KABANATA CXCVII

5.1K 22 0
                                    

Nangitim ang mukha ng batang babae. Mayroon lamang ten percent na tiyansa na mabuhay pa ang lolo niya kung dadalhin pa ito sa ospital. Tiningnan niya si Darryl at nilapitan ang kaniyang lolo sabay naghanda upang sundin ang payo ni Darryl.

Hinila ni Yvonne ang kamay nito upang pigilan. "Darryl, sigurado ka ba? Buhay na ang nakataya rito." Tanong ng nag-aalalang si Yvonne.

Tumawa si Darryl at sinabing, "Magiging maayos ang lahat. Mas magiging positive ang resulta ng aking solusyon kumpara sa sa ospital."

Nagsimula ng mag-apply ng pressure ang batang babae sa Spirit Acupoint gamit ang kaliwa nitong kamay, kasabay na nag-apply rin ito ng pressure gamit ang kanang kamay sa Transporter Acupoint. Ginamit rin nito ang kaniyang Internal Energy upang maalis ang lason sa katawan ng kaniyang lolo.

Tahimik ang lahat ngunit marami sa kanila ang hindi sang-ayon sa mga nangyayare. Naiisip ng mga ito na nonsense si Darryl at sumangayon sa batang babae na taboo ang pag-aapply ng pressure sa dalawang Acupoints ng sabay. Kung hindi maisasagawa ng tama, maaaring makapatay.

Si Zack ang pinaka-kinakabahan sa loob ng kuwarto. Ramdam nito na para bang sasabog ang kaniyang puso. Kung hindi magagamot ang matanda, hindi niya maaayos ang lahat at malalagay rin sa peligro ang pamilya niya.

Sinara niya ang kanyang kamao, nagdasal na sana'y gumising na ang matanda. Walang ibang paraan–halos ten percent lang din ang tiyansa nitong mabuhay kung dadalhin sa ospital. Ang method na lamang ni Darryl ang nag-iisang tiyansa upang ma-revive ang matanda.

Makalipas ang ilang sandali, unti-unting bumalik ang kulay ng matanda at nagsimulang huminga ng normal.

Nagulat ang lahat–gumana ang tecnique?

Hindi pa nagigising ang matanda pero mukhang wala na ito sa peligro. Napabuntong hindi ang batang babae at kumalma, nilapitan nito si Darryl at tumango, "Salamat. Anong pangalan mo?" Kahit na nailigtas ni Darryl ang lolo nito at lubos itong nagpapasalamat, napaka cold parin ng tono ng pananalita nito. Iyon ang pride na nakaukit sa mga buto nito.

"Well, talagang sinuwerte siya! Nagligtas ng tao gamit ang trial ang error!" Sambit ni Tristan.

Tahimik lang si Dax–pero hindi na niya mapigilan at galit na sumigaw, "Ano bang nagawa mo o baliw ka ba? Nailigtas na ang matanda pero kung ano-ano pang pinagsasaaabi mo. Umalis ka ng, iniinis mo ako!"

Para kay Dax, si Tristan ay isang nakakairitang langaw. Nagalit si Tristan at sinabing, "Sinong sinasabihan mo ng baliw?!" Hindi pa ito nakakabawi sa suntok ni Dax.

Hindi na nagsalita pa si Dax at naglabas ng switchblade habang papalapit kay Tristan.

Pinigilan iti ng kaniyang asawa na si Nancy. "Dear, kumalma ka at huwag kang magalit." Alam ni Nancy kung paano magalit si Dax. Ginagamit nito ang kaniyang kutsilyo kapag hindi siya sumasang-ayon para maintimidate ang iba. Kung hindi lamang napaka brutal ni Dax ay nakaupo pa rin sana ito sa kaniyanh current status.

"Okay sige, mag-ingat ka sa binabangga mo, mag-ingat ka..." Takot na sabi ni Tristan.

Natawala na lamang si Darryl sa mga pangyayari.

Lumapit si Zack kay Darryl at sinabing, "Kapatid, grateful ako sayo. Ang pangalan ko ay Zack Roger, salamat sayo at nalagpasan natin ang problema ngayon."

Inabot ni Zack ang kaniyang kamay kay Darryl at nagtanong, "Puwede ba tayong maging magkaibigan? Tawagin mo lamang akong Zack."

"Sure." Sagot ni Darryl at mahigpit itong nakipag-kamay. Madaling nagkasundo ang dalawa, ramdam nito na totoong kaibigan si Zack.

Hindi na maitago ni Darryl ang kuryosidad at nagtanong, "Zack, sino ang maglolo na iyon? At bakit ka, nang makita mo ang dala niya?..."



Itutuloy....

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now