KABANATA CCLXIX

491 8 1
                                    

“Ninakaw niya langkaya ang card na iyan?” isip ni Declan.

Habang nakikita ang pagtataka sa mukha ng lahat, agad na sumagot si Darryl ng. “Hindi sa akin ang card na iyan. Sa boss ko yan.”

Noong una ay natahimik ang lahat sa kanilang narinig, pero matapos ang ilang Segundo, agad na sumabog ang lahat sa katatawa.

“Hahaha! Sa boss naman pala niya ang card na iyan.” Isip isip ng lahat.

“Hahaha! Sa boss naman pala niya ang card na iyan! Para lang siyang bata na pinaglalaruan ang card ng kaniyang boss! Napakaopurtunista ng isang ito!” isip ni Declan.

“Hayop kayong lahat! Mabuti nga at tinulungan ko kayong makakuha ng kuwarto, pero nagawa niyo pa rin akong lokohin nang ganito? Bahala na. Bakit nga ba ako naapektuhan sa mga taong ito.” Isip ni Darryl habang nakangiti sa harap ng lahat.

Pagkatapos pumasok sa room, agad na pinapasok ni Declan ang mga waiter sa hotel.

“Halika rito. Kayong lahat, orderin ninyo ang lahat ng gusto niyong kainin. Gusto kong mag enjoy kayong lahat ngayong gabi!” sabi niya.


Dito na mabilis na dinala sa kanila ng mga waiter ang mga menu. Dahil kasama nila si Katherine, walang kahit na sino nag pumili ng kahit na ano habang ibinibigay dito ang mga hawak nilang menu.


Ngumiti naman si Katherine na nagmukhang mas maluwag kaysa sa kanilang klase, nagsalita ito habang inilalayo ang mga menu sa kaniya. “Okay lang sa akin ang kahit na ano. Mamili kayo ng gusto ninyo.”

Isa isang binigyan ni Declan ng menu ang mga kababaihan. Habang si Circe, gaya ng inaasahan ay nanlalamig lang na umupo habang natatakot namang umorder ng iba pang mga babae na katabi nito.

Pero walang nararamdaman na kahit anong hiya si Daisy at Daphne. Agad nilang kinuha ang mga menu.

“Narinig kong hindi na raw masama ang mga wine na n=sineserve rito.” Comment ni Daisy habang tinitingnan ang menu.

Tumingin ang babae sa kaniyang tabi at tumatangong sinabi. “Wow, isa itong Romanee Conti! Hindi tayo makakainom ng ganitong klase ng alak saan man tayo magpunta. Ito na lang ang orderin natin!


Nag usap muna ang dalawa ng isang sandal bago nakangiting sabihin kay Declan na. “Declan, umorder kami ng may kamahalang mga wine. Okay lang ba ito sayo?”


Kumaway naman si Declan at sinabing. “Nakakatawa talaga ang dalawang mga diyosang ito. Siyempre naman oo! Orderin niyo lang lahat ng gusto ninyo!”


“Romanee Conti?” isip ni Darryl habang natatawa sa kaniyang sariling umuupo sa isang tabi.


Naalala niya kung paano pinagmukhang t*nga ni William Lyndon ang kaniyang sarili nang dahil sa wine na ito matapos hindi magawang bayaran ang sinagot niyang dinner. Nasa ilang milyong dolyar ang presyo ng bawat isang bote nito.


Mas numipis ang wallet ni Declan habang lumalalim ang gabi. Hindi naman nahiya ang dalawang magkapatid habang umoorder ng nasa sampung bote ng mga wine na iyon.


Nang makarating ang mga wine, nasulyapan ni Declan ang presyo nito nang Salinan niya ang mga babae, ditto na niya nakita nakita ang mapait na katotohanan.


“Grabe, isang milyon kada bote?” isip nito.



Nang biglang bumagsak ang kaniyang puso. Inabot na ng tem milyon dollars ang nagastos niya para lang sa mga ininom nila ngayong gabi. Pero kahit na gaano siya kainis sa nangyaring ito, nagawa pa rin niyang magsuot ng pekeng ngiti sa kaniyang mukha.


“Gusto ko sanang makipag toast para icelebrate ang una nating pagsasalo salo!” nakangiting itinaas ni Declan ang hawak niyang wineglass.


Itinaas din ng kaniyang mga kaklase ang kanikanilang mga wineglass.


“Oh, tingnan mo ito. Hindi ba’t si Declan ang class monitor na hinihintay  ng lahat?” anunsyo ni Miles habang nagtotoast ang bawat isa.


Agad namang sumang ayon ang lahat. Nakita ng kahit na sino na nilibre lang sila ni Declan dahil sa gaganaping eleksyon bukas. Matapos Makita ang reaksyon ng kaniyang mga kasama, nasabik ng husto si Declan pero ginawa pa rin niya ang lahat para hindi ito Makita ng kahit na sino.



“Hindi, gusto ko lang talagang makilala ang bawat isa sa klase.” Sabi niya habang iniiling ang kaniyang ulo at kumikindat kay Miles matapos nitong magsalita para sa kaniya.


Natuwa nang husto rito si Declan. Nagpatuloy pa sila sapag inom ng ilang sandal. Maging si Katherine ay uminom ng ilang rounds dahil maganda ang mood ng lahat. Pero hindi pa rin siya sanay sa alak kaya nagsimula na siyang mamula matapos uminom ng ilang baso. Mukhang napakacharming ng itsura nito sa mga sandaling ito.



Naramdaman ng mga lalaki na sinuwerte sila para magkaroon ng isang charming na teacher at maraming mga naggagandahang kaklase.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now