KABANATA CXCV

5.4K 28 7
                                    

Isang binatang nakasuot ng suit ang lumapit sa komosyon.

"Anong nangyari?" Tanong nito. Ang lalaking nagtanong ay walang iba kundi si Zack Roger, ang panganay na anak ng pamilya Roger. Siya ang nagmanage sa buong auction na ito.

Matapos makita so Zack, agad na nakahinga nang maluwag ai Julian habang sinasabing. "Nawalan ng malay ang lalaking ito Zack. Pinagpipilitan ng babaeng ito na dahil daw ito sa Godly Pill na inauction natin kanina."

Sumimangot si Zack at nanlalamig na tumawa sa babae habang sinasabi na. "Miss, naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon per nakasisiguro kami na genuine ang mga item na hinanda namin para sa auction na ito.

Ilang taon nang idinaraos ang Roger's Auction, at wala naman itong naging kahit na anong issue noon. Kaya kung mahihimatay man ang lalaking ito, siguradong dahil ito sa kaniyang kalusugan. Si Zack ang pinakamatandang anak ng pamilya Roger kaya wala itong kinatatakutan na kahit na sino.

"Manahimik ka na at tulungan ang lolo ko! Sa sandaling may mangyari sa kaniya ako na mismo ang tatapos sa inyong mga Roger!" Nagbabantang sinabi ng dalaga.

Kahit na hindi malakas malinaw na narinig ng lahat ang sinabi ng dalaga. Agad silang nanginig sa takot matapos marinig ang mga salitang ito. Gaano ba talaga kalakas ang cute na dalagang ito?

Tumawa si Zack at sinabing. "Walang magandang maidudulot ang pagbabanta mo sa akin. Bilang manager ng auction na ito, naiintindihan ko ang nangyari sa lolo mo pero wala na kaming magagawa kundi tumawag ng ambulansya. Gusto mo akong pagbantaan, masyado ka pang bata para-"

Ano? Agad na napatigil sa pagsasalita si Zack. Nanginig siya sa takot at agad na humingi ng tawad sa dalaga. "Patawarin niyo po ako! Masyado akong naging bulag para hindi makita ang bagay na ito." Agad na nagbago ang kaniyang trato sa loob ng isang iglap.

Nanlalamig namang sumagot ang dalaga ng. "Isa nang level five master general ang lolo ko, masyado nang malakas ang kaniyang katawan para magkasakit. Kaya sa sandaling may hindi magandang mangyari sa kaniya ngayong araw, sisiguraduhin kong mabubura ang pamilya Roger sa mundong ito!"

"Naiintindihan ko, naiintindihan ko po talaga." Tango ni Zack bago sumigaw ng. "Doktor! Dalian mo, iligtas mo ang lalaking ito!"

Ano? Bakit ganito kabilis na nagbago ang kaniyang trato sa dalagang iyon?

Agad ba napatingin ang lahat sa token na hawak ng dalaga. Gawa ito sa purong ginto na nagpapakita ng parang totoong nakaukit na imahe ng mga tao at halimaw.

Sino ba ang dalagang ito para ilagay sa ganoon kababang level ang mga Roger?

Napasimangot dito si Darryl. Hindi niya inakalang marami pala silang kasamaang mga naglalakasang tao sa auction na ito.

"Hayaan ninyong tingnan ko ang lagay niya." Isang puyat na imaheng nakasuot ng high heels ang lumapit kay Zack. Sita ay walang iba kundi si Shelly Sullivan, ang chief of staff ng ospital! Kilala siya bilang miracle healer ng Donghai City.

Tumawag si Zack ng ilang mga medical staff para magbantay sa auction sa sandaling magkaroon ng medical emergency ang sinuman sa kanila. Dahil wala naman siyang ginagawa ngayong araw, napagdesisyonan ni Shelly na magpunta dito.

Nakastanby siya sa backstage. Hindi niya pinansin ang kahit na anong nagaganap sa auction habang naglalaro sa kaniyang cellphone. Pero nang marinig niyang may tumawag ng doktor, agad siyang lumapit kasama ang ilang mga nurse.

Napangiti si Darryl nang makita niya si Shelly.

"Maraming salamat sa pagpunta mo rito Chief Shelly! Tingnan mo na ang lagay ng lalaking ito!" Puno ng tensyong sinabi ni Zack.

Nang dumating si Shelly, agad nang nakahinga ng maluwag si Zack. Dahil sa sandaling may mangyaring hindi maganda sa matanda, hindi magagawa ng pamilya Roger na akuin ang responsibilidad sa pagkamatay nito!

Ginamit ni Shelly ang kaniyang stethoscope sa matandang lalaki. Pagkatapos ng isang minuto o higit pa, sumimangot siya at sinabing. "Kung titingnan ko ang lagay niya, mukhang nakainom siya ng isang expired o pangit na gamot. Nagresulta ito sa isang pagbabara sa kaniyang utak na nagpahinto sa paggana ng kaniyang katawan.

Walang sinabi na kahit ano ang dalaga habang tumititig kay Zack. Siguradong dahil ito sa Godly Pill na ininom ng matanda!

Dito na nag usap usap ang mga tao sa paligid, dahil pala talaga ito sa natanggap na Godly Pill ng matanda.

Halos mangiyak ngiyak si Zack nang magmakaawa ito kay Shelly. "Nagmamakaawa ako sa iyo, Chief Shelly iligtas mo ang matandang lalaki na ito!"

Sa sandaling may mangyaring hindi maganda sa matandang lalaki, siguradong ito na ang katapusan ng kaniyang pamilya.

Iniling naman ni Shelly ang kaniyang ulo at sinabing. "Napakakumplikado na ng kasalukuyan niyang situwasyon. Kulang ang mga medical supply na nandito ngayon at masyado ring kaunti ang aking mga tauhan. Ang pinakamagandang gawin ay dalhin siya sa ospital kung saan magagawa ko siyang operahan, pero... Huli na ang lahat para rito. At kung titingnan ang kasalukuyan niyang kondisyon, nasa ten percent na lang ang magiging success rate ng gagawin kong operasyon sa kaniya.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now