KABANATA CCLXXIII

524 6 3
                                    

Kung ibang mga babae lang ang nakawala sa kanilang mga phone, agad na magpapanic ang mga iyon.

Hindi naman isang ordinaryong babaw si Circe. Hindi maikukumpara ang kaniyang pagkakalmado nang malaman niyang nawawala ang kaniyang dalang cellphone at purse.

Tahimik naman siyang binati ni Darryl. Hindi na nakapagtaka kung bakit siya ang itinuring na Belle ng Hexad. Hindi mapapantayan ng kahit na sino ang level ng pagkakalma at confidence na kaniyang ipinakita.

Ano ang nangyari? Nawala ba niya ang dala niyang cellphone?

Dito na nagtaka ang lahat. Dahil kung hindi makapagbabayad si Circe, nakahanda baa ng lahat na makihati sa pagbabayad ng bill?

Hindi na kaya pang magkunwari ni Declan, matapos bumagsak sa lamesa habang nangyayari ang lahat ng ito. Ano ang nangyayari? Hindi magawang makapagbayad ni Circe? Kung ipagpapatuloy pa niya ang pagkukunwari, may masasabi nang hindi maganda ang  mga taong ito sa kaniya. At kinalaunan ay kakailanganin na rin niyang harapan ang problema niyang ito.

Nagdadalawang isip siya pero humikab siya at dahan dahang Tumayo mula sa lamesa. Nagkunwari siyang nasurpresa habang sinasabi na. “Oh, pasensya na! Paano nga ulit ako nakatulog dito kanina? Sigurado naman akong nag enjoy kayong lahat sa dinner na ito! Magbabayad na ako.”

Buwisit. Mukhang kakailanganin na nitong manghingi ng pera sa kaniyang pamilya.


Napakamot naman sa ulo si Declan habang sinasabing. “Nagkakahalaga ng thirty million ang dinner na ito. At ang malaking bahagi ng per ako ngayon ay nakalock shares.” Agad itong umamin sa buong klase.


“Kaya kinakailangan kong makiusap kay Dad na magtransfer ngayon ng pera sa akin para mabayaran ang ating kinain.”

Huminga siya nang malalim habang kinukuha ang kaniyang cellphone at dinial ang number ng kaniyang ama. Ang kaniyang ama ay walang iba kundi si Jason Noel na isang kilalang businessman sa food processing industry.

Agad na kumonekta ang kaniyang tawag. Pilit na ngumiti si Declan habang ninenerbiyos na sinasabing. “Dad, puwede mo po ba akong sendan ulit ng thirty million dollars?”


Kinakailangan na niyang makuha ang pera kahit na ang kapalit nito ay sermon mula sa kaniyang ama.



“Ano? Kailangan mo nanaman ng pera?” Nagalit naman si Jason na nasa kabilang linya ng tawag.

Agad nitong sinermunan ang kaniyang anak. “Hayop kang bata ka. Kabibigay ko lang ng thirty million sa iyo noong mag enroll ka sa Hexad, pero nagawa mo na itong maubos pagkatapos lang ng ilang araw? Isa ka talagang kahihiyan sa ating pamilya!”


Nagalit ditto ng husto si Jayson. Nagsumikap siya buong buhay niya, pero nagawang gastusin ng hayop na ito ang ilang milyong dolyar na halaga ng kaniyang pera sa loob lang ng ganito kaiksing panahon.


Mangiyak ngiyak na si Declan sa mga sandaling ito, pero hindi niya ito maaaring ipaalam sa kaniyang mga kaklase. Kaya nagkunwari siya na para bang walang nangyari.


“Opo Dad. Mayroon po kaming pitong mga klase sa bawat isang araw po namin sa school. Huwag ka pong mag alala!” nanginginig nitong sinabi.


“Hayop ka talagang bata ka! Sinusubukan mo ba ako?binabalaan na kitang bata ka. Bibigyan kita ng thirty million dollars ngayon, pero   huwag na huwag ka nang hihingi ng kahit na magkano sa akin sa susunod na anim na buwan!” at pagkatapos ay agad na ibinaba ni Jason ang tawag.


“Nag aalala na si Dad sa akin.” Awkward na tumawa si Declan.


“Tinanong niya ako kung ilang klase raw ba mayroon ako sa bawat isang araw.”



Nagbeep ang kaniyang cellphone habang nakikipag usap sa kaniyang mga kaklase. Naitransfer na ni Jason ang pera sa kaniyang anak. Grabe, nagkaroon  ng halagang umaabot sa twenty something million ang dinner na ito, at higit pa riyan ang bonus na sermon natanggap niya mula sa kaniyang ama. Masyado na itong mahirap para kay Declan!


Nanikip ang dibdib ni Declan habang naglalaho ang pera sa kaniyang bank account.



Habang papaalis ang buong klase sa dining room, tinanong ni Daisy si Katherine ng. “Miss Katherine, mayroon po ba kayong nararamdaman na khit na ano matapos po ninyong inumin ang Spirit Petrification Elixir?”



“Wala naman.” Iling ni Ktherine sa kaniyang ulo.



Nagulat sila sa kanilang narinig. Mabilis dapat nitong mararamdaman ang epekto ng elixir. Tama kaya si Darryl sa pagsasabi na walang epekto ang pill na iyon?



“Hindi agaran ang epekto ng bawat Elixir.” Dagdag nito. “Maaaring bukas pa ito magsisimulang umepekto.



Pinagmukhang engrande ni Declan ang pagbibigay ng pill kay Katherine habang pinapanood ang buong klase. Kaya paano nito magagawang magbigay ng isang pekeng elixir?


“Huwag ka nang magsalita ng kung ano anong kalokohan mula sa araw na ito. Paano magiging peke ang elixir na ibinigay sa akin ni Declan kanina?” singhal ni Katherine.



“Mabuti nalang at mapagpatawad si Declan. Dahil kung hindi kanina ka pa siguro napasok sa isang malaking gulo.”



Tumawa naman si Darryl bilang sagot sa kaniyang guro.


Dahan dahang naglakad papalapit sa kanila si Declan pagkatapos nitong bayaran ang bill.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now