KABANATA CXCIV

5.4K 28 1
                                    

Ano? Level five master general?

Agad na napapigil hininga ang lahat. Isa nang Level five master general ang matandang lalaki na ito? Gaano nga ba siya kalakas?

Isa nang senior sister sa sekta ng Emei si Megan. Nastuck ito sa level five ng master domain, at sa tulong ng ibinigay na Godly Pill ni Darryl ay nagawa na rin niyang tumungtong sa Level one ng master general domain.

Maraming mga Cultivator sa mundo, pero ang karamihan sa mga ito ay nasa master level pa lamang. Ang pagsasanay at pagpapalakas ay masyadong mahirap para sa kahit na sino kaya maging ang pinakamahusay sa kanila ay naiistuck sa ikalimang level ng master domain sa buo nilang mga buhay.

Pero nagawa ng matandang lalaki na itong maging isang level five master general! Masyado itong kamangha mangha!

"Congratulations Lolo!" Sigaw ng isang dalaga.

Isa itong napakagandang dlaga! Nasa edad eighteen or nineteen na ang isang ito na mayroong napakagandang itsura habang suot ang isang napakahabang dress. Napakasuwerte ng matandang ito na magkaroon ng isang apo na kagaya ng dalagang iyon.

Tumango naman dito ang matandang lalaki, at pagkatapos ay agad niyang ininom ang binigay sa kaniyang Godly Pill.

Ano? Hindi na siya makapaghintay pa!

Napuno ng inggit ang tingin na ginawa ng lahat sa matandang babae. Sa pamamagitan ng pill na ito, magagawa na ng matandang lalaki na maging isang master Marquis! Masyado nang out of this world ang domain na ito! At masyado ring pambihira para sa kahit na sinong masaksihan ang pagtawid ng isang cultivator sa level na ito.

Sumimangot sa kaniyang nakita si Darryl. Nag aalala siya na baka may mangyaring hindi maganda sa matanda.
Malakas namang nang asar si Tristan ng. "Hindi ba't sinabi mo na walang bisa at delikado nang inumin ang pill na ito? Mukhang okay naman ang matandang iyon! Talagang sasabihin ng isang naiinggit na taong kagaya mo ang lahat dahil hindi mo lang maabot ang mga bagay na kagaya nito."

Natawa rito ang ilang mga tao.

THUD!

Dito na biglang namutla ang mukha ng matanda habang bumabagsak sa sahig.

"Lolo!" Sigaw ng nagulat nitong apo.

Agad na nagkagulo ang lahat sa loob ng auction hall. Paano itong nangyari? Nakatawid na dapat siya sa susunod na domain, pero bakit siya nawalan ng malay?

Nagulat dito ang lahat.

May isang tao na tumuro kay Darryl at sinabing. "Sinabi ng isang ito na wala na raw bisa ang pill na iyon..."

Dito na tumingin ang lahat kay Darryl. Sinabi niya nga kay Julian ang bagay na ito kanina!

Naguluhan din dito si Tristan. Hindi soya makapaniwala sa kaniyang mga nakita. Nagagawa kayang makita ni Darryl ang hinaharap? Impossible! Wala na siyang ibang kayang gawin kundi maging pabigat sa pamilya Lyndon. Kaya ano ba ang alam niya tungkol sa bagay na ito? Isa lang itong coinsidence.

Nanginig din sa kaniyang puwesto si Yvonne sa mga sandaling ito. Nagulat siya nang husto kay Darryl. Gaano karaming lihim ba ang itinatago nito sa lahat?

"Dali! Tulungan ninyo kami!" Sigaw ng dalagang nakaluhod sa tabi ng kaniyang lolo.

Pinaligiran sila ng maraming tao pero walang sinuman ang tumulong sa kanila.

Ninenerbiyos namang lumapit si Julian nang tanungin niya ang dalaga ng. "Miss, mayroon ba ng kahit na anong sakit ang iyong lolo?"

"Ano ang sinabi mo?" Nanlalamig na tingin sa kaniya ng dalaga. Agad itong naglabas ng isang nakakatakot na aurang kumalat sa paligid.

"Hindi kailanman nagkaroon ng sakit ang aking lolo. Siguradong dahil ito sa pill na ibinigay ninyo sa lahat, huwag na huwag mong susubukan na takasan ang ginawa ninyong ito kay lolo.* Nagbabantang sinabi ng dalaga.

Nagulat ang lahat dito, paano nagawa ng isang dalagang kagaya niya na magkaroon ng napakalakas na aura!

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now