KABANATA CCXIII

4.6K 38 18
                                    

Mas lalo pang naging sikat si Lily, naging malaking live streamer na ito sa Longya Live Streaming Platform.

Noon ay si 'Hill' lamang ang nagdodonate sa kaniya. Pero nagsimula nang magdonate ang ibang tao para rito.

Isa sa pinaka mapagbigay na fan nito ay si 'Mister D' kung saan lagi itong nagbibigay ng virtual gifts na libo libo ang halaga.

Siyempre hindi nito nahigitan ang halaga na binibigay ni Hill.

Pero nagdodonate lamang ng pera si Hill at hindi nagtangkang kausapin siya. Sa kabilang banda, nagdodonate at nakikipagchat naman si Mister D.

Nagyayang makipagkita si Mister D pagtapos ang live stream nito noong nakaraan.

Nag aalangan si Lily, pero nagpakita naman ng suporta si Samantha.

Gusto nitong makihalubilo ang anak sa mayayaman para magkaroon ng magandang kinabukasan.

Gusto nitong magtry si Lily ng mga damit ang magsuot ng maganda para sa date nito sa fan kinabukasan.

'The Workship of Crystal' ipinares sa jeans ay may hindi maipaliwanag na appeal. Mas charming pa si Lily kaysa sa mga celebrity na nagsuot nito.

Nakangiting tumango si Samantha. "Dear, siguradong mamangha si Mister D sa outfit mo. Puwede kayong lumabas na magkasama kung guwapo siya."

"Ma, tama na ang biro." Bulong ni Lily.

"Hindi ako nagbibiro." Nawala ang ngiti ni Samantha. "Makinig ka, kailangan mong makahanap ng mapapangasawa. Kahit sino ay mas mabuti kaysa Kay Darryl. Puwede kang mamili sa mayayamang lalaki kagaya ng mga live streamer!"

...

Tumitig si Darryl sa hanay ng kababaihan. Maganda sila.

Ang isa sa kanila ay may napakagandang pangangatawan at nakasuot pa ito ng mini skirt. Napabuntong hininga si Darryl at nagsimula nang tanggalin ang tali sa mga ito.

"Bilis, umalis na kayo. Mag iingat kayo sa susunod at huwag magpapahuli." Bulong ni Darryl.

Ang taong may karangalan ay hindi gagawa ng kamalian. Lahat ng mga babaeng iyon ay mula sa Grandmaster Heaven, at bilang Hall Master ng mga ito ay maaari silang gawan ng hindi maganda ni Darryl. Pero hindi nito nakikita ang sarili bilang mabait na tao.

Pagiging matapang kung madudungisan niya ang mga ito, pero hindi niya ito magagawa.

"Ikaw,.. pinapakawalan mo kami?" Lahat sila ay nagulat.

Hingit silang nawasak nang mahuli. Alam ng mga ito na hindi magkasundo ang dalawang kulto!

Bakit sila pinapakawalan nito?

"Bilis, ano pang hinihintay niyo?" Bulong ni Darryl at agad nang lumisan ng KTV bago ang mga babae.

Nagmamadaling tumayo ang mga babae at sinundan si Darryl nang may pasasalamat.

ORIENTAL PEARL

Pinakawalan ni Darryl ang mga babae at nag abot din ito ng cash. Nagtaxi na ito papunta sa hotel kung saan nag iinuman si Chester at ang iba pa.

Napag isip nito na gamitin si Wayne Woodall.

Lagi itong nag proprovide ng mga libreng service sa tuwing pumupunta sa hotel si Darryl. Napag isip nito na baka hindi na naman tanggapin ni Wayne ang bayad kahit na maraming tao ang naroon mula sa Eternal Life Palace na nag iinuman at kumakain.

Isang sigaw ng babae mula sa kalsada ang narinig nila bago pa man makaapak si Darryl sa lobby.

"Anong ginagawa mo?"

Napatigil si Darryl sa nangyaring kaguluha . Higit sampung kalalakihan ang nakapalibot sa isang babae, tinatali nila ito gamit ang lubid.

Napailing sa dismaya si Darryl.

'Nangingidnap ng umaga? Nag eexist pa ba ang batas?'

Maraming tao ang dumadaan pero walang nagtangkang tumulong o tumawag ng pulis.

Napunit ang damit nang babae dahil sinubukan nitong kumawala, nakita ng lahat ang valiant fire pheonix tattoo nito sa likod.

'Ang tattoo na iyon... Sh*t! Hindi ba't asawa iyon ni Dax Sander, si Nancy Lee? Bakit siya kinikidnap ng mga ito?'

Tumakbo palapit si Darryl nang walang pagdadalawang isip at sumigaw. "Stop!"

'Darryl Darby?'

Biglang nagkasigla sa mukha ni Nancy bago iti sumigaw dahil sa panic. "Darryl wag kang lalapit! Papuntahin mo si Dax!"

Alam nito na malakas si Darryl at kaya nitong talunin ng mag isa ang pating. Pero hindi dapat maliitin ang mga lalaking ito dahil handa silang makipaglaban at pumatay!

Sila ay mga tauhan ni Brandon Guy.

Nahahati sa dalawa ang mafia ng Donghai City. Pagmamay ari nina Brandon and Abby ang east, at kay Dax Sanders naman ang west.

Kahit na wala naman silang hindi pagkakaunawaan ay pasikreto pa rin nilang gustong paalisin ang isa't isa.

Dalawang linggo na ang nakalipas, nagtayo ng entertainment center si Dax sa Donghai City at marami itong naakit na kabataan.

Nagpadala ng mga tao si Brandon para wasakin ang lugar dulot ng inggit, pero agad na nagtawag si Dax ng tauhan para kalabanin ang mga ito at agaran naman silang dinala sa ospital matapos ang gulo.

Nabigo ito sa misyong wasakin ang lugar at nasaktan lamang ang mga tauhan.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now