BMDN Chapter 11

105K 2.9K 161
                                    

Napatingin si Spencer sa natutulog na bata. Umaga na at hindi sya nakatulog pagkayari ng nangyari kagabi. Ang galit na naramdaman nya ng tanungin ni Nina kung anak nga ba nya si Kisza. Hindi nya na nanakit ng babae, pero dahil siguro sa alak at sa galit na nararamdaman dahil sa tanong nito ay nagawa nya itong sakta.

Ayaw nyang may nag tatanong tungkol sa pagiging ama nya kay Kisza. Mahal nya ang bata kahit hindi nya ito totoong anak, kay Kisza nya naranasang maging ama. Isang Anak na hindi kayang ibigay sakanya ng kanyang Asawa. Pero tanggap nya iyon, mahal nya si Raquel kahit hindi nito kayang ibigay sakanya ang kukumpleto sa pamilyang gusto nya. Kaya masaya sya na dumating si Kisza sa buhay nila, inangkin nila ito na parang anak nila. Nang una pa lamang nya itong nakita ay nahulog na agad sya sa magandang mata ng bata. Sila na ang nagpalaki dito, Ang asawa nya ang nag pangalan pati Aplido nya ay dala ng bata. Minahal niya ito na parang sakanya. Kaya napakalaki ng galit nya sa sarili dahil sa isang pagkakamali ay nasira ang perpektong pamilya nya, nawalan ng ina ang kanyang anak at nawalan sya ng mapagmahal na asawa. At lahat iyon kasalanan nya. Sinira nya ang pamilyang nabuo sa pag mamahalan nila ni Raquel.

"Ate Nina?"

Napatingin sya sa kanyang anak ng unti-unti itong dumilat. Nakatitig pa ito sakanya ng parang kinikilala sya.

"Daddy?"

Ngumiti sya sa bata at bahagyang kinabahan sa magiging reaksyon ng anak pag nalaman na wala na ang Nanny nito.

"How's your sleep little girl?" Tanong nya sa anak saka ito hinagkan sa noo.

"Where's Ate Nina?. Napanaginipan ko na iniwan nya ako" sabi ng bata. Hindi sya makatingin sa anak.

"Tara mag breakfast na tayo" iwas nya sa tanong ng anak.

"Si Ate Nina ang nagluto? Sabi nya sakin kagabi ipag luluto nya ulit ako eh" masayang sabi ni Kisza.

Lalong nadagdagan ang guilty na nararamdaman nya. Napaiwas sya ng tingin sa anak, ngayon nya napagtanto na mali ang ginawa nyang pananakit at pagpapaalis kay Nina. Pero nangyari na, andito na to.

"Dad Let's go, baka lumamig yung luto ni Ate Nina" sabi ng anak saka umambang aalis ng kama ng hawakan nya ito sa kamay. Huminga sya ng malalim.

"Kisza, umalis na sya." sabi nya sa anak. Nakatingin lang sakanya ang bata na parang hindi naiintindihan ang sinabi nya.

"B-but... W-why?" Nanginginig ang boses na tanong ng bata. Hindi sya makasagot, alam nya kasalanan nya pero wala na syang magagawa.

"Inaway mo sya? D-diba nag please po ako sayo kagabi na wag mo na syang aawayin?" Umiiyak ba sabi ng kanyang anak. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin o kung paano papatahanin ang anak.

"Sorry Kisza" sabi nya saka nya pinunasan ang luha ng anak. Hindi tumigil sa pag iyak ang bata, naalala nya na ganito rin si Kisza noong hinahanap nito si Raquel.

***

Limang araw na simula ng umalis ako kila Kisza. Hindi ko narin sya pinupuntahan sa school nya dahil baka makita nya ako at lalong maging komplekado ang lahat.

Nag tatrabaho ako ngayon sa isang bagong bukas na restaurant malapit sa dati kong pinapasukan. Hindi tulad ng dati na apat ang pinapasukan kong trabaho ngayon ay isa na lang. Narealize ko kasi na hindi ko kailangang abusuhin ang katawan ko. Saka malaki ang sweldo ko sa pinapasukan ko ngayon at 3 pm to 10 pm ang pasok ko, kaya may oras pa ako para asikasuhin ang mga kapatid ko. At kung dati hindi ko kinukuha ang ibinibigay ni Cc ngayon ay kinukuha ko na pag nag aabot sya para may panggastos sa araw-araw pero sinabi ko naman na papalitan ko sa pag sumuweldo na ako. Nakakapanghinayang ang sweldo ko kung magiging Nanny ako ni Kisza isa kasi iyon sa dahilan kung bakit pumayad din ako. Kaya lang hindi ko na kasi masikmura ang pang iinsulto ni Spencer, hindi ko malunok. Marunong din naman kasi akong masaktan. Mag dadalawang araw palang ako pero pakiramdam ko isang linggo na akong nandoon.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon