KABANATA CCV

4.6K 19 0
                                    

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng leader natin? Pulutin mo ang bola!"

"Sino ka para titigan si Trent! Naghahanap ka ba ng gulo?"

Tumitig kay Chester ang ilan sa mga taga sunod ni Trent, handang umatake sa oras na mag signal si Trent.

Malamig na natawa si Darryl sa mga nakita. Hindi niya maisip na ang mga taong iyon ay may lakas ng loob para bullyhin si Chester dahil wla naman itong ginagawang masama.

Napalingon si Trent sa direksyon ni Darryl at nagtagpo ang kanilang mga mata. Nagulat ito at nagalit. "Motherf*cker, ikaw? Bakit ba lagi kitang nakikita!" Dali dali itong lumapit kay Darryl upang makipag away. Nang dahil kay Darryl kung bakit siya nasa prisinto kaya naman paniguradong pag iinitan ito.

Susuntukin na sana nito si Darryl pero agad siyang huminto.

'Hayop, anong nangyayari? Level two master lamang siya noong nakaraan diba? Paano siya nakaakyat sa pagiging level four master sa maiksing panahon? Hindi ko siya kayang talunin nang mag-isa.' Sa isip ni Trent.

Kumaway ito sa mga taga sunod at nag utos. "Mga kapatid, bugbugin natin to!"

May mga pumaligid kay Darryl. Maraming tagasunod si Trent sa loob ng prisinto, kahit anong iutos nito ay susundin nila.

Mahinahong nagsalita si Darryl. "Kakapasok ko lang, ayaw ko ng gulo kaya pakiusap huwag ninyo puwersahun ang mga kamay ko."

Nang sandaling iyon ay pinulot na ni Chester ang kaniyang libro at ilang gamit, tumayo at tumingin kay Darryl. Bakit napaka kalmado parin nito kahit napakami nang nakapalibot na kalaban? Paniguradong malakas siya!

Napansin ni Darryl na nakatingin pero hindi ito nagreact.  Binalaan ito ni Megan na mapagkunwari si Chester kaya naman para hindi ito magtaka ay hindi dapat na ipakita ni Darryl ang mastery.

Nang may lumapit at sumigaw na prison guard. "Anong ginagawa ninyo? Gusto niyo bang iextend ang parusa niyo?"

Nanginginig ang mga mata ni Darryl nang makita ang magandang prison guard.

"Officer, Hindi kami nag aaway haha! Naglolokohan lang kami!" Natatawang sabi ni Trent.

Walang nagtatangkang magyabang sa loob ng prisinto.

Tinitigan sila ng officer sabay umalis. Bumaling ito. "Huwag ninyo bullyhin ang baguhan." Alam nitong magnanakaw ang baguhang si Darryl. Kaya paniguradong mababa ang tingin ng ibang inmates sa kaniya at mabubully ni Trent pa na rin ng mga kasamahan nito. 'Mahihirapan siya dito.' pagbuntong hininga nito.

"Kapatid, ano ang gagawin natin sa Darryl na yon?" Tanong ng isang follower kay Trent habang kumakain.

Malamig na sumagot si Trent. "Huwag kang mag alala. Matatalo natin si Darryl sa pamamagitan ni Chester. Mawawala ang yabang niyan pag nakita ni Darryl na binubully si Chester."

"Magandang ideya yan!"

"Nakakamangha ka talaga Trent!" Iniidulo ng mga tagasunod si Trent. Perpekto sa mga mata nito ang lahat ng gawin ni Trent.

Pag tapos ng lunch, sabay na nag cr si Darryl at si Chester habang nasa toilet break. Dumating si Trent at mga tagasunod nito, pinalibutan si Chester at naihi ito sa salawal. Talagang nakakadiri.

Sobra ang galit ni Chester pero nagpigil parin ito. Nakakalungkot lamang na hindi pa ito ang huli.

Habang nagdidinner, dumaan si Trent sa puwesto ni Chester at dumura sa pagkain nito. Nakita nang lahat ang pangyayari.

Napakahalaga ng pagkain sa loob ng prisinto, magugutom ka kung hindi ka kakain.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now