KABANATA CXC

6K 28 4
                                    

Matapos lang ng ikalimang item napapigil hininga ang mga kababaihang umattend sa auction. Hindi naalis ang kanilang mga paningin sa mga sapatos na nasa display na isang pares ng mga heels na pinong hininang mula sa isang kristal.

Iyon ay walang iba kundi ang'Worship of Crystal'!.

Sumara nang husto ang mga kamao ni Yvonne nang makita ito, agad na nagliwanag sa sobrang pagkasabik ang kaniyang mga mata. Matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng mga ito. At matapos makita ang mga ito nang personal, desidido na siya sa kaniyang sarili na bilhin ito.

Hindi na siya mapakali sa kaniyang kinauupuan habang ifinofocus ang kaniyang sarili sa heels na iyon. Pero matapos makita ang starting bid nitong umaabot sa fifty million, agad na napuno ng pagkadismaya ang nagliliwanag niyang mukha.

Fifty million na lang ang starting bid nito? Alam ng lahat na nasa thirty million lamang ang orihinal na presyo ng mga heels na ito pero nagawa pa rim nitong magkaroon ng fifty million na starting bid sa auction na ito! Hindi lang iyon, dahil marami rin sa mga kababaihan ang determinadong makuha ang pares ng mga heels na ito. Kaya siguradong magiging competitive ang mangyayaring auction para sa pares na ito ng Worship of Crystal. Pero nasa sixty million lang ang dalang pera ni Yvonne sa auction na ito.

"Yvonne, alam ko namang matagal mo na itong gusto. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kitang makuha ito ngayong araw." Alam ni Tristan na ito na ang pagkakataon niyang makuha ang puso ni Yvonne.

Dahil dito agad niyang itinaas ang kaniyang kamay.

"Fifty million! Nagbid si Mr. Zink ng fifty million!"

Ang auctioneer ay isang napakagandang babae na may slightly parted at namumulang mga labi na nakita ng lahat noong ngumiti ito.

"Sixty million."

"Seventy million."

"Seventy-five million!"

"Eighty million!"

Sa loob ng ilang minuto, umabot na sa eighty million ang presyo nito!

Huh?

Naoverwhelm sa mga ito si Tristan. Ano ang nangyayari? Ano ba ang problema ng mga babaeng ito, nagawa nilang maglabas ng eighty million para lang sa isang pares ng heels? Nangako siyang kukunin ang mga heels na ito kay Yvonne kaya wala siyang nagawa kundi muling magbid.

"Eighty... Eighty-one million!" Sigaw ng nagngingitngit na si Tristan.

Hahaha!

Agad na napuno ng tawanan ang buong hall nang marinig ang kaniyang offer. Mas mataas lang ito ng isang milyon kaysa sa nauna niyang bid!

Wala nang nagawa rito si Tristan. Kahit na itinuturing na mayaman ang kaniyang pamilya, hindi pa rin siya dapat gumastos nang ganoon ganoon na lang!

"Ninety million!" Sigaw ng isang babaeng may maiksing buhok habang itinataas ang hawak niyang card.

"Ninety million! Nagbid si Ms. Goyard ng ninety million para sa worship of Crystal!" Nasabik na sigaw ng auctioneer.

Nakakakuha ang auctioneer ng komisyon sa bawat item na nagagawa niyang maibenta. Kahit na mababa lang ito, masyado pa ring malaki ang makukuha niyang komisyon para sa isang ninety million dollar na halaga ng gamit na kaniyang naibenta.

Dito na tuluyang umingay ang buong hall. Sa totoo lang ay nagmukha talagang immaculate ang pares ng Worship of Crystal na nakadisplay ngayon sa gitna, pero gaano karaming babae lang ba ang makakapagsuot nito? Ninety-nine na pares lang ang ginawa nito sa buong mundo kaya natural lang na hindi ito magawang maisuot ng lahat.

May kaniya kaniyang pakay ang karamihan sa mga bisitang nagpunta rito. Kaya hindi na nila nagawa pang magbid nang mas mataas sa ninety million dollar bid ni Ms. Goyard.

Namula ng husto ang mukha ni Tristan. Sobra sobra na ito sa kaniyang budget! Talaga bang ninety million ito?!

Naintindihan naman ni Yvonne si Tristan at naantig sa ginawa nito.

"Alam kong sinubukan mo ito kunin, Tristan." Sabi ni Yvonne. "Hindi bale, ayoko na rin naman ng mga ito."

Mahahalatang nagsisinungaling lang si Yvonne sa mga sandaling ito. Gustong gusto niya talaga ang mga sapatos na iyon pero alam niya ring hindi na ito magagawa pang mabili ni Tristan para sa kaniya.

"Yvonne, kung ayaw mo na talaga nito hindi na ako magbibid pa para rito." Buntong hininga ni Tristan.

"hahahahaha!"

Hindi na napigilan pa ni Darryl ang kaniyang sarili na tumawa. Nakakatawa ang isang ito! Hindi ba't sinasabi niya na sobrang yaman ng kaniyang pamilya? Kata bakit niya nagawang umatras nang ganoon ganoon na lang?

"Anong tinatawa tawa mo riyan?!" Sigaw ni Tristan. "Atleast ay nagawa kong magkaroon ng ninety million. Ikaw ba? Magagawa mo bang magbayad ng ninety million para rito? Darryl, bilang isang nakikitirang manugang, alam ko kung gaano kahirap ang situwasyon mo. Nagpunta ka ba rito para mapansin ng iba dahil wala ka nang natitira pang pagkatao sa inyo?"

Hindi na binastos pa ni Tristan si Darryl. Sabagay, nananakit pa rin ang suntok na ginawa sa kaniya ni Dax kanina.

Pero nabastos pa rin rito ai Yvonne. Natuwa siya noong subukan nitong magbid para mabili ang mga sapatos na gusto niya, pero ngayong sinisimulan na naman niya ang pangungutya kay Darryl, agad na nawala ang pagkaantig niyang ito. Kahit na mahirap lang si Darryl, isa pa rin itong matapang at seryosong lalaki.

"Tristan, aalis na ako kung ipagpapatuloy mo pa ito." Simangot ni Yvonne.

Ang Asawa Kong Tinitingala ng Lahat [Book2] (By skykissing wolf)Where stories live. Discover now