KABANATA CXCII

5.6K 27 5
                                    

Hinampas ng auctioneer ang kaniyang gavel para makuha ang atensyon ng lahat.

Sumigaw ito ng, "Ang starting bid para sa Godly Pill ay one billion dollar, simulan na ang pagbibid."

Agad na sumigaw ang mga tao, sinubukan ioutbid ang isa't isa. Sa loob lang ng ilang minuto, umabot na sa apat na billion ang halaga ng pill na ito!

"What the f*ck?" Nagulat dito si Darryl. Nagawa niyang ibenta ang Godly Pill kay Brandon sa halagang dalawang billion at kay Zachariah- na ipinakilala sa kaniya ni Brandon-ng three billion. Inisip niya na kumita na siya rito nang husto.

Sino nga ba ang mag aakala na mas magiging mataas pa ang halaga ng pill na ito sa auction! Agad na umabot sa apat na billion ang bid para rito, at wala rin kahit na anong senyales na hihinto ang mga bisita sa pagbibid ng mas mataas pa rito.

Magbibid na sana si Dax nang hilahin siya ni Darryl. Dahil dito ay agad siyang napatanong ng "Ano ang ginagawa mo, Darryl?"

Determinado na si Dax na makuha ang pill na iyon anuman ang mangyari. Ayaw na niyang mastuck pa sa tuktok ng level five sa domain ng master habang buhay! Isang napakapambihirang bagay ng Godly Pill kaya dapat niyang makuha ito sa anumang halaga na umabot ito sa auction.

Matapos makita ang nag iinit na si Dax, iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing. "Huwag ka nang sumali sa kanila Dax. Totoo ang Godly na iyan pero wala na itong spiritual aura. Wala na itong magiging epekto sa sinumang iinom nito. One-third din ng mga sangkap sa paggawa ng pill na yan ay lason. Kaya ngayong wala na ang spiritual aura na nagbabalanse rito tanging lason na lang ang nilalaman ng pill na iyan. Kapahamakan na lang ang maibibigay ng pill na iyan sa sinumang iinom dito."

Wala na ang spiritual aura nito?

Naguluhan dito si Dax. Umupo siya at namamanghang tumingin kay Darryl habang nagtatanong ng. "Paano mo naman ito nalaman Darryl?"

Walang tigil siyang sinusurpresa ng kaibigan niyang ito.

"Ilang beses ko nang ginagawa ang pill na iyan kaya natural lang na malaman ko ang lahat ng tungkol dito." Isip ni Darryl.

Tumawa siya at sinabing. "Hindi ko pa pupuwedeng sabihin ito sa iyo ngayon pero kailangan mong magtiwala sa akin."

Tumango rito si Dax -- pinagkakatiwalaan niya ng buong buhay si Darryl.

Narinig naman ni Tristan ang kanilang usapan. Naluluha itong tumawa habang nakaturo kay Darryl at sinabing. "Alam kong ikaw talaga ang taong iyon, Darryl! Ipinahiya mo ako nang hindi ko makuha ang Worship of Crystal, pero nagawa mo naman ngayong sabihin na peke ang pill na iyan! Masyado na bang naging malupit sa iyo ang mga Lyndon kaya tuluyan ka nang nawala sa iyong sarili? Sinusubukan mo bang gumawa ng gulo sa auction na ito o masyado ka lang nagmamarunong?"

Napatingin ang ilang tao kay Tristan nang marinig ang malakas niyang tawa.

Kalmado namang sumagot si Darryl ng. "Ano naman ang pakialam mo rito, ni hindi mo nga iyan magagawang bilhin." Isa lang katatawanan si Tristan para kay Darryl.

Natigilan dito si Tristan. Nakita niya ang ilang taong nakatingin sa kaniya habang nanlalamig na sumagot ng. "Oo, hindi ko nga mabibili ang isang bagay na nagkakahalaga ng ilang billion pero ikaw? Sigurado ako na masisimot ang buo mong yaman sa sandaling magbid ka para sa Worship of Crystal, nakikita ko na nasa dalawang daan na lang ang matitira sa iyo sa sandaling mabili mo ito tama? Haha!"

Hindi pa nakuntento si Tristan sa ginawa niyang pagrebut. Sumigaw pa ito sa lahat at sinabing. "Everyone! Sinasabi ng nakikitirang manugang na ito na peke raw ang Godly Pill na nakadisplay ngayon sa stage!"

Dito na sumabog ang lahat katatawa.

"Isang nakikitirang yang lalaking ito? Ano na ba ang nangyayari at nagawa na ng kahit na sinong magpunta sa auction na ito?"

"Oo nga, at nagawa pa niyang magsabi ng Kung ano anong kalokohan dito."

Matapos makita ang komosyon, isang binata na may ilang mga bantad na kasama ang lumapit sa kanila. Ang binatang ito ay walang iba kundi si Julian Roger ang auction coordinator.

Sinabi nito na. "Maaari poba tayong manahimik sir." Naging magalang at matigas ang ginawang paalala ni Julian.

Bilang coordinator ng auction na ito, gusto niyang siguruhin na maayos magtatapos ang auction na kanilang inorganisa.

Ngumiti si Tristan habang sinasabing. "Nagkakamali ka. Hindi ako ang nag iingay dito. Mayroong isang bisita na nagsisimula ng gulo sa inyong auction."

Itinuro niya si Darryl at sinabing. "Sinabi ng lalaking ito na peje ang Godly Pill na nakadisplay ngayon sa auction. Kung hindi kayo naniniwala, tanungin niyo nalang siya tungkol dito."

Sa puntong ito, agad na nakaramdam ng matinding kaunting panic sa kaniyang dibdib si Yvonne. Agad siyang humingi ng pasensya sa coordinator na si Julian. "Pasensya na Mr. Roger, mananahimik na po kami. Nagbibiruan lang po sila kanina. Sigurado naman po ako na orihinal at authentic ang mga bagay na nakadisplay ninyo ngayon sa auction, paano nga magagawang maging peke ang mga ito?"

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now