KABANATA CCXXXVI

2.3K 29 5
                                    

Matapos ang kalahating oras.

Ngumiti si Darryl at kinuha ng pill mula sa porselanang palayok.

Nabalot ang buong kuwarto ng matamis na amoy ma sa ginawa niyang pill.

Agad namang natigilan si Monica habang nagugulat na tinitingnan ang pill na hawak ni Darryl.

Nakangiting naglakad si Darryl palapit kay Monica. "Isa na namang magandang bagay ang nagawa ko matapos kong iligtas ang buhay ng Cult Mistress. Hindi na ako makapaghintay pa na mabiyayaan ng kulto! Haha!" Isip ni Darryl.

Inalis niya ang scarf sa bibig ni Monica at dahan dahang inilagay ang pill sa loob ng bibig nito.

Tumayo sa isang tabi si Darryl at buong pasensyang naghintay na umepekto ang ginawa niyang pill.

Dahan dahang ipinikit ni Monica ang kaniyang mga mata. Nagkaroon siya noon nh pag aalinlangan pero naramdaman niya ang dahan dahang pagkawala ng sakit na kaniyang nararamdaman sa loob lang ng ilang segundo na nakapagpasurpresa sa kaniya.

"Darryl, paano mo nalaman ang paraan sa paggawa ng antidote nito?" Nasasabik na tanong ni Monica.

Sa mga sandaling ito, wala na siyang nararamdaman na kahit na anong sakit sa kaniyang katawan.

"Nabasa ko ito mula sa isang lumang libro." Pangkaraniwang sinabi ni Darryl.

Pinuri ni Monica si Darryl at binigyan ng ilang tingin. "Magaling! Hindi nga ako nagkamali. Karapat dapat ka nga sa posisyon ng Elder Master. Dahil dito, mayroon akong assignment sa iyo pagbalik mo sa Donghai City."

"Grabe niligtas ko ang buhay mo pero ang kapalit na matatanggap ko ay isang assignment?* Isip ni Darryl.

Hindi nakapagsalita si Darryl sa bagay na ito pero wala siyang nagawa kundi buong galang na sumagyng. "Sabihin niyo lang po, Mistress. Gagawin ko po sa abot ng aking makakaya ang inyong utos."

Dahan dahan namang sumagot si Monica ng. "Nakatanggap ako ng balita na nagpaplano ang anim na mga Orthodox Sect na magtayo ng isang eskwelahan na para sa mga cultivators na na tinatawag nilang Hexad. School na may pupose na magdevelop ng mga mahuhusay na disipulo para sa anim na mga sekta."

"Gusto nilang magtayo ng isang eskwelahan para sa mga cultivator? Bakit hindi ko narinig ang tungkol dito?" Tanong ni Darryl.

"Itatayo ang eskwelahang ito sa loob ng dalawang araw. Hindi mo siyempre alam ang tungkol dito dahil advance kong natanggap ang impormasyon tungkol sa mga bagay na ito." Sagot ni Monica.

Kung ganoon, nasa kalagitnaan pa lang sila ng preparasyon para rito.

Itinago ni Darryl ang kaniyang ulo habang nasusurpresa sa kaniyang loob.

Walang kamuang muang ang mga pangkaraniwang tao na pagpapalakas at pagtatayo ng ganitong klase ng eskwelahan ay siguradong magpapaagresibo sa buong Donghai City.

Nagpatuloy si Monica sa pagsasalita.  "Maraming mga anak ng mayaman sa Donghai City ang mag eenroll sa sandaling maitayo nila ang eskwelahang ito. Sa sandaling mangyari iyon, gumawa ka ng paraan para mag enroll sa eskwelahan at dalhin mo sa akin ang isang libro na may titulong Supreme Mystery Scripture."

Supreme Mystery Scripture?

Natigilan dito si Darryl at nakasimangot na nagtanong ng. "Mistress, paano ko po iyon mahahanap sa isang napakalaking school na kagaya nito?"

Nakangiti namang sinabi ni Monica na. "Naghanap na ako ng impormasyon tungkol sa bagay na ito. Ang magiging principal ng school na ito ay si Graham Potter na nagmula sa sekta ng Wudang. Sigurado ako na nasa kaniya ang Supreme Mystery Scripture. Kinakailangan mong humanap ng paraan para nakawin ito."

Grabe.

Kinakailangan nga talagang magkaroon ng isang tao ng sapt na lakas bago hawak ng isang mataas na posisyon. Wala nang nagawa si Darryl kundi tanggapin ang assignment na ito.

"Huwag po kayong mag alala, Mistress. Sisiguraduhin ko po na magtatagumpay ako sa misyong ibinigay ninyo sa akin."

Tumitig naman si Monica sa kaniya at sinabing. "Tanggalin mo na ang tali sa katawan ko."

"Oo nga pala!" Mabilis na lumapit si Darryl para tanggalin ang tali kay Monica.

Ginawa na ni Darryl ang lahat pero hindi parin niya maluwagan ang tali sa katawan ni Cult Mistress. Nagpapanic niya itong itinali kanina kaya masyadong naging mahigpit ang pagkakatali niya rito. Unti unting nabahala si Darryl dahil hindi niya magawang maluwagan ang tali kahit na ano pa ang kaniyang gawin.

Nanginig ang buong katawan ni Darryl habang sinusubukan na tanggalin ang tali.

Nakaramdam naman ng hiya si Monica at nanginig ang buo niyang katawan habang nagsisimulang uminit ang napakaganda niyang mukha.

Kilala si Monica bilang Cult Mistress at asawa ng Cult Master, pero hindi pa sila nagkakaroon ng kahit na anong intimate relationship.

Nasa higit sixty years old na rin ang Cult Master kaya masyado na itong matanda para sa ganoong klase ng bagay.

Ibinigay din ni Cult Master ang buo niyang sarili sa pagpapalakas kaya hindi nito nagawang tumingin sa anumang pangangailangan ng laman.

Mataas din ang naging tingin ng lahat kay Monica bilang Cult Mistress kaya walang kahit na sinong lalaki ang nagawang lumapit sa kaniya. Tanging si Darryl lang ang unang nakagawa nito.

Nakaramdam si Monica ng matinding pagtibok sa kaniyang dibdib.

Pero mahina niyang sinabi na. " Okay lang kung hindi mo ito matanggal. Mayroong gunting sa loob ng drawer. Gamitin mo na lang para paputol ang taling ito."

Tumango rito si Darryl, mabilis siyang pumunta sa drawer para buksan ito. Mayroon ngang gunting sa loob nito.

Hmm?

Ano naman ito?

Mayroong isang kakaibang uri ng ginseng na nakalagay sa tabi ng gunting. Mayroon itong kulay ng aquamarine at nagalalabas ng isang napakagandang liwanag.

Karaniwang may kulay ng dilaw o puti ang isang pangkaraniwang ginseng.

Maging ang pambihirang blood ginseng ay may kulay na pula.

Pero paano nagkaroon ng ginseng na kulay berde?

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now