KABANATA CXCIII

5.5K 29 2
                                    

Nainis nang husto si Tristan habang sinasabi na. "Bakit mo siya dinedepensahan Yvonne? Sinabi niyang peke ang Godly Pill na iyon. Huwag mi na siyang pagtakpan."

Napasimangot dito si Julian. Siya ang incharge sa pagpapanatili ng kaayusan sa auction. Kung ibang tao lang ito, agad na nila itong sinamahan palabas ng hall. Pero ito ay walang iba kundi si Yvonne na nagmula sa pamilya Young. Kaya mas pinili niyang maniwala rito. Nakangiti siyang tumango at sinabing. "Sige kung nagbibiruan lang kayo, maaari bang panatilihin natin ang katahimikan sa paligid?"

Pero noong paalis na si Julian mahinang sinabi ni Darryl na. "Mr. Roger, wala nang bisa ang Godly Pill na nakadisplay ngayon sa auction, hindi niyo na dapat pang ibenta ito."

Dito na napalingon ang lahat kay Darryl.

Wala na siguro sa kaniyang sarili ang lalaking ito. Paano magagawa ng isang malaki at eksklusibong auction na gaya nito na magbenta ng isang walang bisang pill?

Napatigil sa paglalakad si Julian at napatanong ng. "Ano ang sinabi mo?"

Dito na napuno ng pagkabagabag si Yvonne. Hinila niya ang damit ni Yvonne. Hinila niya ang damit ni Darryl at nagmakaawang. ""Tumigil ka na sa pagsasalita Darryl."

Nagtitiwala si Yvonne kay Darryl sa pagkilatis ng mga antique, pero ano ba ang alam nito sa pagpapalakas? Nagawa na niyang kumbinsihin si Julian na biro lang ang lahat ng ito pero noong magsalita na si Darryl. Isa na itong bagay na mahihirapan siyang ayusin.

"Subukan mo itong sabihin pa ulit!" Banta ni Julian.

Dahan dahang tumayo si Darryl, seryoso niyang tiningnan si Julian at sinabing. "Sinabi ko na wala nang epekto ang Godly Pill na iyan. At ang sinumang iinom nito ay maaari nang mamatay."

Wala na itong epekto?

Ngumiti rito si Julian nang hindi nagbibigay ng kahit anong sagot, nanlalamig lang nitong sinabi na."wala akong pakialam kung sino ka pa, maaari bang umalis ka na sa lugar na ito!"

Hindi niya hahayaang gumawa ang kahit na sino ang manggulo sa auction na ito.

Hindi mapakaling napakagat si Yvonne sa kaniyang labi habang nagmamakaawa kay Julian. "Nagmamakaawa po ako Mr. Roger, kumalma po kayo. Wala siyang kahit na anong alam tungkol sa pagpapalakas, kaya nagawa niyang magsalita nang ganiyan. Ako na po ang humihingi ng tawad para sa kaniya, huwag niyo na po siya paalisin."

"Miss Young, ako..." Natitigilang sinabi ni Julian.

Ang mga Young ay isang pamilyang bihasa pagdating sa mga antique. Natural lang na magpalitan ng mga regalong antique ang mga miyembro ng pamilyang kabilang sa itaas na bahagi ng lipunan kaya natural lang na magkrus ang kanilang landas ng mga Young. Kaya kung hindi niya papakinggan ang pagmamakaawa ni Yvonne, maaaring mag iwan ito ng masamang impresyon sa pamilya Roger sa susunod na magkrus muli ang kanilang mga landas.

Nakita niya rin ang nakaupong si Dax Sanders na katabi ni Darryl. Paano niyo nagawang makipagkaibigan kay Darryl? Isa ring kagalang galang na pamilya ang mga Sanders na hindi magawang bastusin ng kahit na sino.

Kaya tumawa na lang si Julian at umalis kasama ang kaniyang mga bantay.

Matapos makita ang mga nangyari, buong hinanakit na sumigaw si Tristan. "Bakit mo nagawang magmakaawa para sa lalaking ito Yvonne? Punong puno Lang siya ng kalokohan kaya dapat lang na palabasin siya rito."

Napakagat na lang sa kaniyang labi si Yvonne. Kahit na gusto niya si Darryl, kailangan rin niyang sabihin ang mga salitang ito. Sa mga ganitong klase ng nga event, kinakailangang mag ingat ng kahit na sino sa kanilang sasabihin. Kaya kung wala lang siya rito, siguradong hindi lang papabasin ng mga ito si Darryl makakatanggap din siya ng pambubugbog mula sa mga Roger.

Habang nag iisip, bumulong siya ng. "Huwag ka nang magsalita Darryl. Hinding hindi magbebenta ng mga pekeng bagay ang auction na ito. Napakataas na ng reputasyon ng Roger's Auction matapos itong idaos nitong mga nakaraang taon. Kaya sa sandaling mapalabas ka rito, sino na ang tutulong sa aking tumingin ng mga antique?"

Hindi na makakailang mataas ang EQ ni Yvonne. Kahit na hindi natuwa si Julian kay Darryl, agad pa rin siyang kumalma nang marinig ang mga sinabi ni Yvonne. Sa totoo lang, sa sandaling mapalabas si Darryl sa lugar na ito hindi na niya alam kung kailan na niya muling makikita si Yvonne.

Hindi na nagsalita pa tungkol sa bagay na ito si Darryl. Dito na mas tumindi ang pagbibid ng mga bisita. Walang sinuman ang naniwala kay Darryl nang sabihin niyang wala nang bisa ang nakadisplay na pill.

"Limang bilyon mula sa lalaking naroroon!" Sigaw ng auctioneer.

Dito na tuluyang namangha ang lahat.

Limang bilyon. Paano magagawang maibenta ang isang piraso ng pill sa halagang limang bilyon?

Agad na nagfocus ang mata ng lahat sa matandang lalaki na nakaupo sa unahan. Nakasuot ito ng Chinese jacket at bastong may nakaukit na ulo ng dragon sa tabi.

Nababalot ng kulay puti nitong buhok ang lalaki na mukhang nasa kalagitnaan na ng sixties, pero punong puno pa rin ito ng sigla sa kaniyang katawan. Naglabas din siya ng isang malalim at malakas na aura kaya malinaw na hindi lang siya ordinaryong tao.

"Grabe, ganito pala talaga kamahal ang isang Godly Pill? Dapat lang na gumawa pa ako ng mga ito sa libre kong oras." Isip ni Darryl.

"Five billion, going once, going twice, going thrice.... SOLD! Sa lalaking nasa harapan." Sigaw ng auctioneer.

Nabalot muna ng katahimikan ang buong hall bago umingay nang magsimula ang napakalakas na palakpakan ng lahat.

Palihim na iniisip ng lahat kung paano nagawa ng lalaking ito na gumastos nang limang bilyon para sa isang Godly Pill--- siguradong isa ito sa pinakamakapangyarihang mga tao da kanilang bansa. Pero mukhang hindi pamilyar ang kaniyang mukha sa lahat, at hindi rin siya kabilang sa mga sikat na tao sa business world.

Agad na ibinigay ng auctioneer ang Godly Pill sa matandang lalaki.

Napuno ng pagkasabik ang matandang lalaki nang sabihin nitong. "Sampung taon! Magagawa ko na ring makaalis sa level five master General at makakapasok sa domain ng master Marquis!"

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now