KABANATA CCCI

318 5 0
                                    

Buong klase ay inisip ni Katherine na bababa nanaman ang kaniyang level at magiging Level Two Master nalang nalang ito kinabukasan kapag hindi niya nakita agad si Darryl.



Sobra itong naiinis.


Agad itong bumalik sa opisina matapos ang klase dahil desperado na itong tawagan si Darryl.



Walang sumagot.





Donghai City First Hospital.



Palabas labas si Darryl ng operating room dahil hindi ito mapakali, kitang kita ang pag aalala sa mukha nito at namumula ang kaniyang mga mata.



Si Shelly Sullivan ang nagsagawa ng operasyon ni Lily.



Eleven pm kagabi nang magsimula ang operasyon at hindi pa sila nakakalabas hangang ngayon.



Kahit na lubha ang nararamdaman nitong pagkabigla na may halong kaba at galit, Nagpatuloy pa rin  sa pagdadasal si Darryl para kay Lily, nag antay ito ng higit sampung oras.



‘Sa wakas at natanggap na rin namin nag isa’t isa pagtapos ng tatlong taon, Kailangan mong maging maayos.’


Nakapatay ang ilaw ng surgery sign nang biglang lumabas roon ang pagod na pagod na si Shelly.


Mabilis itong nilapitan ni Darryl at nagtanong. “Kamusta ang operasyon?”


Nagbigay ito ng kaunting ngiti pahayag na naging maayos ang lahat. “Darryl, nakalagpas na ng critical stage ang asawa mo. Pero kalahating inch lang ang layo ng sugat nito sa puso, stable na ang lagay niya.”



Phew…



Napahinga ng maluwag si Darryl at hinawakan nito ang kamay ni Shelly dahil sa sobrang saya na nararamdaman nito. “Thank you Shelly, thank you so much! Sobra…”



Namula ang maamong mukha ni Shelly dahil sa mga nararamdaman nitong emosyon nang hawakan ni Darryl ang kaniyang kamay.


“Wala… wala lang yun.”


Hindi siya nagtagumpay sa pagpapakawala sa kaniyang kamay, yumuko ito na para bang natatakot siyang tumingin sa mga mata ni Darryl. Kinagat nito ang kaniyang labi at dahan dahang Nagpatuloy. “Trabaho ko bilang doctor ang sagipin ang buhay ng tao.”





Pinakawalam mo Darryl nag mga kamay nito nang napansin niyang namumula ang pisngi, nito. Nakangiti siyang sumagot. “Nagagalak parin ako sayo ano man ang sabihin mo.”



Hindi nito mapigilan na tignan si Shelly.




Napansin niya na napaka charming nito kapag nag bu-blush.




Sobra ang nararamdamang kaba ni Shelly, namamawis rin ang mga palad nito sa di malamang dahilan. Hindi pa siya kailanman kinabahan ng ganito kahit bago pa siya magsagawa ng surgeries.



“Babalik na ako sa opisina.” Malumanay nitong sabi at dali daling umalis.




Pumasok sa ward ang sabi kna si Darryl.




Sa loob ng ward ay nakahiga si Lily sa hospital bed, napakaputla ng mukha nito tila ba papel. Mariing nakasara ang mga mata nito at medyo magulo ang pilik mata nito, nakakadurog ng puso ang makita siyang ganito ang lagay.



Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagsisisi si Darryl habang nakatitig ito kay Lily.



Ang mahalaga ay nakalagpas na siya sa critical stage. Kinalma ni Darryl ang sarili bago sumilip sa kaniyang cellphone, napansin nitong may mga missed calls.




Ang tatlo ay galing kay Dax at ang dalawang pinakabago ay galing kay Katherine.



Bakit ako tinatawagan ni Katherine? Tungkol ba ito sa Spirit Petrification Elixir? Marahil ay bumaba na ang level nito.



“Honey?”




Mahinang boses ang narinig nito.




Tumalon sa saya ang puso ni Darryl nang makita ang gising na si Lily, nakatingin sa kaniya ang nagliliwanag nitong mga mata.




Mabilis siyang lumapit para hawakan ang kamay nito. “Anong iniisip mo? Bakit mo hinarang ang pagsaksak na para sa akin?”




Ngumiti si Lily at malumanay na nagsalita. “Ikaw ang asawa ko kaya sasamahan mo ako hanggang sa huling hininga ko at ayaw kong may mangyaring masama sayo.”




Bahagyang napatalon si Darryl sa tuwa at naluluha ang mga mata nito.




“Honey, huwag kang umiyak. Mukha kang pangit pag umiiyak ka.”



Pinilit ngumiti ni Lily at sinabing. “I’m sorry sa pagdudulot ng sakit mula nitong mga nakaraang taon.”




Ngumiti ito upang kumalma si Lily bago niya ito yakapin.




Creak.




Marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang ilang tao. Isa na dito ay si Samantha.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now