KABANATA CCVI

4.7K 30 2
                                    

Napangiwi ang mukha ni Chester, hindi na niya mapigilan ang sarili. Tumayo ang may namumulang mata na si Chester at tumitig kay Trent.

"Nakatira tayo sa iisang bubong, anong problema mo?"

Hindi pa ito nakakaranas na magdusa sa eternal life palace kaya naman naninibago ito nang nabubully ang kagaya niyang high rank member.

"Wow, galit na ang may pagkasnob na nerd!" Kutya ni Trent.

Pagkatapos ay sinampal nito si Chester.

Slap!

Hindi naman ito masyadong malakas pero narinig ito ng lahat.

Sinara ni Chester ang kaniyang mga kamao at pinalipas ang halos isang minuto nang matapang itong nagsalita. "Kapag nakalabas na ako dito sa lugar na ito, papatayin ko ang buong pamilya mo." Dinaanan niya si Trent at ang mga taga sunod nito.

Lahat ay nagulat. Ang threats ng mahinang nerd na ito ay talagang nakakatakot.

Dumura si Trent sa sahig nang bumalik ito sa wisyo. "Hayop ka, tinatakot mo ba ako?"

Tumakbo ito palapit para suntukin si Chester pero pinigilan ito ng babaeng guwardiya. Hinayaan niya na muna ang lahat, hanggang sa maghating gabi.

Patay na ang mga ilaw, oras na ng pagtulog. Matutulog na sana si Darryl nang biglang may narinig siyang mga yapak. Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata -- nakita nito sina Trent at ang mga tauhan nito na papalapit sa higaan ni Chester, may mga hawak itong makapal na hemp ropes. Papatayin nila si Chester.

Talagang nakakatakot ang sinabi ni Chester dahil mukhang hindi siya nagbibiro. Nababahala si Trent kapag nagbibigay ng threats ang nerd na kagaya ni Chester. Kaya naman napag isipan nito na patayin na lang si Chester, normal naman ang pag aaway sa loob ng prisinto dahil madalas ay walang nagbabantay.

Agad na sinunggaban ito ni Trent habang sinasakal gamit ang rope. "Ikaw, diba napakagaling mong manakot? Gusto kong marinig na gawin mo ulit ngayon! Pero papatayin muna kita!"

Hinihingal na si Chester at namumutla na ang mukha nito. Nahirapan itong makawala dahil mas malakas sa kaniya si Trent, pero kung magtatagal pa ito ng isang minuto ay siguradong malalagutan na ito ng hininga

Napangiti si Darryl sa kinahihigaan at nagbilang ng apatnaput limang segundo bago tumayo na para bang tinatamad.

"Pakihinaan naman ang boses niyo, natutulog na ang mga tao." Nakangiting sabi ni Darryl.

Nakarolyo na ang mga mata ni Chester at puti na lamang ang nakikita.

"Huwag kang makialam dito, walang kinalaman ito sayo." Pananakot ni Trent.

Napailing si Darryl. "Guys, kanina niyo pa siya binubully pero ayaw niyo parin tantanan? Hindi ko na kayang magpigil pa."

Sumuntok ng dalawang beses si Darryl

BAM!

BAM!

Agad na nawalan ng malay ang dalawang lalaki.

Ano? Bakit napakalakas niya?

Si Trent-- na hindi na nagbigay atensyon kay Chester ay nag utos. "Hulihin niyo siya! Isa lamang siya ano pang inaantay niyo?"

Sabay sabay na sumugod ang grupo.

Nakangiti na sumugod rin si Darryl. Parang cannon balls ang mga suntok nito at nasa sahig na ang grupo na dumadaing sa sakit makalipas lamang ang kalahating minuto.

"Darryl, ikaw... Ikaw..." Namamawis na sabi ni Trent.

Madami ang pasa sa mukha nito pero bakit ang pabigat na manugang na ito ay sobrang lumakas sa loob lamang ng ilang araw? Level two master lang ito noon pero biglang naging level four master kaagad?

Narinig ng babaeng guwardiya ang kaguluhan at nagulat ito. Natalo si Trent? Kinusot pa nito ang mga mata upang makasiguro. Martial arts champion si Trent at walang sino mang nagtatangka sa loob ng prisinto na ma offend ito, paanong nabugbog ito ng sobra?

Hindi makapaniwalang tiningnan ng guwardiya si Darryl! Hindi ordinaryong tao ang magnanakaw na ito!

"Isa pang manggulo ka, makakatikim ka ng bugbog sa tuwing makikita kita." Lumapit si Darryl kay Trent para bigyan ng huling sipa.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now