KABANATA CLXXXIII

18.5K 243 34
                                    

Pero mabilis na huminto sa paglalakad si Pearl Hahn sa harapan ni Darryl at agad itong binati sa pamamagitan ng isang ninety degree bow.

"Patawad po President Darryl. Sinisiguro ko po sa inyo na hinding hindi na po ito mangyayari kahit na kailan!" Ninenerbiyos na sinabi ni Pearl habang tumutulo ang malalamig na pawis sa kaniyang noo.

Magkasabay niyang naramdaman ang nerbiyos at pagkabagabag sa mga sandaling ito. Bilang isang sekretarya, siya ang incharge sa lahat ng ng maliliit na bagay na nangyari sa korporasyon kabilang ang pamamahala sa pagmamay-ari nitong parking lot. Ganito rin ang bagay na nangyari noong pumirma si Giselle ng kontrata sa Platinum Corporation. Pero nangyari muli ito nang pumunta si Lana sa Platinum Corporation para pumirma ng isang kontrata! Kahit na gaano kabait si Darryl, hindi na kagulat gulat kung bigla na lang itong magagalit.

"Huh? President? Tinawag ni Secretary Hahn si Darryl bilang President?" Isip n mga tao sa kanilang paligid.

Nagulat dito ang lahat. Maging ang ilang staff na nakiusyoso sa buong pangyayari ay agad na nakaramdam ng takot at pagkagulat. Dahil pangkaraniwang dumederetso si Darryl sa kaniyang opisina sa sandaling dumaan siya sa headquarters ng Platinum Corporation kaya hindi siya nagawang makilala ng maraming tao.

Dito na biglang nabalot ng katahimikan ang buong parking area ng korporasyon. Napanganga at napadilat ang lahat sa kanilang nakita.

"Ang nakamotorsiklong lalaki na ito ang presidente ng Platinum Corporation? Nagbibiro ka ba?" Isip ng lahat.

Naglakad naman palapit si Markus na hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. "Nagkakamali ka ba? Siya ang presidente ng Platinum Corporation? Huwag mo na akong lokohin tungkol sa bagay na ito, Secretary Hahn."

"Bilang sekretarya, sinasabi mo bang hindi ko kilala ang aking Presidente?" sagot ni Pearl.

Dito na nakaramdam ng panginginig si Lana sa buo niyang katawan, napakagat siya sa kaniyang labi habang iniisip na, "Hindi ba't sinabi ng mga kaklse niya na isa nalang siyang walang kuwentang manugang ngayon? Kaya paano siya naging presidente ng Platinum Corporation? At ang kumpanyang papasukan ko... ay pagmamay-ari niya?"

"Sige kung ganoon Darryl, ano naman kung ikaw ang presidente ng Platinum Corporation? Dahil ikaw ba ang presidente ay may karapatan ka nang magpark ng ng dala mong motorsiklo sa paradahan ng mga sasakyan? Isa ba itong halimbawa ng magandang pamumuno? Sa pagkakaroon ng isang lider na kagaya mo, ano naman ang magandang maidudulot mo sa isang malaking korporasyon na kagaya nito?" Sigaw ni Markus na kumuha sa atensyon ng lahat.

Seryosong lumapit si Pearl at paisa isang sinabi ang malulutong niyang salita. "Excuse me, Sir. Pero ito ang espesyal na parking spot na para lamang sa presidente ng korporasyon. Kung babasahin mo po ang karatula sa katabi mo, malinaw mo pong makikita ang sinabi ko. Kaya kahit na mag iwan pa ng baka ang presidente sa lugar na ito, wala ka nang pakialam doon! Gusto mong magpark sa isang private space nang walang paalam kaya dapat lang na ikaw ang magbayad ng aksidenteng ito!"

"Huh!?" isip ni Markus.

Hindi na nakapagsalita pa rito si Markus. Habang lumilingon ay dahan dahan niyang nakita ang isang karatula na nakatayo sa tapat ng parking spot na ito na nagsasabing "Dedicated Private Space. Do Not Park."

Dito na nagmukhang pangit na patatas ng kaniyang mukha na napuno ng confusion.

"Ano po sa tingin niyo ang dapat nating gawin dito, President Darryl?" Mahinang tanong ni Pearl kay Darryl.

"Kailangan mo pa ba akong tanungin tungkol sa bagay na ito?" Sagot ni Darryl.

Alam na ni Pearl ang dapat niyang gawin.

"Sir, hindi ka po welcome sa Platinum Corporation. Kaya maaari na po kayong umalis. Nasira niyo rin ang sasakyan ng aming presidente---" utos niya kay Markus.

"Hayaan mo na, motorsiklo lang iyan. Wala lang iyan sa akin." sabi ni Darryl.

Kasabay nito ang paghila niya sa kamay ni Shelly paalis. "Halika na. Ipapasyal kita sa buong kumpanya."

"Hmmph!" Tango ni Shelly habang nasasabik na sumusunod kay Darryl.

Dito na tuluyang nakabalik sa realidad si Lana. Agad niyang pinagsisihan ang lahat ng kaniyang sinabi at sa naging trato niya kay Darryl nang sabihin niya kung gaano ito kawalang kuwenta. Siya pala talaga ang presidente ng Platinum Corporation.

"Darryl..." Bulong ni Lana.

Ilang taon na niyang gustong pumirma ng kontrata sa Platinum Corporation. At ngayong malapit na siyang mag thirty, sa sandaling mapalampas niya ang pagkakataong ito, siguradong pagsisisihan niya ito habambuhay!

Matapos maglakad ng ilang hakbang, huminto si Darryl at lumingon kay Lana.

Nakangiti niyang sinabi na, "Gusto mo pa bang mainterview? Halika na!"

Teacher niya pa rin ito. At dahil hindi naman siya masyadong naging irasyonal kanina, dapat lang na bigyan niya ito ng isa pang pagkakataon.

Natuwa rito nang husto si Lana! Mabilis siyang sumunod kay Darryl gamit ang suot niyang mga heels, pero wala na ang nagmamalaki niyang itsura kanina. Nagmukha na siya ngayong mapagkumbaba at puno ng hiya sa kaniyang sarili.

Kinaumagahan ng Lunes, napuno ng mga manggagawa ang mga kalye ng Donghai City. Kasabay nito ang pagparada ni Lily sa kaniyang sasakyan bago bumaba at maglakad papasok sa lobby ng Neptunus Corporation.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now