BMDN Chapter 63

111K 2.3K 129
                                    

Napangiti ako ng tumambad sakin ang maamong mukha ni Spencer, tulog na tulog sya at medyo naka buka pa ang bibig nya. Hinaplos ko ang noo nya na bahagyang kumunot, hindi ako makapaniwala na ang katulad ko ay mamahalin ng isang Spencer Zamora. Ano lang ba ko noob? Isang babaeng walang pinag aralan, isang taga hugas ng plato sa mga karenderya at isang babaeng nagawang ipamigay ang anak. Hindi ako naging mabuting ina kaya hindi ko alam kung bakit ako hinayaang makatagpo ng dyos ng lalaking mamahalin.

Ang kamay kong nasa noo nya ay bumaba sa matangos nyang ilong, papunta sa mapula nyang labi. Naalala ko noon, nangarap ako noon na sana ako nalang si Lois Lane para mahagkan ko si Superman, pero hindi sumagi sa isip ko makakatagpo ako ng sarili kong Superman. Ngayong nandito na si Spencer sa tabi ko, natupad na ang isa sa mga hiling ko noong nasa ibang bansa pa ako. Iyon ay ang mabigyan ng buong pamilya ang mga anak ko. Ngayon masasabi kong buong-buo na ako, sobrang saya na parang hindi ko na mapaniwalaan na nangyayari ang lahat ng ito.

Hindi kami umuwi ng bahay, ayokong umuwi at ayaw rin ng mga bata na umalis dito. Pinatay ko arin ng phone ko para hindi ako tawagan nila Kuya, ayoko munang mag isip ngayon. Ang gusto ko lang ay makasama ang pamilya ko, at isa pa alam naman ni James na kasama namin si Spencer. Sa bahay kami ni Spencer natulog, hanggang gabi ay nag lalaro sila sa playroom na nasa bahay ni Spencer. Nag paturo rin sila kay Spencer kung paano tumugtog piano, na ikinagulat ko. Hindi ko alam na kaya ni Spencer na tumugtog ng piano, drums at guitar.

Inabot ko ang cellphone ko na nasa bedside table. Binuksan ko ito at sunod-sunod na text ang natanggap ko galing kila Kuya, hindi ko iyon binasa at pinabayaan muna. Ayoko munang isipin ang galit nila sakin dahil sa hindi namin pag uwi, iniscan ko ang mga picture namin habang nandito kami sa bahay ni Spencer. Parang may humaplos sa puso ko habang nakatingin sa picture nila Scarlet, Styler at Spencer habang tumutugtog sila ng piano. Nakangiti si Spencer habang nakatingin sa kambal at tinuturuan ang mga ito. At hindi ko maiwasang matawa habang nakatingin sa picture kung saan buhat nya ang tatlo habang nasa pool sila.

Bigla akong naalarma ng tumunog ang cellphone ko. Si James ang tumatawag, nag dadalawang isip man ay sinagot ko pa rin ito.

"Ate!"

Gulat na tanong nya pag kasagot ko sa tawag nya.

"Ate, si Kuya Spencer?" Tanong nya na nag pakunot ng noo ko. Bakit si Spencer agad ang hinahanap nya?


"Tulog pa, bakit?" Takang tanong ko. Bumangon ako mula sa pag kakahiga at binalot ang sarili sa comporter.

"Ate, nanuod kaba ng TV kahapon? " tanong nya, tumayo ako saka kinuha ang mga damit ko na nakakalat sa carpented floor at pumasok sa banyo.

"Hindi, busy kasi kami ng mga bata sa pag lalaro kasama ang Daddy nila." Ani ko saka tinignan ang sarili ko sa salamin, puro pulang marka ang dibdib at leeg ko. Napailing ako saka nag umpisang mag bihis, rinig ko ang pag hinga nya ng malalim sa kabilang linya.


"Teka James, bakit ba? May nangyari ba?" Kinakabahang tanong ko. Narinig kong muli ang pag hinga nya ng malalim.

"Buksan mo nalang ang TV" seryosong sabi nya. Agad akong lumabas ng banyo, may TV sa kwarto pero ayokong maistorbo ang pag tulog ni Spencer, kaya sa salas na nasa 2nd floor ang binuksan ko. Napakunot ang noo ko nang pagkabukas ng TV ay picture agad ni Spencer na nasa nakita sa screen.

"Bumaba bilang Chief Executive Officer" iyon ang nakalagay sa Screen.

"Nagulat ang lahat nang bumaba bilang Chief Executive Officer ng Zamora Airline si Spencer Zamora, kung matatandaan sa batang edad nya ay ipinag katiwala na ng kanyang ama na si Martin Zamora ang sikat na Airline Company. Hanggang ngayon ay hindi alam ng lahat kung ano ang naging dahilan nito sa pag bibitaw bilag CEO......."


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon