BMDN Chapter 54

126K 2.7K 272
                                    

Maaga akong nagising dahil may pasok si Kisza at gusto ko na ako ang mag handa ng almusal nya katulad ng dati. Kahapon ay nagsimba kaming lahat, kung titignan ay para kaming masayang pamilya. Habang papalabas ng simabahan ay hawak ni Spencer si Styler at Scarlet habang hawak ko naman si Kisza. Pagkatapos non ay inilibot nya ang mga bata sa mall na pag mamay-ari nya, sa tuwing nakikita ko ang ngiti sa mukha ng tatlo kong anak ay nakikita ko na tama ang desisyon ko na dito muna sa bahay ni Spencer tumira.



Pumasok ako ng banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Saka ako bumaba at pumunta sa kusina, pero habang papalapit doon ay nakaamoy agad ako ng bacon, mukang nag luluto na si Venus. Dumiretsyo pa rin ako para matulungan sya pero instead na si Venus ang makita ko ay ang malapad na likod ni Spencer ang nabungaran ko. Abala sya sa pag luluto, at mukhang hindi nararamdaman presensya ko.
Tinignan ko lang sya habang nag luluto, maraming nag bago saka mag lalong lumaki ang katawan nya at medyo mahaba ang kanyang buhok ngayon. Hindi ko alam kung pati sa ugali nya ngayon kung may nag bago rin.


Tumikhim ako at naglakad papasok ng tuluyan sa kusina. Napatingin sya sakin at ngumiti.



"Good morning" bati nya, ilang buwan ba ako dito noon bago nya ako ngitian ng ganyan sa unang pag kakataon? Huminga ko ng malalim.




"Morning" bati ko saka kumuha ng tasa para mag timpla ng kape. Napag isip isip ko kagabi, hindi naman pala tama na tratuhin ko sya ng hindi maganda dahil lamg sa nangyari tatlong taon na ang nakakaraan. Dahil ang totoo ay pareho naman kaming mali, pareho kaming may pag kukulang. Pero sa tuwing naaalala ko ang nakita ko noong huling punta ko sa bahay na 'to ay hindi ko maiwasan ang kirot sa dibdib ko. Kasi parang ang bilis lang, minahal nya ba talaga ako non? Pero napapaisip ako, asan na kaya ang babaeng iyon?


"Maaga kang nagising" aniya saka tumingin sakin.



"Mag luluto sana ko pero naunahan mo ko" sabi ko saka umupo at nag timpla ng kape. Inamoy ko muna ang aroma ng kape bago sumimsim doon, tumingin ako kay Spencer at naabutan ko syang nakatingin sakin.


"Bakit?" Tanong ko, umiling sya at inilapag ang bacon na niluto nya sa mesa. May hotdog, ham at toasted bread na sa mesa mukhang maaga talaga syang gumisinh para maihanda ang mga ito.


"Ayaw ni Scarlet ang ketsup" sabi ko ng makitang may hawak syang ketsup. "Parang dugo daw kasi" sabi ko saka muling sumimsim sa kapeng aking itinimpla.




"Ano pang mga ayaw nila?" Tanong nya, tumingin ako sa kanya at nakita komg seryoso ang mukha nya.




"Si Styler ayaw nya ng hipon dahil may allergy sya don, ayaw nya rin ng mapait na pag kain, ayaw nyang tinatawag syang baby at ayaw nyang hinahawakan ang tenga nya. Si Scarlet ayaw ng ketsup, ayaw nya rin sa mapait na pag kain, ayaw nya na tinatawag syang mataba at ayaw nyang may ibang umaaway sa kuya nya" sabi ko.






"Paano.... Paano mo silang napalaki na ikaw lang mag isa?" Aniya, tumingin ako sakanya at may nakita akong emosyon doon na hindi ko mapangalanan.




"Anak ko sila at lahat gagawin ko sa kanila, minsan na kong nag kamali ng ipamigay ko si Kisza kaya nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ng hindi ko nagawa kay Kisza. Mahirap dahil dalawa silang pero at the end of the day pag papasalamat ka sa dyos dahil may roon dalawang blessing na ibinigay sayo. Na may dalawa nag bibigay ng lakas sayo para mag patuloy sa buhay" sabi ko saka.



"May balak kabang sabihin sakin ang pag bubuntis mo noon?" Tanong nya, kinagat ko ang ibabang labi ko. Oo meron at ang nasa isip ko noon na kung baka sakaling malaman nya na buntis ako ay mapatawad nya ako na baka pakingga nya ako pero ayokong gawin iyon. Gusto kong mapatawad nya ako dahil mahal nya ako at hindi dahil buntis ako.






Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon