Daddy m----"



Napatingin ako sa pinto ng makitang may pumasok doon, hindi ko alam kung okay lang ba o hindi ang biglang pag dating ni Kuya sa Shop.




"Tito Scott" ani Scarlet saka sinalubong si Kuya. Napapikit ako ng mariin, alam ko ngayon ay may malaki na ang hinala ni Spencer  kung meron man. Sabagay, sa unang tingin palang sa kambal ay alam mo na agad kung sino ang ama.






"Anong ginagawa mo dito Spencer?" Matigas na tanong ni Kuya Scott saka tumingin sakin. Ramdam ang tensyon sa kanilang dalawa, pati ang mga tauhan ko sa shop ay ramdam ang tensyon sa dalawang lalaki. Ngayon ako nag papasalamat na wala pang masyadong costomer ang pumapasok sa Shop.





"Tito, you know him den? Sya yung may ari nung big mall na nipuntahan namin ni Mommy. Tas nawala ako kasi ni bitaw ako sa hand ni kuya Styler" ani Scarlet. Huminga ako ng malalim, saka bumaling kay Styler.




"Anak kuhanin mo ang kapatid mo don" utos ko na agad naman nyang sinunod. Lumapit sya kila kuya Scott at Spencer saka hinawakan ang kamay ng kapatid nya.





"Wait! Wait! Kuya look, you look like him oh" ani Scarlet saka tinuro si Spencer. Muli akong napapikit, lalo na nang makita ko kung paano titigan ni Spencer si Styler.





Kahit na pakiramdam ko ay bibigay ang tuhod ko sa oras na tumayo ako ay pinilit kong patatagin ito. Lumapit ako sa kanila, tumingin ako kay Kuya.







Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon