BMDN Chapter 65

126K 2.5K 145
                                    

Hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan habang nakatingin sa sarili kong replection sa salamin.

Noong araw na inilabas ko si Kisza, masaya ako noon 'yon ang totoo. Mahirap para sakin ang naging desisyon ko pero noong mga panahon na iyon alam kong iyon ang tama, ang iwanan sya sa bahay nila Raquel. Lumayo kami ng mga kapatid pero pagkatapos ng ilang taon ay bumalik rin kami, nangungulila ako sa anak ko pero pilit kong nilalabanan iyon. Tuwing gabi umiiyak ako, dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ng baby ko, ang malambot nyang balat at ang maganda nyang mata. Kaya para maiwasan ang pag iisip sa kanya ay pumasok ako sa iba't-ibang trabaho, pinatay ko ang sarili ko sa pag tatrabaho para walang dahilan para pumasok sa isip ko ang anak na ipinamigay ko. Pero bigo ako dahil kahit na anong pagod ko sa trabaho ay inuusig ako ng konsensya ko, kahit na anong pagod ko ay hindi pwedeng hindi ko iiyak ang pangungulila ko sa anak ko.


Kaya isang araw pumunta ako sa bahay kung saan ko sya iniwan, sisilipin ko lang sya iyon ang paulit-ulit na sabi ko sa sarili ko. Nakita ko sya na karga ni Raquel, nakasuot ito ng magandang damit at sobrang kinis ng balat na halatang alagang alaga. Nanikip ang dibdib ko habang nakatingin sa nakangiti nyang mukha, napakaganda nya. Noong nga panahong iyon gustong-gusto syang bawiin mula kay Raquel, lalo na ng tinawag nyang 'mommy' ang pinsan ko. Ang sakin non! Dapat ako ang tinatawag nyang Mommy, pero alam kong wala na akong karapatan sa kanya. Wala na simula ng mag desisyon kong ipamigay sya.


Ang minsan na pag dalaw ko sa bahay nila Raquel para dalawin ang anak ko ay naging mas madalas. Pakiramdam ko ay hindi kumpleto ang araw ko sa tuwing hindi ko sya nakikita, sa kanya ako kumukuha ng lakas para harapin ang bukas. Sya ang lakas ko kahit hindi nya alam iyon. Hanggang isang araw, nakita ako ni Raquel na nakatingin sa anak ko. Lumapit sya at sinabing madalas nya akong nakikitang nakatingin sa anak ko bakas ang pagkabahala sa mata nya noong mga panahong iyon. Nagulat ako dahil hindi man lang nya ako nakilala, sinabi ko kung sino ako at kung anong koneksyon namin sa isa't-isa at bakas ang pagkagulat sa mata nya. Taliwas sa inaasahan ko ang sinabi nya, ang buong akala ko ay ipag kakait nya sakin ang anak ko bagkus ay hinayaan nya akong makalapit dito. Paulit-ulit akong nag pasalamat sa kanya noon, hinayaan nya akong makalapit pa sa anak ko at mag kakaroon ako ng pag kakataong mayakap ito.


Hinding-hindi ko makakalimutan ang saya na naramdama ko noon ng mayakap ko sya sa unang pag kakataon, nakakatawa nga dahil umiiyak ako habang nakangiti at nakatingin sa kanya, kita ko ang pag kalito sa mata nya dahil sa ginawa kong pag yakap sa kanya at agad syang tumakbo papunta kay Raquel at sinabing natatakot sya sakin. Akala ko tuloy-tuloy na ang pag kikita naming mag ina, pero gumuho ang mundo ko ng sabihin nya na iyon na ang huling pag kikita namin ng anak ko. Masakit sakin iyon pero wala akong pwedeng gawin kung hindi tanggapin ang gusto nya, tanggapin ang gusto ng taong bumubuhay sa anak ko. Lumayo ako katulad ng gusto nya, masakit pero wala akong karapatang mag reklamo o magalit man lang, dahil noong panahon na iyon ako ang nakikiamot ng oras sa anak ko.




Lumayo ako at bumalik pag katapos ng ilang taon, umaasa na sana makita kong muli ang anak ko. Pumunta ako sa bahay kung saan sya nakatira at halos lumundag ang puso ko ng makita syang tumatakbo para salubungin ang lalaking tingin ko ay asawa ni Raquel. Noong makita ko muli sya nawala lahat ng sakit at bigat ng dibdib ko, makita lang ang nakangiti nyang mukha ay masaya na ako. Makita lang sya ay kuntento na ako, dahil nangako ako kay Raquel na hindi na muli akong papasok sa buhay ni Kisza. Iyon din ang dahilan kung bakit tinanggihan ko ang gusto ni Kisza na ako ang maging Nanny nya kahit na gustong-gusto ko, tinanggihan ko dahil alam kong mahihirapan akong muling mahiwalay sa kanya. Parang piniga ang puso ko ng makita ang lungkot sa mata nya ng tanggihan ko ang gusto nya. Pero bilang ina alam kong iyon ang tama..


Pero dahil sa kay Spencer wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang trabahong iyon, wala akong pambayad sa hospital bill at alam nya iyon kaya ginamit nya ang pag kakataong iyon para mapapayag ako sa gusto nya. Naging magaan ang bawat araw na nag daan para sakin dahil kasama ko si Kisza, at hindi ko inaasahan na mahuhulog ako kay Spencer ng ganoong kabilis. Iyon ang unang pag kakataong nag mahal ako, pakiramdam ko nasa cloud9 ako tuwing kasama silang dalawa. Pero kung gaano kabilis ang relasyon namin ni Spencer ganoong kabilis ding nasira, at dahil iyon sa kasalanan ko. Tama sya marami akong pag kakataon na sabihin sa kanya pero hindi ko ginawa dahil natatakot ako na baka mawala sya, pero hindi ko naisip na sabihin ko man o hindi mawawala at mawawala sya sakin , mawawala sila sakin ni Kisza kung iyon ang gugustihin nila. Umalis ako at pilit binuo ang sarili ko kasama ang kambal at bumalik para humingi ng tawad sa anak ko, ang akala ko magiging mahirap ang lahat pero salamat kay Mam Gracia dahil tinulingan nya akong ipaliwanag kay Kisza ang lahat.



Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon