KABANATA CCXVIII

3.9K 31 9
                                    

Napuno rin nang pag aalala ang mukha ni Giselle. Napakagat na lang ito sa kaniyang labi habang bumubulong ng. "Okay lang ako, kuya Darryl."

Ngumiti naman si Darryl sa kaniya at sinabing. "Huwag kayong mag alala, mag uusap lang kami roon. Hindi ako makikipag away."

"Makinig ka sa akin Darryl. Huwag ka nang pumunta roon." Mahinang banggit ni Lana.

Nasa dalawang metro ang taas ng dalawang mga bodyguards na ito! Kaya siguradong hindi magiging maganda ang lahat para kay Darryl sa sandaling magdesisyon siyang pumunta sa washroom.

"Makinig ka sa akin, hindi pupwedeng pumunta roon. Naririnig mo ba ako?" Nagpatuloy si Lana sa pagkumbinsi kay Darryl.

"Okay lang ako, huwag kayong mag alala." Mabilis na naglakad si Darryl papunta sa washroom.

Nang marealize nilang hindi na nila ito mapipigilan pa, nag aalala na lang na tumingin sina Giselle at Lana sa isa't isa.

Agad na nakarating si Darryl sa washroom. Agad niyang nakita si Dalton at ang dalawa nitong mga bodyguard paghakbang niya papasok ng CR.

Lumapit sa kaniya si Dalton at nagsabing. "Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon para lumuhod at humingi ng tawad sa mga nagawa mo kanina, bata."

Naisip ni Dalton na aaminin ni Darryl ang kaniyang kasalanan kung may natitira pa itong awa sa kaniyang sarili.

Pero sa bagay na ito siya nagkakamali.

Tumawa si Darryl habang naglalakad papunta sa isang urinal. Binuksan niya ang kaniyang pantalon at umihi habang dahan dahang sinasabi na. "Dapat ngang may humingi ng tawad sa nangyaring iyon, pero ikaw ang dapat na gumawa nito at hindi ako."

"Hayop ka! Tigasin talaga ang isang ito! Tapusin niyo na siya!"
Agad na nagalit si Dalton sa mga sinabing ito ni Darryl.

Agad na sumugod ang mga bodyguard ni Dalton gamit ang kanilang kamao nang marinig ang utos mula sa kanilang amo.

Natuwa naman dito si Darryl.

"Paano sila nakuhang mga bodyguards nang may ganiyang kakayahan sa pakikipaglaban? Sayang lang ang tangkad ng dalawang ito sa bagal nilang gumalaw."

Hinarang ni Darryl ang isa sa kaniyang mga hita sa pumatid kina Sam at Liam sa madulas na sahig ng washroom!

Agad na dumiretso ang dalawa papunta kay Dalton.

"Ow!"

Habang si Dalton na masyado nang overweight ay mayroong dalawang mga nagbibigatang mga hita. Hindi na niya naiwasan pa ang dalawa niyang mga tauhan na nagresulta sa sabay sabay nilang pagbagsak sa sahig ng washroom.

"Bwisit! Hayop ka talaga!"

Galit na nagkura si Dalton nang lumingon si Darryl para patalsikin ang kaniyang ihi sa mukha ni Dalton, dito na siya sumabog sa sobrang galit. Galit na galit siyang nagmura habang binubuga ang ihi ni Darryl na pumasok sa kaniyang bibig.

Sinubukan namang tumayo ng gulat at galit ng mga bodyguard nito.

Pero agad inapakan ni Darryl ang katawan ng dalawa, o ang kanilang Baihui acupoints to be exact. Namanhid ang katawan ng dalawa na hindi makagalaw sa kanilang kinabagsakan.

Nabagabag naman nang husto sina Giselle at Lana habang naghihintay sa labas ng washroom.

Sinundan nila si papunta sa washroom dahil hindi na sila mapakali sa kanilang mga kinauupuan. Pero agad silang huminto sa pintuan dahil masyado silang nahihiya na pumasok sa washroom.

“Bakit hindi po tayo pumasok, teacher?" Tanong ng napapakagat sa kaniyang labi na si Giselle.

Napuno ng hiya ang mukha ni Lana habang nagdadalawang isip na sinasabing. “Pero ito ang washroom na para lamang sa mga lalaki.”

Pero hindi na maitago pa ni Lana ang kaniyang pagkabagabag.

Kailangan na nilang pumasok kahit na ito ay panlalaking washroom.

Matapos ang dalawang Segundo ay nagdesisyon na si Lana na. “Sige, halika na.”

Sabay na naglakad ang dalawa papasok sa washroom gamit ang suot nilang mga heels.

“Okay ka lang ba, Darryl? Ikaw---“

Nag aalalang tanong ni Lana habang papasok sa washroom, pero agad na namutla ang kaniyang mukha nang Makita niya ang apat sa loob!

Agad ding namutla ang mahinhin na katawan ni Giselle sa sobrang gulat!

Nakita nang dalawa sa sahig sina Dalton Zander at dalawa nitong bodyguard habang si Darryl naman... Well, kasalukuyang iniihian ni Darryl ang mukha ni Dalton.

"Argh..."

Agad na napatili sina Lana at Giselle matapos matahimik na dalawang segundo. Agad nilang tinakpan ang namumutla nilang mga mukha habang mabilis na tumatalikod bago tumakbo palabas ng washroom.

"Bakit gagawin ni Darryl e ang bagay na iyon? Nakakahiya!"

"Hindi na dapat tayo pumasok doon!"

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now