Chapter 1

572 39 8
                                    

NAPUNO ng napakaraming ilaw ang event hall ng Novotel London West kung saan daan-daang mga kilala at mga baguhang manunulat ang naroon para sa gaganaping Romantic Novelists' Association's Winter Party and Industry Awards ceremony. Lahat ay abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga kapwa manunulat ay isang binata ang pinagkumpulan ng mga kababaihan.

"Woah! This still blows my mind!" manghang saad ng isang dalaga na hindi maalis ang tingin sa binata. "You're J. Alexander!"

"I had no idea the person behind the super romantic and heart-wrenching story "Chased" was such a young handsome man who is now standing in front of us!" nakangiting wika ni Charlotte, isa sa mga sikat na batang manunulat.

"I'm completely engrossed in your story, Alexander. Your talent for capturing women's hearts is truly impressive," puri ng isang babae. Ngunit sa kabila ng mga papuri na natatanggap ni Jax ay nanatiling siyang walang kibo.

Isa sa mga babaeng nasa kanyang harapan ay biglang inangkla ang braso sa kanyang braso dahilan para maituon ang atensyon niya sa babae.

"No one can truly outdo you in terms of attractiveness, Alexander," malanding saad ni Vivienne, isa sa manunulat na nakilala na baliw na baliw sa kanya. Sabay tingin sa mga babaeng nasa kanilang harapan na may mga tinging nagsasaad ng, "Back off, bitches! He's all mine!" dahilan para ang iba ay mapaatras ngunit may iba na hindi nagpatinag sa kanya para maningkit ang kanyang mga mata at mapataas ang isa niyang kilay. "And for a handsome man like you, only a girl with beauty, elegance, and wits like me will do." Sabay tingin sa binata dahilan para magkasalubong ang kanilang mga tingin at binigyan niya ito ng pagkatamis-tamis na ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi.

Ngunit sa kabila ng panlalanding ginawa ni Vivienne ay nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha ni Jax. Ibinaling ng binata ang kanyang tingin sa kamay ng dalaga na nagpapahiwatig na alisin ang pagkakapulupot nito sa kanyang braso ngunit parang hindi iyon naiintindihan ni Vivienne na siyang ikinatalim ng mga tingin ni Jax sa kanya.

"Yes, darling?" tanong nito na may pakurap-kurap ng mga mata.

"Take your hands off of me," mariin nitong saad na nakatingin sa braso ni Vivienne.

Nabigla ang dalaga at akmang aalma ngunit mabilis na dumating si Lax, ang nakakatandang kapatid ni Jax o mas kilala bilang si Leandro Alexander na isang kilalang hotelier sa industriya pagdating sa hotel services. Bago pa uminit at makagawa ng eksena ang kanyang kapatid ay maingat na inalis nito ang kamay ni Vivienne na nakapulupot sa braso ng kanyang kapatid.

"I'm sorry, ladies, but please excuse us," magalang na pasintabi nito sa lahat ng babaeng naroon saka inilayo ang kanyang kapatid sa lugar na 'yon.

Nang masiguro na ni Lax ang distansya nila ng kanyang kapatid ay hinarap niya ito.

"Jax, naman alam mo namang importanteng event 'to para sa 'yo hindi mo ba kaya na pakitunguhan man lang kahit konti ang mga taong kakausap sa 'yo?" tanong ni Lax na nasisiphayo sa inaasal ng kanyang kapatid.

"Lax, you knew who I was. I will not interact with anyone unless it benefits me," diretsahang saad ni Jax sabay kuha sa champagne sa tray ng waiter na dumaan sa kanyang harapan.

Lumagok ito nang konti. "Such a waste of energy." At nang akmang sisimsiming muli ang champagne ay kinuha iyon ni Lax sa kanyang kamay.

"Sino may sabing p'wede kang uminom, Juan Alexander?" paninitang tanong ni Lax sabay nilagok ng buo ang natitirang champagne sa kopita.

Napapalatak at napairap na lamang ng kanyang mata si Jax sa inasal ng kanyang kapatid.

"It's only a glass of champagne, Lax, and I'm already 17."

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora