KABANATA CCVIII

4.8K 40 7
                                    

Basta may magle-lead, lahat ay susunod-kaya hindi na nakapagtataka na ang buong pamilya Darby ay magiging miyembro ng Eternal Life Palace Sect.

Tumango ang nakampanteng si Old Master Drake at pinaalis na ang mga ito, "Ok, wala nang iba pang pag-uusapan, puwede na kayong umalis. Tandaan niyo lamang ang sinabi ko-walang ibang dapat na makaalam na sumanib na tayo sa Eternal Life Palace."

Nang lumisan na ang lahat, may anino ng malakas na aura ang nakatayo sa main hall entrance-Brian Cunningham.

"Ano na ang naging desisyon mo?" Nilapitan nito si Drake.

Tumango si Drake. "Pumapayag ako sa binigay mong kondisyon, na sumanib ang buong Darby sa Eternal Life Palace Sect."

"Magaling! Isa itong magandang balita!" Masayang sabi ni Brian.

"Mula ngayon ay magkasangga na tayo! Ipapadala ko sa aking mga tauhan ang Spiritual Elixir sa madaling panahon." Dagdag pa nito.

May inabot na manual si Brian, "Matagal na tayong magkaibigan, tatanggapin mo ang maliit na regalong ito bilang maligayang pagdating sa Eternal Life Palace Sect!"

Nanginig ang kamay ni Drake nang makita nito ang manual, ito ang The Big Dipper Formation, ang pinakatatagong sikretong manual ng Wudang Sect!

"The Big Dipper Formation?" Tanong ni Drake.

Sumagot ang natatawang si Brian, "Oo! Ninakaw ko ito noong umalis ako sa Wudang Sect. Napaka makapangyarihan ng formation na ito pero nangangailangan ng pitong katao!"

"Matagal na panahon na ang nakalipas, mayroong pitong Master ang Wudang Sect, ginamit nila itong formation upang ma-trap ang Grandmaster Heaven Master Marquis sa kamatayan!" Eksplenasyon ni Brian.

Paanong naging sobrang makapangyarihan ng formation na ito? Ang pitong Masters ay kayang makapatay ng Master Marquis? Ito ay dalawang level na mas mataas sa Master.

Sobrang naexcite si Drake nang marinig ito! Wala nang magtatangkang manggulo sa pamilya Darby dahil sa manual na ito!

"Sana ay maging masaya ka rito! Umpisa pa lamang ito, maraming magandang mangyayari basta magtrabaho tayo bilang magka-tandem!" Natatawang sabi ni Brian at tinapik ang balikat ni Drake.

Excited na tumango si Drake habang nagbubuhos ng tsaa.

....

Ilang araw nang nakakahakot ng views sa buong bansa ang variety show na "101 Superstar."

Matapos ang ilang rounds ng kompetisyon, nakapasok sa finals si Lana Thomas sa tulong ng Platinum Corporation. Bumuo ng girl group sa "S9" si Lana at ang walo pang ibang miyembro, "S" ay short for "Super".

Si Pearl ang nagmamanage ng Platinum Corporation dahil wala si Darryl.

Hindi nakakalimutan ni Pearl ang live stream kahit na pino-promote nito si Lana Thomas. Nagsisign-in ito bilang si Hill upang suportahan si Lily at nagsesend ito ng mga mamahaling 'regalo' na kung minsan ay umaabot sa milyon ang halaga. Agad itong nagsisign-out pagtapos mag send, hindi lamang siya number one fan ni Lily pero siya rin ang pinaka-misteryosong patron ng Longya Live Stream Platform.

Kilala si Hill ng lahat ng gumagamit ng Longya Live Stream, maraming nag-aabang sa kaniya na makipag interact kay Lily dahilan rin kung bakit mas naging sikat ang live stream nito. Mula sa libo, naging milyon na ang fans nito at ang lahat ng manonood nito au talagang inaabangan ang kaniyang pagkanta pati na rin kung magkano ang gagastusin ng legendary na si Hill para sa kaniya.

Sa kasalukuyan.

Pamilya Lyndon.

Masayang tinapos ni Lily ang kaniyang live stream. Binigyan siya ni Hill ng regalo na nagkakahalagang limang milyon kaya naman gusto niyang pasalamatan ito ng personal.

"Oh Lily, kakatapos mo lang ba mag Stream? Tanong ni Samantha pagbaba nito ng hagdan. Malaki naging kabuuang kita ng anak nito kaya naman sobrang saya niya. Maganda, may talent, at nagkakaroon na ng kapangyarihan ang anak nito -- kahit sino ay magiging masaya para sa Kaniya.

"Ma, gusto kong bumili ng mas malaking bahay dahil masyadong maliit ang tinitirhan natin ngayon. Mas magiging kumportable din akong mag live stream." Sabi ni Lily. Hindi na rin magandang mag live stream sa sala dahil mas nagiging sikat na ito. Isa pa, paano kung may mga bumisita sa kanila? Magiging awkward ito dahil isa siyang sikat na tao.

"Sige walang problema, mamili tayo ng mga gusto mo. Mas maganda na rin na lumipat ng bahay para kapag lumabas na ang talunang si Darryl ay hindi niya na tayo mahahanap. Hindi na rin niya tayo magugulo sa pagmamakaawa niya sayo na balikan siya." Tumango ang nakangiting si Samantha.

Milyon-milyon ang kinikita ng anak ko araw araw, barya lamang ang pagbili ng bahay at kaya nitong mabili ang kahit na anong bahay na gustuhin nito.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now