BMDN Chapter 53

124K 2.9K 195
                                    

"Mommy, kailan po ulit kami pupunta kay Daddy?"

Natigil ako sa pag luluto ng breakfast nila dahil sa tanong ni Scarlet, kahapon mag hapon nya ring tanong iyon. Huminga ako ng malalim, kagabi ay hindi ako pinatulog dahil sa sinabi ni Kisza at tanong ni Scarlet isama pa ang lungkot sa mukha ni Spencer noong sinundo ko ang mga bata. Saturday ngayon at sakin silang tatlo pero simula ng kuhanin ko sila nung wednesday sa Daddy nila ay panay na ang tanong ng kambal kung kailan ulit sila matutulog sa bahay ng daddy nya.

Minsan naaabutan ko sila na nag ku-kwentuhan at tungkol sa mga pinuntahan nila ng Daddy nila habang nakila Spencer sila. Hindi ko alam pero parang ipinag kakait ko sila sa Daddy nila, pero kasi hindi naman kaming pwedeng tumira doon at lalong hindi pwedeng mag lagi dito si Spencer. Kahapon ay bumalik na ng Canada si Kuya Scott at Cc, nanganak na kasi si Ate Denice at si Cc naman ay may trabaho model sya sa Canada kaya hindi sya pwedeng mag tagal dito.










"Mom, 'di po ba pwedeng dun nalang tayo titira kay Dad?" Tanong ni Styler. Napapikit ako ng mariin at napapitlag dahil napaso sa frying pan.

Inihanda ko ang almusal nila saka sinaluhan sila sa hapag. Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung tama ito pero bahala na. Para sa mga anak ko.




"Gusto nyo ba talaga sa Daddy nyo?" Tanong ko, sabay na tumango ang kambal at si Kisza ay nakatingin lang sakin.



"Yes Mommy, he always cooked for us. Tas nituturuan nya kaming mag swim nila Ate" ani Styler. Napangiti ako dahil sa sinabi nya.
Alam ko mahal ni Spencer ang mga anak namin, kita ko iyon sa mga mata nya sa tuwing tumitingin sya kila Kisza, Scarlet at Styler.






Hindi ako galit kay Spencer dahil sa nangyari noon pero umiiwas lang ako, natatakot ako na baka mangyari ulit ang dati. Natatakot din akong malaman nyang mahal ko sya at gumawa sya ng paraan para maibalik 'yung dati, natatakot ako na kahit mahal nya ako ay hindi nya akong nagawang pakinggan. Pero hindi ko kayang ipagkait sa mga anak ko ang ama nila dahil lang sa ayokong makasama si Spencer. Kaya kong isakrepisyo ang lahat para sa mga anak ko. Para sa ikakasaya ng mga anak ko, kung ang makasama nila ang  Daddy nila ang tanging makakapg pasaya sakanya bakit hindi ko ibigay iyon?


"Okay sige, finish your food first tas ayusin nyo ang gamit nyo at pupunta tayo sa bahay ng Daddy nyo" sabi ko, nakita ko ang saya na puminta sa mga mukha nila. Napatingin ako kay Kisza at malaki ang ngiting ibinigay nya sakin. Tumango ako saka ginantihan ang ngiti nya.











Nang matapos ako sa pag lilinis sa kusina ay pumunta na ako sa kwarto ko at nag lagay ng ilang gamit sa bag ko. Pwede namang hindi ako sumama sa pag tulog sa bahay nila Spencer pero ayokong mahiwalay sa mga anak ko. Yung tatlong araw na pag tulog nila Scarlet at Styler sa bahay ni Spencer ay halos hindi ako pinatulog. Nasanay ako na katabi silang dalawa at nasanay ako na hinahalikan nila ang mukha ko para gisingin ako.


Napatingin ako sa pinto ng marinig na may kumatok doon at ilang segundo lang ay bumukas iyon at sumilip ang ulo ni Kisza.



"Tapos ka ng mag ayos?" Tanong ko, tumango sya at tuluyang pumasok sa kwarto ko. Nag lakad sya papalapit sakit at nagulat ako ng yumakap sya sakin mula sa likod ko.


"Thank you Mom" aniya, pakiramdam ko may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nya. Hinaplos ko ang ulo nya na nakapatong sa balikat ko.

"Para sa inyong mga anak ko, lahat gagawin ko." sabi ko, kinagat ko ang pang ibabang labi ko para mapigilan ang pag iyak. Naiiyak ako dahil masaya ako at nakasama ko ang mga anak ko. May pag kukulangan ako bilang ina sa kanila pero ramdam ko ang pag mamahal nila sakin. Totoo nga ang sinabi ni mama noon na ang isang ina kayang isakrepisyo ang lahat, kahit na tama para sayo at mali para sa iba.


Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon