KABANATA CCLXVI

511 6 1
                                    

Habang pinapanood ang eksena, hindi mapigilan ni Drake Darby ang kaniyang pagkasabik habnag nagsasabi sa nakakatandang Darby na. “Napakaganda ng pagkakagawa ng Big Dipper Formation! apakasolid ng ginawa nilang mga pag atake at pagdepensa. Sigurading titingalain na ng lahat ang pamilya Darby gamit ang formation na ito!”


Kahit Level Three Masters pa lang ang tatlong ito, sa pamamagitan ng formation na ito ay magagawa na nilang lumaban sa isang Martial Marquis!


Ngumiti ang nakatatandang Darby Habang natutuwang sinasabi na.”Isa talaga ang Big Dipper Formation sa mga pinakamagagandang formations.”


Nang matapos sila sa pagsasanay, itinago ng nasasabik na si Florian ang kaniyang espada at tuwang tuwang lumapit Habang sinasabi na. “Ano sa tingin mo Grandpa?”


“Magaling, magaling, napakagaling! Maganda ang ipinakita ninyong improvement nitong nakaraan. Nahigitan nito ang aking mga inaasahan sa inyo. Kaya natutuwa ako ngayon sa inyong lahat, sigurado ako na kayo ang magbibigay ng karangalan sa pamilya Darby.”  Nakangiting puri ng nakatatandang Darby.


Natuwa nang husto si Florian sa mga sinabing ito ng nakatatandang Darby.


“Huwag kang mag alala Grandpa, mas pagbubutihin pa po namin ang pagsasanay!” pangako nito.


Tumango naman dito ang nakatatandang Darby.


“Mayroon po tayong bisita, Grandpa.” Isang boses ang kanilang narinig mula sa kanilang likuran.


Nang biglang mapalingon sila sa entrance kung saan nila nakita ang isang grupo ng mga babaeng naglalakad papasok sa mansion. Nasa sampo o higit pa ang bilang ng mga ito at ang bawat isa ay nagtataglay ng hindi mapapantayang kagandahan. Ang babaeng nangunguna sa mga ito ay isang babaeng nakasuot ng kulay putting dress, naglakad ito Habang hawak hawak ang isang whisk sa kaniyang kamay.



Agad na tumitig nang husto ang bawat isang lalaking miyembro ng pamilya Darby sa mga kababaihan. Nasabik ng husto ang mga ito matapos silang bisitahin ng ganito karaming mga naggagandahang binibini.


Agad na napatyo sa gulat ang nakakatandang Darby matapos makita ang mga ito.


“Ah, ang Abbess Mother Serendipity mula sa sekta ng Emei. Maligayang pagdating sa aming tahanan.



Si Abbess Mother Serendipity ay isa sa anim na mga elder ng sekta ng Emei at isa ring napakalakas na babaeng may hindi mapapantayang kapangyarihan at pinong pasensya. Ang mga babaeng naglalakad sa kaniyang likuran ay mga tagasunod ng kanilang Emei Sect.


Ilang taon na ang nakalilipas mula noong magkita ang nakakatandang Darby at ang Abbess Mother Serendipity nang ilang beses.



Nakangiti itong ngumiti sa kaniya at sinabing. “Mr. Darby, ipagpaumanhin moa ng pagpunta namin dito nang walang paalam.”



Ngumiti naman ang nakakatandang Darby at sinabing. “Walang problema. Ano ang maitutulong namin sa inyo?”


Ngumiti si Abbess Mother Sirendipity at sinabing. “Mr. Darby, kasama ko ngayon ang fifty na mga miyembro ng Emei Sect. puwede ba kaming manirahan sa inyong tahanan?”


Binuo ng anim na sekta ang Hexad School at ang bawat secta ay nagpadala ng ilan sa kanilang mga elder at tagasunod para manirahan sa Donghai City. Dahil babae ang lahat ng miyembro ng Emei Sect, hindi magiging ideyal sa kanila ang manirahan sa loob ng campus dahil guguluhin lamang sila rito ng mga lalaking estudyante.


Matapos ng ilang diskusyon, nagdesisyon ang Emei Sect na humingi ng tulong sa pamilya Darby para sa lugar na puwede nilang tuluyan. Sabagay, tagasunod ang nakatatandang Darby ng Shaolin Sect kaya walang kahit na sino ang manghuhusga sa anila sa sandaling tumuloy sila sa mansion ng mga Darby.


“Hindi kami maninirahan dito ng libre Mr. Darby. Magbabayad kami ng renta sa iyo.” Dagdag nito sa kaniyang mga sinabi.


Sumimangot ang nakatatandang Darby na para bang nagdadalawang isip sa gusto ng mga ito. Hindi ito tungkol sa renta kundi dahil sa pagging involve ng pamilya Darby sa Eternal Life Palace Sect na isang kulto. Sa sandaling tumira ang mga tagasunod ng Emei Sect sa lugar na it, siguradong agad na malalaman ng mga ito ang kanilang sikreto.


Masyadong delikado.


Pero seryoso naman nilang ipinakita ang kanilang pakay, hindi magiging ideyal ang pagtanggi sa mga ito. Agad na napasok sa isang malaking dilemma ang nakatatandang Darby.


Samantalang naglakad si Florain palapit sa nakatatandang Darby at nasasabik na sinabing. “Papayag na ako kung ako sa iyo Grandpa. Malayo ang nilakbay ng Abbess other Sirendipity at ang kaniyang mga tagasunod mula sa Emei Sect papunta rito sa Donghai City, magiging mahirap po ang pagtanggi natin sa kanila.”



Natural na uhaw sa mga abbae si Florian, dahil kung hindi ay hindi niya magagawang molestiyahin ang kaniyang hipag. Kaya ngayong nalaman niya na gusto ng napakaraming naggagandahang babae na manirahan sa kanilang mansion, siyempre gugustuhin ng mga ito na pumayag ang nakatatandang Darby. May kaniya kaniyang kagandahan ang bawat isa sa mga ito lalo na ang Abbess Mother Serendipity.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now