KABANATA CCLVI

549 9 2
                                    

Nag ingay ang buong classroom matapos ipakilala ng teacher ang kaniyang sarili. Naexcite ang mga lalaking estudyante, sinuwerte ang mga ito hind ilang dahil sa classmate nila si Circe Newman, pero napakaganda ng teacher na maghahandle ng class.

“Miss Katherine, napakaganda niyo po, may boyfriend na ba kayo?” may nagtanong sa bandang likuran.

Nagdagdag pa ng sinabi ang karamihan sa mga lalaki sa pagtatangkang makipag flirt sa teacher. Lalo na ang mga rich kids na nasanay makuhay ang gusto nilang babae. Si Ryan Nicholas ang nagsalita sa back row, nagbukas ng mga supermarket ang pamilya nito sa Donghai City.


Ang nasa podium na si Katherine ay nagtaas ng kamay at itinuro si Ryan. “Tumayo ka.”

Malaki ang ngiti ni Ryan nang tumayo ito, wala siyang ideya kung ano ang mangyayari.

Nilapitan ito ni Katherine, may dala itong stick. Malamig ang pagkakatanong nito. “Nakapag-aral ka na ba sa school? May nakapagsabi ba sayong irespoto mo ang mga teacher?”

Tinignan ni Ryan ang nakatitig na teacher, nagsimula itong magpanic. “Hin….”

Smack!

Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay hinampas siya ni Katherine sa ulo.


Malakas ang pagkakahampas at ang lahat ay nagulat! Malakas ang pagkakahampas at bahagya pang namatay ang ilaw ng classroom dahil sa vibration.

“Huwag mo nang uuliting ipakita sa akin ang ganoong mukha mo. Naiintindihan mo?” babala ni Katherine.

Nagsalita ito na para bang may enerhiyang galling sa kaniya, malakas na vibration ang sumabog matapos itong magsalita!

‘Huh? Level One Master General siya?’ nasa isip ng lahat.

Agarang naramdaman ng lahat ang rank nito at napuno ng katahimikan ang buong classroom. Lahat ay nagpigil hininga dahil sa takot, lalo na si Ryan, nakatayo pa rin ito at hindi makagalaw.

Isa siya sa rich kids at sanay itong makuha ang lahat ng gustuhin niyang babae, pero ito ang kauna unahang nabigo siya.

Level One Master General ang magandang babae na ito, sa kaniyang kakayahan ay madali niyang mapapatay si Ryan gamit lang ang isang daliri.

Pskiretong napalunok si Darryl nang dahil sa takot, masasabi nito na ang principal ng eskwelahan na ito ay ang pinakamalakas sa lahat ng pinakamalakas.

‘Damn it, paano niya mananakaw ang bagay na iyon? Siguradong mapapatay siya kaagad.’ Nasa isip ni Darryl.

Habang naiisip niya iyon ay unti unti siyang nadismaya.


“Lumabas ka at tumayo sa harap ng pinto!” pag utos ni Katherine.


Hindi na nagtangka pang magsalita si Ryan na nakahawak sa namamaga at masakit na ul nito at sumunod na lamang.



Lahat ay mukhang takot, sino ba naman ang magtatangkang magsalita kung ang teacher ay napaka strikto?


Bumalik ito sa podium at pinagmasdan ang buong klase. “May isa pa, ang mga estudyanteng nag aaway knina sa lobby, tayo.”


Nakakabingi ang katahimikan, ang iba ay pasikretong tumingin kay Dax. Lahat ay nakita ang nagging kaguluhan nina Dax at Kent.


Pero nanatiling kalmado si Dax, sino ang may gusting umamin matapos ang nangyari sa classroom?


“So, hindi niyo gusting ipakita ang sarili niyo?” sabi ni Katherine habnag nakaturo ito kina Dax at Darryl.


“Kayong dalawa, tingin niyo ay makakatakas na kayo? Tayo!”


“Damn it.” Napabulong si Dax ng masasamang salita, pero mistulang walang pake ito dahil sa malamig niyang ekspresyon. Tumayo rin ang katabi nitong si Darryl.


“Ikaw si Dax Sanders diba? May reputasyon ang pamilya mo sa Donghai City. Lolo mo si Saul Sanders, ilang taon na ang nakalipas nang binuo niya ang kaniyang pamilya na nagmula sa wala at tanging mga kamay niya lang ang meron siya at nakapagdala ng karangalan sa pamilya. Sa ngayon ay magagawa ng pamilya Sanders ang lahat ng gustuhin nila sa Donghai City, walang nagtatangkang subukin ka, tama ba ako?” sabi ni Katherine.


‘Bakit andami niyang alam tungkol sakin?’ sa isip isip ni Dax.


Nagpatuloy si Katherine. “Sasabihin ko sa inyo, nagresearch ako patungkol sa inyong lahat bago pa man nagsimula ang klase. Alam ko kung sino kayong lahat, lahat ng head ng class ay may malinaw na report sa background ng lahat ng estudyante. Sinasabi ko sa inyo ngayon palang, kahit gaano pa kalaki o kalakas ng kapangyarihan ng pamilya niyo, isa itong school at lahat kayo ay dapat umakto ng naaayon!”


Natigil ang tingin nito kay Darryl Darby. “Ikaw Darryl Darby! Ang walang kuwentang manugang ng pamilya Lyndon. Kasal na sa isa sa miyembro ng pamilya Lyndon ng tatlong taon pero wala ka pa ring ginagawa, ang pamilya mo ay nakatira sa probinsya tama ba?”


Hahahaha!


Natawa ang lahat.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now