KABANATA CLXXXVIII

6.3K 30 0
                                    

"Seryoso ka ba? Sige, magpapalit na po ako ng damit!" Agad na nasabik dito si Yvonne. Walang tigil siyang nangarap para sa isang pares ng Worship of Crystal para sa kaniyang sarili. Nang makita niyang suot ni Lily ang isang pares nito, agad siyang nagpatulong dito na makakuha ng isang pares nito.

Nakahanda rin siyang magbayad ng doble sa pangkaraniwan nitong presyo para rito! Pero sa kasamaang palad, isang misteryosong tao ang nagregalo ng pares na ito kay Lily.

Matapos ang isang sandali, lumabas si Yvonne sa kaniyang kuwarto matapos magpalitat magsuot ng isang t-shirt at denim shorts. Naging malinis ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito na nakapagpanatili sa kaniyang ganda. Tumango si Kingston habang sabay na lumalabas ng bahay ang mag-ama.

Isang BMW ang makikitang nakapark sa entrance. At isang guwapong lalaki na nakasuot ng isang mamahaling suit ang bumaba mula rito matapos makita ang mag-ama.

"Uncle Young. Yvonne." Bati ng lalaki  habang naglalakad paglapit sa kanila.

"Tristan! Bakit ka nandito?" Bahagyang inangat ni Yvonne ang kaniyang mga kilay na nagpakita sa maganda niyang mukha at hindi matitiis ng kahit na sinong mga mata.

Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Tristan Zink. Involved ang pamilya nito sa jewelry industry. Matagal na rin nitong nililigawan si Yvonne.

"Sinabihan ako ni Dad na dumaan dito!" Tawa ni Tristan habang itinuturo si Kingston.

"Anong pinagsasabi mo riyan?" Sigaw ni Yvonne. "Ama ko soya! Kaya mag-ingat ingat ka sa pananalita mo."

Dito na soya tumingin kay Kingston at nagtanong ng, "Ano ang nangyayari Dad? Bakit mo siya pinapunta rito?"

Pinaikot ikot lang ni Kingston ang kaniyang daliri sa kaniyang buhok. Alam niyang si Darryl ang dahilan ng pagkainis ni Yvonne nitong mga nakaraang araw. Para sa kaniya, isa lang pabigat na manugang si Darryl. Masyado na itong malayo kung ikukumpra sa level ni Yvonne.

Sinabihan niya si Tristan na samahan sila ngayon habang umaasa na magkakasundo ang dalawa. Ang pinakapoint ng pagpunta sa auction na ito ay ang pagbuti ng relasyon sa pagitan nina Yvonne and Tristan.

"Nabanggit sa akin ni Dad na malungkot ka raw nitong mga nakaraang araw kaya sinabihan niya ako na samahan ka sa auction," kindat ni Tristan.

"Hindi mo siya Tatay!" Singhal ni Yvonne --- naoffend ito matapos magpatuloy ni Tristan sa pagtawag kay Kingston bilang 'Dad'.

Tinawanan lang ito ni Tristan habang naglalakad para buksan ang pinto sa kanilang dalawa.

"Yvonne, Dad, halika na malapit nang magsimula ang auction. Huwag ka na pong mag-abala magdrive Uncle Young dahil ako rin po ang maghahatid sa inyong dalawa pabalik dito pagkatapos ng auction."

Sumakay si Yvonne sa sasakyan nang may seryosong mukha. Matapos makita ang pagsakay nito bumulong si Kingston kay Tristan ng "Bata, binibigyan na kita ng isang malaking oportunidad. Ikaw na ang bahala sa kaniya."

"Huwag po kaung mag-alala, Dad. Gusto ko po talaga si Yvonne kaya hindi ko pp kayo bibiguin." Siguro ni Tristan.

Tumango si Kingston at sumakay sa sasakyan. "Nga pala," dagdag nito, "Hindi pa rin tama ang pagtawag mo sa akin ng Dad."

"Naiintindihan ko po Dad."

...

Sa Central Building kung saan magaganap ang auction, bumaba sina Pearl at Darryl sa sasakyan. Isang pamilyar na itsura ang agad na pumukaw sa pansin ni Darryl.

"Dax?"

Hindi kalayuan, makikita si Dax Sanders na nakasuot ng isang suit habang nakikipagkuwentuhan sa ilang mga executives kasama ng kaniyang asawang si Nancy.

Nabg makita niya si Darryl, agad itong lumapit nang nakangiti sa kanila.

"Nandito ka rin pala, Darryl! Mag-isa ka lang ba? Nasaan na ang hipag ko?" Tanong ni Dax habang binabati si Darryl.

Noong masugatan nang husto si Darryl, nanatili lang si Lily sa kaniyang tabi para alagaan ito. Kaya inassume niya na  maganda ang relasyon ng dalawa sa isa't isa.

Tawa si Darryl habang lumilingon kay Pearl at sinabing, "Mauna ka na. Hahanapin na lang kita mamaya pag nagsimula na ang auction."

"Okay," sagot ni Pearl bago maglakad papasok sa hall.

"At sino naman iyon, bro?" Kumindat na tanong ni Dax. Natuwa siya matapos makita na palaging may kasama na magandang babae ang kaniyang kinakapatid na si Darryl.

Ngumiti si Darryl at sumagot ng, "Secretary ko siya."

"Secretary?" Tawa ni Dax, "Mayroon ngang kasabihan na kung busy ka, ang secretary mo na ang bahala rito. Pero kung wala kang ginagawa, alagaan mo ang iyong secretary."

Habang nagtatawanan ang dalawa, agad na napuno ng pagkagulat ang lahat nang huminto ang isang BMW, dito na agad na naging center of attraction si Yvonne na kasalukuyang bumababa sa sasakyan.

"Buwisit!" Bulong ni Darryl sa kaniyang sarili, bigla niyang naalala na hindi pa siya nagrereply sa kahit isang message nito sa kaniya.

"Darryl?" Agad siyang nakita ni Yvonne sa gitna ng maraming tao. Agad siyang sumugod palapit dito.

Hindi pa rin nawala rito ang natural niyang ganda. Mas naging kabighabighani ang kaniyang katawan sa t-shirt at denim shorts na kasalukuyan niyang suot ngayon. Kaya natural lang na mapatingin ang lahat ng lalaki na kaniyang madadaanan.

Pero agad namang nagberde ang mukha ni Kingston nang makita nito si Darryl. Ano ang ginagawa niya sa isang auction na kagaya nito? Hindi niya maiwasang maalala ang eksena kung saan nakita niyang itinali ni Darryl sa kanilang bahay ang tatlong mga babae. Kasama sa tatlong iyon ang anak niyang si Yvonne.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now