KABANATA CCLXXV

643 16 2
                                    

Isa itong regular na tawag. Isa itong video call mula sa isang babaeng nagngangalang Evelyn Featherstone.


Gusto sanang ibaba ni Darryl ang tawag pero nanginig ang kaniyang kamay at aksidenteng nasagot ang tawag! Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang kumonekta ang cellphone ni Circe sa kabilang linya.


Hayop! Ang tumawag dito ay isang magandang babaeng kakatapos lang magshower.


“Ano ang nangyayari? Hindi ko gusting umingin!” napalunok dito nang husto si Darryl na hirap na hirap sa pagpipigil ng kaniyang sarili.

“Napakaganda ng katawan ng babaeng ito pero bakit parang pamilya rang mukha niya sa akin?” isip ni Darryl.

Ahh! Siya ang apo ng matandang lalaking bumili ng isang Godly Pill sa halagang five billion dollars sa Auction ng mga Rogers. Isa siyang mataas na miyembro ng Eternal Life Palace Sect!

“Ahh!” sigaw ni Evelyn. Hindi niy inaasahan na makita ang isang lalaking sumagot sa kaniyang tawag. Napapigil siya sa kaniyang hininga habang agad na ibinababa ang tawag.

“Ano ang nangyayari? Wala pang boyfriend si Circe kaya siono ang lalki sa kabilang linya? At parang nakita ko na rin ang isang ito dati? Hindi ba siya si Darryl Darby, ang lalaking nagligtas kay Grandpa?”

Nagblush dito si Evelyn.

Malapit na magkaibigan sina Circe at Evelyn. Isang taon na ang nakalilipas mula noong sumali ang pamilya Newman sa Eternal Life Palace, na hindi nalaman ng marami.

Maraming mga pamilya ang nirecruit ng Eternal Life Palace nitong nakaraan, kagaya nito ng pagrecruit na ginawa ni Brian Cunningham sa mga Darby.

Si Evelyn ang siyang nagrecruit sa mga Newman. Kaya natural lang na maging malapit na magkaibiganb sina Evelyn at Circe.

Katatapos tapos lang nitong maligo. Ilang araw na niyang hindi nakakausap si Circe kaya napagdesisyonan na niyang makipagvideo call dito. Pero hindi niya inasahang sasagutin ni Darryl ang tawag. Bukod pa rito sa pagkakita nito sa hubad na katawan ni Evelyn.

Pinadalhan niya si Darryl ng text message gamit ang cellphone ni Circe na nagsasabing. “Ikaw ba si Darryl Darby?”

Natitigilan pa rin si Darryl nang dahil sa kaniyang mga nakita. Hindi niya maitanggi sa kaniyang sarili na maganda nga ang katawan ni Evelyn.

Isa pang message ang kaniyang natanggap na nagsasabing. “Bakit nasa iyo ang cellphone ni Circe?”

Umisip si Darryl ng kaniyang isasagot. “Napulot ko lang ito.” Sagot niya.

“Ibalik mo agad iyan sa kaniya bukas.” Utos ni Evelyn.

“At wala ring nangyari na kahit ano kanina. Kaya sa sandaling ipagkalat moa ng bagay na iyon sa kahit na sino, humanda ka sa akin.”

Ganito ba talaga kabagsik ang mga magagandang babae?



“Paano naman kung hindi?” nagbibirong sagot ni Darryl.


“Bakit mob a ako pinagbabantaan?”


Sito na agad na sumagot si Evelyn ng isang saling – “Kamatayan!”


Grabe napakalakas ng loob niya.


Agad na pinatay ni Darryl ang cellphone. Hindi niya maiwasang maalala ang nangyari noon sa Auction ng pamilya Roger at kung paano nalabas ng dalagang ito ang hawak niyang Eternal Life Palace token. Pinanginig niya sa takot ang buong pamilya Roger. Huwag sana siyang mapatay nito para maghiganti sa nangyari kanina.


Dito na tuluyang nakatulog si Darryl.

Kinabukasan. Maganda ang panahon na may temperaturang nasa eighty-six degrees Fahrenheit.


Maganda ang nagging tulog ni Darryl, naramdaman niya na para bang nakapagpahinga siya nang maigi. Naghum siya habang pabalik sa kaniyang klase. Habang papasok, napansin niya ang isang bagong estudyanteng nakabuzz cut sa unang row ng kanilang classroom – ito ay walang iba kundi si Trent Young.



Nakalabas na kahapon ng kulugan si Trentg Young. Narinig niya na nagtayo raw ang anim na mga orthodox sect ng school na nagngangalang Hexad kaya agad siyang nag enroll dito gamit ang kaniyang mga kuneksyon. Kahit nagawa na niyang magtayo ng Martial club, gusto pa niyang mapalakas ang kaniyang sarili.


Matapos niyang makita, agad na natuwa si Darryl. Hindi lang nagawang mag enroll ni Trent sa Hexad dahil nagging kaklase pa siya nito.


Nagulat dito nang husto si Trent. Bakit nandito ang hayop na si Darryl?


Nagawa niya kasi noong bastusin si Lily sa tahanan ng mga Lyndon kung saan siya nagawang bugbugin ni Darryl. At habang nasa kulungan, muli siyang nabugbog ni Darryl.


Gaano siya kamalas para muli itong makita sa Hexad? Hindi na magawang tumingin ni Trent sa mga mata ni Darryl.


Uupo n asana si Darryl sa kaniyang upuan nang lapitan siya ni Circe. Nakasuot si Circe ng isang kulay itim at hapit na skinny jeans. Nasa kaniya pa rin ang arogante at nanlalamig niyang aura.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now