KABANATA CCXCIII

809 7 7
                                    

Ngumiti si Darryl kay Megan. “Maging alerto ka sa susunod. Peke ang karamihan sa mga manghuhula.”



Tumango si Megan at mahinang nagpatuloy sa pagsasalita. “Nga pala, may dal aka na ba ngayong Godly Pill?”



Hinding hindi niya ito makakalimutan!



Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing.”Wala akong dala ngayon. Sa susunod nalang.”



Kababalik balik niya lang mula sa library. Kinakailangan niya pang umuwi sa kanila dahil doon niya itinago ang stock niya ng mga Godly Pills.



Agad na nagpakita ang pagkadismaya ssa mukha ni Megan habang tumatangong sinasabi na. “Sige kung ganoon, kokotakin na lang kita ulit. Kaya mo na bang makapagdala ng mga Godly Pill sa susunod?”



Tumango si Darryl at nagpaalam kay Megan. Kinakailangan na niyang hanapin si Lily.




Kinuha ni Megan ang kaniyang bag at naglakad sa kabilang direksyon.




“Hintayin mo ako, Meg!” Sigaw ng nagpapanic na si Kent, agad nitong hinabol si Megan.



Nagalit ditto nang husto si Megan. Naaalala niya na sinabi ng pekeng manghuhula kanina ang pangalan ni Kent sa sobrang panic noong aarestuhin na sana niya ito. Kaya alam niyang pakana ni Kent ang lahat ng ito.



Ditto na siya nadismaya nang husto.



Nagawa rin nito noong kumuha ng kasabwat para maging isang pating at ngayon ay nagkuha na naman siya ng isang tao para umarte naman bilang isang manghuhula. Isa talaga siyang basura.



Sampung minute nang naglalakad si Darryl pero hindi pa rin niya nagagawang Makita si Lily.




Punong puno ng tao ang Atlantic Street. At marami ring magkasintahan ang nagkalat sa paligid.



Ditto na narealize ni Darryl na hindi pa siya nakakagawa ng kahit na anong romantic na surpresa kay Lily sa tatlong taon nilang pagsasama. “Paano kaya kung gumawa ako ng isang bagay na susurpresa sa kaniya ngayon?”



Tumawa siya at nagsend ng isang text message kay Paul.




Hmm?




Biglang napahinto si Darryl pagkatapos niyang isend ang text.




Nagliwanag sa sobrang ganda ang ilang rows ng mga naggagandahang mga Chinese lanterns sa kaniyang harap.





At ang salitang “Lily” ay kaniyang nakikitang nakasulat sa mga parol na kaniyang nadadaanan sa bawat ilang Segundo ng kaniyang paglalakad.





“Ano ang nangyayari? Bakit nasa mga Chinese lanterns na ito ang pangalan niya?” bulong ni Darryl sa kaniyang sarili habang unti unting nakikita sina Lily, Jade and Phoebe mula sa malayo!




“Nakita ko rin siya!” Dumaan si Darryl sa gitna ng maraming tao bago niya Makita ang dalawang mga lalaki na nasa likuran ni Lily.




“Justin Quinn at Zayler White?”




Si Zyler ay ang pinakamatandang apo ng pamilya White. Hindi siya halos maging kakilala ni Darryl.




Habang si Justin naman ay isa sa mhga ‘Dati niyang kaibigan.’



Umarte itong approachable habang sinusubukang makipagharutan kay Lily sa harapan ng lahat noong magpunta sila sa outing.




Nagawa pa nga nitong lokohin ang pangalan ni Justin sa outing at tawagin itong ‘queen’. Agad na natatawa si Darryl sa bawat sandaling naaalala niya ang bagay na ito.




Nagging maganda ang mood ni Justin noong gabing iyon. Nagpunta siya sa Atlantic Street kasama si Zayler para maglakad at tumingin sa naggagandahang mga babaeng nakakalat sa paligid.




Natiempuhan nila si Lily at ang kasama nitong mga babae, ditto na nila sinundan ang mga ito. Sabagay, si Lily ang babaeng pinapangarap niya!




Nagulat si Lily sa kakapalang ipinakita ni Justin. Pero wala siyang nagawa na kahit ano tungkol ditto. Hindi niya rin nagawang paalisin ito dahil nagpunta sila sa lugar para maglakad lakad.




“Tingnan mo si Lily! Hindi ba’t pangalan mo iyan. Inukit nila ito sa mga lanterns.” Nagtatakang sinabi ni Phoebe.



Tumingin si Lily at jade sa direksyong tinuro ni Phoebe at natigilan sa kanilang nakita.



Nagpakita ang pangalan ni Lily sa ilang mga row ng nakadisplay na lantern sa bawat dalawang Segundo ng paglalakad, mapapansin ding ginamitan ito ng iba’t ibang mga fonts. Kaya malinaw na pinag effortan ang pagsulat na ito sa kaniyang pangalan.




Nakangiting naglakad si Justin palapit sa kanila at sinabing. “Nagustuhan mo ba ito, Ms. Lily?”




Inalog ni Justin ang kaniyang utak para makapag isip ng isang bagay na susurpresa kay Lily. Sinigurado niya na rerenthan ng Dragon Tech ang buong Atlantic Street para sa Mid-Autumn Festival.




Nagging maganda ang partnership ng pamilya Quinn sa Dragon Tech.




Ginamit ni Justin ang kaniyang position bilang isang partner para magrequest sa mga empleyado ng Dragon Tech na isulat ang pangalan ni Lily sa buong Atlantic Street. Isa itong napakagrandeng eksena!



Siguradong mahuhulog sa eksenang ito ang kahit na sinong babae, lalo na ang isang napakagandang babae na kagaya ni Lily.



“Haha, napakatalino ko talaga!” napuno ng tuwa ang mukha ni Justin sa mga sandaling ito.



Namamanghang tiningnan ni Lily si Justin habang kumakabog ng mabilis ang kaniyang dibdib. “Ikaw ang gumawa nito?”

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now