KABANATA CCXLVII

649 10 2
                                    

Sino ang magtatangkang saktan si Donoghue? Makapangyarihan ang pamilya Dixon sa Yuzhou City, ito ang capital city!

Isa pang breaking news ang formation ng Hexad School sa Donghai City.

Ang Hexad School ay binubuo ng Six Orthodox Sect. Ang principal ng school ay si Graham Potter -- deputy head ng Wudang Sect at lubos na kagalang galang, mayroon rin siyang magandang reputasyon - na hinahangaan ng ibang secto.

Ang appointment ng anim na sekto, dahil ang school teachers ay pinapakita kung gaano kaimportante ang school na ito sa anim na sekto.

Ang Hexad School ay kapareho ang systema ng ibang ordinaryong high school kung saan full-time students lang ang pinapayagan.

Mahigpit din ang rules and regulations kagaya ng ibang high school o college. Ano mang walang paalam na pag absent ay magreresulta sa pagka expelled.

Nag ooffer ang school ng three year course at matapos ang three years, mamimili ang school ng best performing graduate para gawing Elder ng Six Sect.

Elder ng Six Sect, sinong magpapalampas ng oportunidad na ito?

Malalaman ng Elder ng Six Sect ang sikreto ng bawat secto, at bibigyan ito ng spiritual elixirs at pills sa bawat katapusan Ng taon.

Nagkagulo ang buong Donghai City nang mabuo ang Hexad School! Lahat ng tao ay nag sign up kabilang na ang high school graduates, college graduates, at tagapagmana na galing sa mayayamang pamilya.

Kahit sinong mayamang pamilya ay alam ang importansya ng pagiging parte ng secto. Mabibigyan ito ng karangalan pride sa kanilang pamilya kung isa sa kanilang miyembro ay maging Elder ng Six Sect.

Isang araw lamang ang nakalipas ay higit na sampung libong katao mula sa Donghai City ang nag sign up sa school, kabilang na dito ang mga estedyante mula sa kalapit na siyudad. Wala pang isang araw, nang Hexad School ang naging pinakamalaking School sa Donghai City.

.....

DONGHAI CITY FIRST HOSPITAL

Halos autumn na at lumalamig na ang panahon.

Sinamahan ni Nancy si Dax sa VIP ward. Dalawang araw na ang nakalipas at nakahiga pa rin ito sa higaan habang binabalutan ng bandage na parang mummy. Hindi na sumasakit ang mga sugat nito pero ayon sa doctor, tuluyan nang nasira ang mga binti at habang buhay nang naka wheelchair ito.

Depressed si Nancy pero hindi niya ito pinakita habang nasa tabi ni Dax at humihingi parin ito na may mangyaring milagro baling araw.

“Dax, Huwag kang mag alala. Nag iisip na si lolo ng mga paraan para makapaghiganti.” Pagpapanatag ni Nancy kahit na hindi rin siya sigurado.

Tumango si Dax. Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya. Kung bibigyan siya ng tiyansa na ibalik ang oras, gagawin niya parin ulit ang mga nagawa niya. Kasama ito sa buong proseso ng totoong pagkakapatiran, hindi niya magagawang panoorin na saktan ng iba ang asawa ng kapatid niya.

Ding….

Sa kanilang banda, umilaw ang phone ni Nnacy at nagkasigla rinang mukha nito matapos basahin ang message.

“May magandang balita!”

“What’s up?” curious na tanong ni Dax.

Excited na lumapit si Nancy.

“May sumaksak kay Donoghue ng higit three hundred times! Sinusubukan parin siyang iligtas sa ospital.”

Manginig nginig sa excitement na sinabi ni Nancy “Karma, isa itong karma.”

Huh?

Sinaksak si Donoghue?

Nagulat si Dax, puno ng kagalakan ang puso nito kahit na sobra ang pagkagulat.

“Sino ang gumawa?”

Umiling si Nancy. “Galing sa mga tauhan ang balita. Hindi rin nila alam kung sino ang may gawa, kalat na rin itong balita sa buong siyudad. Sinong may pake? Siguro ay may malaking background ang taong may gawa nito! Sigurado akong maraming kaaway si Donoghue.” Ngumiti si Nancy. Tumango si Dax bilang pag sang-ayon.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now