KABANATA CCLXXXIX

700 5 7
                                    

Siyempre alam ni Darryl na mapupuno ng tao ang Atlantic Street. Kaya paano nagging possible na nagawang ibook ni Paul ang buong street na iyon?



Ditto na nagring ang kaniyang cellphone. Nagmula ang tawag na ito kay Lily.



Agad na nagtanong si Lily ng. "Darryl, nakalabas ka na ba sa library?"



Naglakad si Lily sa Atlantic Street nang maisipan niyang tawagan si Darryl. Hindi niya inaasahan na sasagutin siya nito! Tumawa naman si Darryl habang naririnig ang ingay ng mga tao sa paligid ni Lily. "Oo, nasaan ka ngayon?" sagot nito.




"Nasa Atlantic Street ako ngayon kasama sina Jade at Phoebe. Napakarami ng tao rito! Hanapin mo nalang kami!" umaasang sinabi ni Lily.




Paano ng aba makakatanggi rito si Darryl? "Sige! Hintayin ninyo ako!" sagot nito.




Ibinaba ni Lily ang tawag at agd na napuno ang kaniyang mukha ng saya. Napatalon siya matapos malamang makikita na niyang muli si Darryl matapos ng isang maiksing sandal!



Hindi na halos naakarating sa Atlantic Street ang taxi na sinakyan ni Darryl noong mastuck ito sa matinding traffic. Ditto na bumaba si Darryl at naglakad papasok sa maraming tao. Maraming mga stall ang nakakalat sa paligid, sumigaw naman ang mga seller para humikayat ng mga customers habang nakalatag ang ilang rows ng mga Chinese lanterns sa buong kalye.




Humanga si Darryl sa tanawing ito habang hinahanap ang asawa niyang si Lily.




"Halikayo nang malaman ang inyong kapalaran! Malalaman ninyo ang inyong kapalaran sa lugar na ito!"




Naglalakad malapit ditto sina Megan at Kent nang marinig nila ang sigaw mula sa isang manghuhula. Mukhang nasa kaniyang forties na ang manghuhulang ito na may isang goatee at suot na isang robe na ginagamit ng mga Taoist. Nagmukhang makapangyarihan  ang lalaking ito kaya maraming tao ang pumaligid sa kaniya.



"Miss Castello baa ng apilyedo mo?" ngiti ng manghubhula habang tinatanong si Megan.




Namangha si Megan matapos marinig na nagawang mahulaan ng manghuhulang ito ang kaniyang pangalan. Hindi niya ito kilala pero paano nito nalaman ang knaiyang apilyedo.




"Master, paano niyo po nalaman na Castello ang apilyedo ng aking girlfriend? Napakagalang niyo naman po. Puwede niyo po bang basahin ang kaniyang kapalaran!" tawa ni Kent habang kausap ang manghuhula.




Hinawakan ng manghuhula ang kaniyang goatee habang seryosong sinasabi na. "Nangangailangan ako ng bayad sa bawat session ng aking panghuhula."



"Magkano?" tanong ni Kent.



"One dollar." Tango ng manghuhula. "One dollar lang ang kailangan ko!"




Siguradong totoo ang master na ito! Naniningil lang siya ng one dollar sa bawat session! Namamangha siyang tiningnan ng mga tao sa paligid.




Tumawa si Kent habang binabayaraan ang manghuhula. "Master, basahin niyo ang kapalaran ng aking girlfriend." Request nito.



Tumango ang manghuhula at nagtanong kay Megan ng. "Miss, kalian ka ipinanganak? Sabihin mo rin sa ain kung anong oras ang iyong kapanganakan."



Nasabik namang sumagot si Megan ng. "3pm ng October 6."



"Alas tres ng ika-6 ng oktubre..." ipinikit ng manghuhula ang kaniyang mga mata at bumulong sa kaniyang sarili. Nakalkula siya gamit ang kaniyang mga daliri at sinabing. "Ginto ang iyong Day Master Heavenly Stream. Sa limang  mga element, malapit ka sa element ng tubig pero nakaroon ka naman ng kakulangan sa element ng kahoy!"



Kakulangan sa element ng kahoy?



"Ano ang ibig nitong sabihin? Sabi ng naguguluhang si Megan.




Ngumiti naman ang manghuhula at nagpaliwanag. "Sa iyong buhay, mangangailangan ka ng isang taong may element ng tubig, pero walang tigil kang lumalayo sa mga taong may element ng kahoy."





Tumnago naman ang hindi nakukumbinsing si Megan sa manghuhula.




Napansin niyang tumingin ang manghuhula kay Kent nang matapos ang kaniyang panghuhula. Itinaas naman ni Kent nag kaniyang kilay bilang sagot. Ang manghuhulang ito ay isang tao na kasabwat ni Kent.




Nagpatuloy ang manghuhula sa pagsasalita. "Nakikita ko na hindi nagging maganda ang mga bagay na nangyari sa iyo nitong nakaraan. Sa iyong trabaho, maaaring maganda nga ang nagiging takbo nito sa una pero agad itong babaliktad sa pinakaimportante nitong sandal. Kung hindi ako nagkakamali, isa kang puliss hindi ba?"




Masyado na itong accurate. Nanginig ang buong katawan ni Megan habang iniisip ito. Totoo nga na hindi nagiging maganda ang takbo ng mga hawak niyang kaso gaya ng kaso ng Grandmaster Heaven at Eternal Life Palace. Hindi rin nagging maganda ang pagpapapasok kay Darryl sa kulungan para mapalapit kay Chester.




Tuluyan na nitong nakumbinsi si Megan sa kakayahan ng manghuhula. Ditto na siya nababagabag na nagtanong ng. "Master, anon a po ang dapat kong gawin?"




Kung magagawa niyang mahulaan ang mga bagay bagay nang ganito kaaccurate, siguradong mayroon itong solusyob sa kaniyang mga problema.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now