BMDN Chapter 16

108K 2.8K 242
                                    

"Mommy" tawag ni Kisza habang nasa pampang sya ng dagat at kalaro si Daenerys na ngayon ay nag lalaro sa puting buhangin. Kumaway ako ng makitang kumakaway sya sakin. Napangiti ako mg pati si Daenerys ay kumaway din.

Hindi na ako muling lumusong sa dagat pag katapos ng nangyari kanina. Akala ko talaga katapusan ko na, hindi ko alam kung balak lang akong parusahan ni Spencer o talagang gusto niya akong patayin. Gusto kong bumalik sa bahay para makapag palit ng damit pero hindi ko naman pwedeng iwanan si Kisza lalo na at dagat ito.

"Are you okay now?" Napatingi ako kay Spencer na kakapasok lang ng cottage. Hindi na rin sya lumusong sa dagat simula kanina, ewan ko kung bakit.

Tumango lang ako bilang sagot. Ayoko syang maka usap baka mamaya ano nanaman ang masabi ko at hindi na pag tatangka ang gawin nya.

"Nina" madiin na tawag nya sa pangalan ko. Hindi ako lumingon, dahil alam ko may hindi magandang lalabas sa bibig ko sa oras na ibuka ko ito.

"Puntahan ko lang po si Kisza" malamig na sabi ko saka tumayo. Narinig ko pa ang pag mura nya bago ko maramdaman ang kamay nya saking braso. Pero nanatili akong nakatalikod sakanya, hindi ko alam pero pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayong araw mula sa tatlong oras na byahe at sa takot na naramdaman ko kanina habang nakalubog sa tubig.

"Tss... Sorry for what happened" aniya na halatang hindi rin komportable sa sinabi nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mag salita pero parang sasabog ako sa oras na dibdibin ko lahat ng sama ng loob ko sa Daddy ni Kisza. Nanginginig ang kamay na tinanggal ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko. Saka ako humarap sakanya.

"S-sir.. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ito. Oo ayaw mo sakin pero napipilitan ka dahil gusto ako ng anak mo, pero Sir pwede mo naman akong kausapin ng maayos sabihin na 'pwede bang kausapin mo si Kisza na pumayag na mag hanap ng ibang mag aalaga sakanya kasi wala akong tiwala syo, hindi ka kasi katiwa-tiwala' pwede namang ganon Sir eh. Pwede mo kong kausapi  para ipaliwanag ang lahat kay Kisza para mapapayag si Kisza" naiiyak na sabi, nahihirapan akong huminga aa kakapigil na huwag tumulo ang luha ko pero ang hirap lalo na pag ang bigat-bigat na. Pinunasan ko ang luha saka nag iwas ng tingin sakanya.

"Bumalik ako hindi dahil sa tinakot mo ako, bumalik ako kasi gusto ko. Gusto kong alagaan si Kisza" gusto kong alagaan ang anak ko, gusto ko iyong idagdag pero baka sa kung sinabi ko iyon baka sa pagkakataon na ito ay tuluyan na nya ako.

"Ano ang dahilan kung bakit mo gustong alagaan ang anak ko?" Aniya saka humakbang papunta sakin, humakbang ako paurong ewan pero pagkatapos ng mga nangyari ngayon lang ako nakaramdam ng takot.

"Kailangan ba lahat may dahilan? Kasi Sir alam ko pag nabigyan ka ng pag kakataon na makahanap ng trabaho kahit wala kang pinag arala kailangan lahat ng best mo ibibigay mo, kailangan mahalin mo, kailangan pahalagahan mo. Kasi hanggang doon lang naman ang kaya ng mga katulad ko diba?" Sabi ko habang humahakbang paurong. Hindi sya kumibo at inilang hakbang  ang pagitan namin. Kinabahan ako ng nakalapit na sya sakin, sobrang lapit na halos nalalanghap ko na ang mabango nya hininga. Napaatras ako ng makita kong itinaas nya ang kanan nyang kamay, ang isang kamay nya ngayon ay nakapalupot na sa bewang ko na parang pinipigilan ako sa muli kong pag atras.

Yumuko ako at pilit pinapatahan ang sarili ko. Ang hirap pala lalo na kung wala kang mapaglabasan ng sama ng loob mo. Masama bang hangarin na makasama ko ang anak ko? Mali na iyon dahil ipinamigay ko sya? Mali ba na isiping gusto kong bawiin ang anak ko? Napapikit ako ng maramdaman ko ang kamay nya sa chin ko, tinaas nya ang mukha ko paharap sakanya. Naramdaman ko ang banayad na pag punas nya mga luha ko gamit ang daliri nya. Dumilat ako dahil iba ang inaasahan komg gagawin nya, ang akala ko sasaktan nya ulit ako katulad ng pagsampal nya sakin.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon