BMDN Chapter 40

103K 2.6K 271
                                    

Napatingin ako sa relo ko, saka muling tumingin sa gate ng school ni Kisza. Dalawang araw na simula mg malaman ni Spencer at Kisza ang sekreto ko, napakagat ako ng labi para mapigilan ang pamumuo ng tubig sa mata ko dahil sa nangyari. Hindi agad ako umalis sa bahay nila kaya pinakaladkad ako ni Spencer sa guard palabas ng gate, pina ban nya rin ako sa subdivision at sa school ni Kisza. Alam kong galit lang sya kaya nya ginagawa ito, at umaasa ako na pag lumamig na ang ulo nya ay papakinggan nya na ako. Sana.

Napatayo ako ng isa-isang nag silabasan ang mga estudyante, wala pa ang sundo ni Kisza at hindi ko alam kung sino ang susundo sakanya. Nag lakad ako papuntang gate at sabay sa mga magulang na susundo sa mga anak nila, nakayuko ako para hindi ako makita ng guard. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok ako sa loob ng school. Pumunta ako sa room nila Kisza at nakita kong nag uumpisa na rin silang mag labasan.



"Kisza!" Tawag ko sakanya ng makita ko sya, napasimangot sya ng tumingin sakin. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa nakita kong pag simangot nya, pakiramdam ko ni minsan ay hindu ako naging parte sa buhay ng anak ko. Katulad kay Spencer ay kita ko sa mata ni Kisza ang galit para sakin.


Mabilis syang nag lakad palayo sakin, mabilis ko syang sinundan.

"Kisza please, pakinggan mo naman ako" sabi ko saka humarang sa daanan nya.


"Ayoko sayo!" Sigaw nya, napaatras ako dahil doon. Kung kanina kurot lang ang nararamdaman ko ngayon ay parang pinipisa ang dibdib ko sa narinig ko.


"Anak.. Anak makinig ka, ipapaliwanag ko sayo kung bakit ko nagawa ang bagay na 'yon" garalgal ang boses na sabi ko.

"Ayoko! Ipinigay mo ko kasi hindi mo ako mahal!" Aniya at nag umpisa ng tumulo ang mga luha nya, umiling ako sa sinabi nya. Umupo ako para mag kapantay kami saka ko hinawakan ang mukha nya, pumatak ng tuluyan ang luha ko ng palisin nya ang kamay ko.




"Hi-hindi anak.. Mahal kita, mahal na mahal.." Umiiling na sabi ko, "Ginawa ko 'yon dahil iyon ang alam kong tama para sayo. Gusto kong mag karoon ka ng magandang buhay at ang Mommy Raquel mo lang ang makapag bibigay non" sabi ko sinubukan ko syang hawakan pero lumayo sya, muli akong mapahagulgol sa ginawa nya. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon, na ang sarili kong anak ay hindi ko mahawakan. Ni hindi nya ako matignan sa mata.


"Di po ba sabi mo noon pag humiling ako sayo gagawin mo? Miss Nina, hihilingin ko po sayo na sana huwag na kitang makita kahit kailan. Ayoko po sayo, si Mommy Raquel lang po ang Mommy ko at si Mommy Raquel lang po ang mahal ko. Kaya po sana huwag ka na pong pupunta dito o kahit sa bahay, ayoko na po kitang makita!" aniya saka tumakbo palayo sakin.

Ngayon ako nagsisisi sa pag iwan ko sa anak ko. Ang sakit pala! Ang sakit pala na sa mismong bibig ng anak mo nanggaling na kinamumuhian ka nya! Pakiramdam ko paulit-ulit akong pinapatay sa sinabi nya.


"Nina? Okay ka lang?"


Pinilit kong patigilin sa pag iyak ang aking sarili pag karinig sa pamilyar na boses. Pinunasan ko ang luha ko saka tumayo.


"J-jiro? Kamusta?" Sabi ko saka pilit ang ngiting ibinigay sakanya. Pero wala akong nakuhang pag bati sakanya, bagkus ay nakatingin lang sya sa mukha ko na parang doon nag hahanap ng sagot.


"Anong nangyari?" Tanong nya, bakas ang pag aalala sa boses nya. Umiling ako saka tipid na ngumiti.



"Mauna na ko, bye" paos na boses na sabi ko dahil pakiramdam ko ay tutulo nanaman ang luha ko. Tumalikod ako kay Jiro para lumabas na ng school, napahawak ako sa tyan ko.

'Sorry Baby, kung hindi ko maibibigay ang pamilya na sapat sayo. Pero pangako hindi ko na gagawin ang pag kakamaling nagawa ko, galit ang ate mo sakin dahil sa naging desisiyon ko noon. Pero sana dumating ang araw na mapatawad nya 'ko, at sana hilumin ng pag mamahal sakin ng Daddy mo ang sugat na ibinigay ko.'



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon