KABANATA CCLXXXV

843 12 5
                                    

Agad na tumigil sa pagsuntok si Xavier. “Oh, Miss Katherine.”



Tumawa siya habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Katherine. Napakacharming talaga nito, mas lalo pa siyang nagging attractive sa pagkamature na kaniyang ipinakita.



Nakahinga na rin nang maluwag si Lily. Mabuti na lang at dumating sa tamang oras Miss Katherine. Dahil kung hindi, siguradong makakatanggap ng pambubugbog mula rito si Darryl.



Sabagay, isa pa ring teacher si Xavier. Kaya paano magagawang lumaban ni Darryl ditto?



Sumimangot si Katherine at sinabing. “Mister Xavier, ano ang ginagawa ninya rito?” tanong niya.



Pinanood niya nang maigi ang mga susunod na mangyayari.




“Wala naman, nagbibiruan lang kami nito.” Malakas na tawa ni Xavier.




Mahahalatang hindi sa kaniya naniniwala si Katherine. “Nakita ko ang buong pangyayari. Mister Xavier, bilang isang PE teacher, paano mo nagawang mangbully ng iyong mga estudyante?” nanlalamig nitong akusa.



Kinamumuhian din ni Katherine si Xavier. Kilalang kilala ng maanyak niyang pagkatao sa buong anim na orthodox sect.



“Nagkakamali ka ata Miss Katherine!” mapait na ngumiti si Xavier habang nagkukunwaring inosente.



“Paano ko magagawang mambully ng estudyante? Nakikipagbiruan lang ako sa kaniya. Kung hindi ka pa rin naniniwala, tanungin mon a lang ang mga estudyanteng ito.”




“Opo, Miss Katherine. Nagkakamali ka po rito.” Interrupt ni Kent.



“Nagbibiruan lang po sila mister Xavier at Darryl. Hinding hindi magagawang manakit ni Mister Xavier ng kaniyang estudyante.”



Sinuwerte sa mga sandaling ito si Darryl. Makakatanggap n asana siya ng pambubugbog, peronagawa itong mapigilan ni Miss Katherine. Sayang.



Agad ding sumali si Miles sa usapan at sinabing. “Opo Miss Katherine. Nagbibiruan lang po sila. Nakita naman poi to ng lahat!”




Hindi naman makapagsalitang ngumiti si Darryl. Nagawa ng dalawang hayop na ito na magsinungaling para ipagtanggol ang isang tao.






Hindi naman kumportableng tumingin sina Lily at Yvonne sa isa’t isa. Paano nagawa ng dalawang ito na magsinungaling isang napakaobvious na bagay?




Matapos makita ang pagkampi ng mga saksi kay Xavier, wala nang nagsabi pa na kahit ano si Katherine.



“Sumunod ka sa akin Darryl.” Naglakad siya papunta sa isang malapit na puno. Agad naman siyang sinundan ni Darryl.



Ditto na nagsimulang magsalita si Katherine. “Darryl, gaya nga ng sinabi ko kaninang umaga, makakatanggap ang estudyanteng may pinakamataas na donasyon ng isang pabuya.



Wala pa ring nakakatalo sa ibinigay mong donasyon sa buong Hexad kaya natural lang na maging maganda ang pabuyang ibibigay  nito sa iyo. Sinabihan ako ng school na papayagan ka raw nilang pumunta sa library bilang pabuya.”





Ano? Sa library? Paano ito nagging isang pabuya? Natitigilang naisip ni Darryl.


Ang library ay isang napakagandang building na hindi kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Nang itayo  Hexad, ang pinakakilalang lugar sa school na ito ay ang kanilang library.


naglalaman ito ng napakaraming libro na nagcocover sa lahat ng topics, kabilang na --at hindi limitado sa --astronomy, geography at history. Bukas ito sa lahat ng estudyante sa lahat ng oras.


Anong klaseng pabuya ang bagay na ito? Magagawang pumasok ng kahit na sino sa library kahit na hindi sila magdonate!


Matapos obserbahan ang itsura ni Darryl, agad na nabasa ni Katherine ang iniisip nito. Tumawa siya at seryosong nagtanong ng. "Iniisip mo ba na hindi yata tama ang pabuyang matatanggap mo?"


Natawa rito si Darryl. Bakit, hindi ba?


Nagpatuloy si Katherine sa kaniyang pagsasalita. "Maaari ngang pumasok ang kahit na sinong estudyante sa library. Pero alam mo ba na mayroong basement ang library dito sa Hexad?"


"Isang basement?" Tanong ni Darryl.


Tumango rito si Katherine at sinabing. "Itinayo ang Hexad ng anim na mga orthodox sect. ilang libong taon na silang nasa mundo ng martial arts kaya nagkaroon ang bawat isang sekta ng iba't ibang kakayahan, gaya ng body Transformation Scripture ng Shaolin, o ang kakayahan sa Tai Chi ng Wudang sect at maging ang Nine Yin White Bone Claw ng Emei. Ang lahat ng ito ay kanilang mga secret manual. ang sinumang estudyante na makakasurvive sa mundo ng martial arts."


"Hindi available ang mga manual na ito sa lahat." dagdag nito.


"Nakatago ang mga ito sa basement ng library. At dahil ikaw ang pinakamataas na donor sa ating school. pinayagan ka na ng Hexad na pumasok sa basement para kumuha ng isang manual na iyong sasanayin."


Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Katherine na si Darryl --na pinagtatawanang estudyante sa kaniyang klase --ang may pinakamataas na donasyon sa buong Hexad.


Hindi lang ba siya isang nakikitirang manugang? Saan niya nakuha ang lahat ng perang ito?


Nasabik ng husto si Darryl. Nagawa na niya noong mamaster ang manual ng Grandmaster Heaven na Ascension of Nine Dragons at nagtagumpay sa paggamit nito para patayin ang isang pating. Napakalas nga nito.



Kaya sa sandaling magawa pa niyang mamaster ang isa pang manual na kagaya nito, siguradong mas titindi pa ang kaniyang kakayahan!



Nagbabala naman si Katherine habang tiniting nan ang nasasabik na mukha ni Darryl.


"Huwag ka munang matuwa Darryl. Kailangan mong malaman na nilalaman ng mga manual na ito ang pinakamalalim na kaalaman sa bawat isang sekta. Kaya magiging mahirap pag aaral nito para sa isang ordinaryong tao na kagaya mo. Dapat mo ring maintindihan na kahit magkaroon ka ng ganitong klase ng manual, mayroon pa ring tiyansa na hindi mo ito magawang imaster."

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now