KABANATA CCXVI

4K 24 8
                                    

KABANATA CCXVI

"President Darvy, nagpadala ang Donghai Television Station ng isang imbitasyon para sa isang evening gala." Sabi ni Pearl.

"Anong evening gala?" tanong ng walang kaalam alam na si Darryl.

Ngumiti si Pearl at sinabing. "Mmalapit nap o ang Mid-Autumn Festival, magsisimula po sila ng isang gala para rito. Isa poi tong engrandeng pagdiriwang na dinadaluhan ng maraming mga artista at ng malalaking mga tao sa Donghai City."

Nagmamalaking nagpaliwanag ang mukha ni Pearl habang nagpapatuloy sa pagsasalita. "Dalawang mga artista ang kasalukuyang pinopromote ng Platinum Corporation, ito ay sina Giselle Lindt at Lana Thomas. Gusto ng station na papuntahin sila sa gala kaya tayo ang unang nakatanggap ng imbitasyon para rito. Bilang president ng kumpanya, hindi niyo po maaaring mapalampas ang isang event na gaya nito."

"Nasa mid-autumn na pala tayo?"

Tumango si Darryl at sinabing. "Sige, iprepare mo na ang lahat ng kailangan natin para rito."

"Wala pong problema."

........

Pagsapit ng 7pm, nabalot ang buong TV station ng naggagandahang mga ilaw.

Ang Donghai Satelite Television Building ang isa sa pinakamagandang gusali sa buong Donghai City. Mas lalong nagging makapigil hininga ang itsura nito nang mabalot ng makukulay na ilaw habang nakatayo sa tabi ng tubig na pumapaligid sa buong Donghai City.

Ito ang magiging venue ng Mid-Autumn Festival Gala.

Bagong bago ang mga dekorasyong inilagay sa paligid ng banquet na nagpapakita ng walang kapantay na karangyaan.

Ang mga nagging bisita sa galang ito ay mga kilalang tao sa buong Donghai City, mga presidente ng mga Entertainment Company at mga artista.

Ito ang pinakamalaking selebrasyon ng Mid-Autumn Festival sa buong kasaysayan ng Donghai City.

Nakarating na sa venue ang pinupuring sina Giselle Lindt at Lana Thomas mula sa S9. Nagperform din ang ilan sa mga artista ng kani kanilang mga kinita sa event!

Makikita rin ang mga napakaraming mga reporter at mga fans na nakapaligid sa plaza.

Tuluyan nang nagging siksikan sa loob ng venue kahit 8pm pa pormal na magsisimula ang gala.

Pagsapit ng 7:30pm, isang Marcedes Benz S600 pullman Guard ang huminto sa tapat ng building.

Mabilis na nilapitan ng mga crew ng event ang sasakyan at magalang na binuksan ang pinto nito.

Dalawang naggagandahang babae ang bumaba sa sasakyan, sila ay walang iba kundi sina Giselle Lindt at Lana Thomas.

Agad na naghiyawan ang mga fans nang Makita ang presensya ng dalawang ito.

Nakakahilo sa sobrang ganda si Giselle na nakasuot ng isang mahaba at kulay maroon na dress at kaniyang kulay silver na mga stilettos.

Naging sexy ngunit elegante naman ang isinuot ng kulay outing evening gown ni Lana Thomas na babalot ng maliit na piraso ng diyamante.

Binati ng dalawang nagagandahang mga babae habang nakatayo nang magkatabi. Agad nilang nakuha ang atensyon ng maraming nga reporters at mga camera.

At pagkatapos, isang lalaking nakasuot ng isang suit ang bumaba mula sa sasakyan.

Naging malinis ang pananamit nito at nagmukhang guwapo nang dahil sa matatalas na anggulo ng kaniyang mukha. Naglabas din ito ng isang hindi maipaliwanag at misteryosong aura habang nakasuot ng itim na sunglasses.

Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Darryl.

Ayaw niya sanang umattend sa matataong mga event na kagaya nito, pero isa itong event na hindi niya maaaring tanggihan.

Nagalala siya na baka makilala siya ng isang loko lokong bisita na magbulgar aa totoo niyang pagkakakilanlan bang isang nakikitirang manugang ng mga Lyndon. Kaya napagdesisyunan niyang magsuot ng itim na sunglasses para maiwasang makilala ng kahit na sino.

Nakangiting nilapitan nina Giselle at Lana si Darryl nang makababa ito sa sasakyan. At pagkatapos, sabay sabay na pumasok ang tatlo sa venue, napapagitnaan si Darryl ng dalawang babae.

"Wow."

Agad na kinainggitan ng maraming tao si Darryl.

" ba ang isang ito?"

"Paano niya nagawang imbitahan ang dalawang nagagandahang artist na sina Giselle Lindt at Lana Thomas na makasama niyang pumunta sa event na ito?"

Nakarating na sa event ang karamihan sa mga bisita. Napakarangya ng itsura sa loob ng banquet hall na naglalaman ng mga bisitang may kamangha-manghang mga background sa Donghai City.

Dumaan si Darryl sa gitna ng mga bisita kasama sina Giselle at Lana habang paminsan-minsang tumitigil para makipag-socialize sa ibang mga bisita.

Sina Giselle at Lana siyempre ang halos nakipag usap sa mga ito habang ginagawa ni Darryl ang lahat para umiwas sa pagsasalita.

"Hindi ba ikaw ang napakagandang si Giselle Lindt?"

Isang hindi maganda at misteryosong boses ang narinig ni Darryl nang makahanap siya ng lugar na mauupuan.

Tumalikod si Darryl at nagulat sa kaniyang nakita ng isang segundo bago sumabog sa kakatawa.

"Hindi ba masyado nang overweight ang lalaking ito?"
Naisip ni Darryl kung nagkaroon na ba ng ikalawang buhay ai Zhu Bajie.

Pero si Dalton Zander lang ang isang ito, ang lalaking sinampal ni Giselle matapos siya nitong subukang itake advantage gamit ang hawak nitong kapangyarihan sa mundo ng showbiz.


Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now